21:Chase.

883 29 0
                                    

〖☆☆☆〗


Noong umagang iyon, bago pa man mahanap ang lugar kung saan pansamantalang lalagi ang nilalang na bumagsak mula sa kung saan, isang habulan ang nangyari.

"Fushia naman! Sino namang hinayupak ang mga humahabol sa akin ngayon? Kung di ako magmamabilis sa pagpalipad baka abutan ako!"

"Kayong dalawa dyan! Baka naman gusto n'yo akong tulungan?" nagsasalita na naman ang nilalang mag-isa.

"Oo, sinabi ko na ngang kailangan ko nga ng tulong! Mga manhid ba kayo! O mga bulag! May humahabol sa aking parang mga lumilipad na chariot!"

"Chariot! Hindi charot! Mga tungaw!"

"Chariot! Yung ginagamit ni Brad Pitt sa Troy!"

"Hindi 'yon! Ang tinutukoy n'yo naman ay Trojan Horse. Yun ung malaking kabayo na....ah basta yun na yun. Yung chariot ay ung sinasakyan n'ya na hinihila ng kabayo. Yun ung chariot."

"Hindi kalesa. Wala yong bubong. Nakatayo lang ung nagpapatakbo dun."

"Ah, ewan. Ang hirap n'yo talagang paliwanagan kahit kailan! Asan na yung tulong!"

"May ipapadala kayo? Teka yun ba yung nakikita kong bumabagsak?"

Tumango lang ang nilalang na parang may sinang-ayunan ito at mabilis na lumipad tungo sa nakita nitong bumabagsak. Bago pa ito man ito nakarating sa bumabagsak isinuot muli nito ang headphone na nakasakbit sa leeg nito.

Ngayon maririnig na ng mga nagbabasa ang dalawang boses.

Nagulat ang nilalang nga makita kung anong bagay ang bumagsak. Hindi ito kung ano kundi 'sino'.

"Kyuubi?"

"Surprise!" ani ng boses ng nagngangalang Horus.

"Nyaaaaaaw!" isang pusa ang tinawag na Kyuubi ng nilalang. Nagkakawag ito habang nasa ere. Pilit na naghahanap ng makakapitan.

"Niloloko n'yo ba ako? Isang malanding pusa ang ipinadala ninyong tulong?" ani ng nilalang na hindi pa sinasambot ang bumulusok na pusa. Nagawa pa nitong sabayan ang pusa sa pagbulusok. Pilit naman s'yang inaabot ng pusa.

"No choice ka. 'Yan lang ang pwede eh. Kaya tiis ka na lang." si Horus pa din.

"Ano namang gagawin ng malanding yan? Kakalmutin ang mga hahadlang sa misyon ko saka lalandiin ang mga pusa dito sa mundong 'to? Tapos maghahasik na naman ng lahi sa real world? Naku tama na. Ayoko na maghimas ng sangkaterbang malalanding pusa. Ibalik n'yo na 'yan." tugon ng nilalang saka ito lumipad muli palayo sa kumakawag na pusa.

"Kaya hahayaan mo na lang yang pusang bumagsak?" nangongosensyang sabi naman ng isa pang boses.

" Yaan n'yo, gagawin namang siopao yan ng mga tagadito." walang paking tugon ng nilalang.

"Hindi ka ba naawa sa pusang minsang nagpapasaya sa iyo tuwing nag-iisa ka? Hahayaan mo na lang bang gawing siopao ang mga laman n'ya? Wala ka na ba talagang puso para di kaawaan ang pusang nais lang mahanap ang mga lalaking pusang papawi sa nararamdaman n'yang landi? Hayan, tignan mo ang mata n'ya. Hindi ka ba naaawa sa kalahi ni Garfield, Oggy, Felix at ni Tom? "
naiiyak na sabi ni Horus. Pinipilit nitong konsenyahin ang nilalang.

Natigilan naman ang nilalang. Pinagmasdan nito ang pusang patuloy pa rin kumakawag-kawag sa ere. Malakas rin itong ngumingiyaw na tila parang umiiyak.

Doon naalala ng nilalang ang mga eksena kasama ang pusa.

Kung paano nito sinagi ang basong naglalaman ng kanyang paboritong kape. Kung paano nito dinilaan ang ulam n'yang sardinas. Dinilaan lang pagkatapos tila nasusukang umalis pagkakakita sa kanya. Choosy ito ayaw sa pangpoor na ulam. At kung paano siya nito kalmutin tuwing tumitigil siya sa paghimas dito. Maarte na bossy pa.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon