12:Meiji's Lament

1.3K 52 2
                                    

×◆◇◆◇×

"Wala.... nga ....kasi ....dito.... si Lady Meiji eh. Bakit ang ....kulit-kulit mo, Miss Everdeen! Huuwaaa!!" at tuluyan na ngang umiyak ang door butler ni Meiji.

Kanina ko pa kasi ito kinukulit na papasukin ako. Alam kong nasa loob lang ng kanyang kwarto si Meiji at malamang nagbilin na ito kay Dorothy, ang pangalan ng kanyang door butler,na huwag magpapapasok ng kung sinuman.


"Ayaw mo kasi akong papasukin, eh!" bulyaw ko dito na lalo pang nagpaatungal kay Dorothy.

"At bakit naman kita huhummhumm...papasukin eh wala....naman si Lady Meiji sa loob...at saka wala....ka namang pahintulot...pumasok di-di-diba?" tugon ni Dorothy sa pagitan ng paghikbi nito.

Bakit kasi kailangang isang three year old door butler ang nakaposte sa pintuan ni Meiji. Cute nga ito sa mumula-mula nitong pinsgi, sa mga inosente nitong mga mata, sa labi nitong animo'y laging nakapout at sa matangos ngunit maliit nitong ilong na parang pingpong ball kaya lang tulad din ng isang tipikal na bata masyado itong iyakin, sumpungin at minsan nakakainis na ang mga tantrums nito.

"Kapag di mo ako pinapasok malilintikan ka na sa akin!" para na akong sirang nakikipag-away sa isang bata.

At lalo pa naman nitong pinalakas ang palahaw. Di matigil ang paglandas ng mga luha nito kasabay ng pagtulo ng sipon sa butas ng mga ilong at mula naman sa nakanganga nitong bunganga ang pagbulwak ng paminsan-minsang nagiging lobong laway nito. Nakakarindi rin ang palahaw nitong tila di na uubusan ng hangin sa haba ng pagpalahaw. Isang tipikal na eksena ng bata kapag napapagalitan.

"Kalma lang Everdeen, bata lang yan, bata lang yan." nanggigil kong sabi ko sa sarili ko. Mukha yatang matutuyuan ako ng bloodiline sa batang door butler na ito.

" Okay, okay. Di na ako magpupumilit pa tumigil ka lang pagpalahaw mo,pwede?" maya-maya'y sabi ko dito. Di ko na matagalan ang nakakarindi nitong pagpalahaw."Basta ibibigay mo ang ito sa kanya." itinuro ko ang limang makakapal na aklat na ilagay ko sa isang tabi.

"...si-sige," tugon nito. Tumigil na ito sa pagpalahaw ngunit naroroon pa rin ang paghikbi nito. Ibinuka nito ang bibig nito, nakuha ko naman ang ibig nitong sabihin kaya binuhat ko ang makakapal na aklat at inilagay iyon sa nakakanganga nitong bibig. Narinig ko pa ang pagbagsak ng mga iyon sa loob ng kwarto ni Meiji.

Ang mga aklat na iyon ay ibinigay sa akin ni Miss Minchan kahapon matapos naming ihatid ang mga prinsipe sa kanya-kanyang silid. Mga Code of Royal Etiquette ang mga iyon patungkol kung paano ang tamang ikikilos at pagsasalita sa harap ng isang prinsipe. Bawat imperyo ay may iba't ibang Code Of Royal Etiquette kaya naman lima ang mga iyon. Hindi na nga ako pumasok sa panghuling klase para lang mabasa ang lahat ng iyon. History of Earthicus lang naman ang subject na iyon at si Meiji lang naman talaga ang nagtyatyagang makinig sa klaseng ni Mrs. Lovellpouff. Ngayon nama'y ibibigay ko ang mga libro kay Meiji para mabasa rin nito ayon na rin sa utos ni Miss Minchan.

Nagsimula na akong maglakad palayo sa kwarto ni Meiji. Kailangan ko pang isa-isang sunduin ang mga prinsipe para sa agahan. Magaalas-sais na ng umaga at ilang sandali na lang ay tutunog na ang pang alas-sais ng umagang Angelus hudyat na malapit ng magsimula ang breakfast banquet.

Ngunit bago pa ako tuluyang makalayo sa kwarto ni Meiji nakita ko pang inilabas ni Dorothy ang dila nito tila nang-aasar. Ginantihan ko din naman iyon, inilabas ko din ang aking dila, inilagay ang mga kamay ko malapit sa aking tainga at binelatan ko ng malakasang pang-aasar. Hindi ako nito magagaya mangbelat dahil wala naman itong kamay. Nang makita ko naman ang reaksyon nitong busangot na busangot, feeling winner naman akong naglakad nang muli.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon