81: Arcade City: City Of Lights And Fun

247 13 2
                                    

Nalaman din ni Mademoiselle Bronquet mula kay Everdeen na nakauwi na pala si Meiji at kasalukuyan na pala itong nasa kwarto nito. Iyon lang naman ang sinabi ni Everdeen wala ng iba.

Dala na marahil ng pagkadismaya, kaagad na nagpunta ang Mademoiselle sa kwarto ng dalaga subalit nakailang kalampag na ang Mademoiselle, hindi pa rin siya pinagbuksan ng matigas na ulo na si Dorothy, ang door butler ni Meiji. Ginamitan na rin niya ito ng lahat ng alam niyang usaping diplomasya subalit nanatiling matigas talaga si Dorothy. Hindi ito natinag sa anumang ginawa o sinabi sa kanya ng Mademoiselle. Kung kaya sa huli, si Mademoiselle Bronquet na rin ang sumuko. Gayunpaman, ipangako niyang makakatikim si Meiji na matinding parusa mula sa kanya.

Tumahimik ang gabi nang umalis na rin sa wakas si Mademoiselle Bronquet habang nanatili namang mahimbing na natutulog si Meiji, kayakap si Little Levi. Subalit sa kalagitnaan ng gabi....

Mga kalampag sa bintana ng kwarto ang gumising kay Meiji. Pupungas-pungas siyang bumangon pero nanatili pa rin siya sa kama, nakaupo. Nilibot niya ng tingin ang kwarto at nang madako ang tingin sa bintana'y nakakita siya ng mga anino. Hindi naman niya iyon pinansin bagkus, naghikap siya't kalauna'y nag-unat. Saka palang niya napansin na nagbalik na pala sa dati ang damit niya. Damit na kung saan suot na niya bago pa man siya kidnapin nina Primrose at Everdeen kaninang umaga. Mula roon ay bigla niyang naalala ang huling date sana niya kasama si Kosuke. Napatawa siya ng mapagtantong nakatulog pala siya't hindi nakarating sa huling date.

"Sorry na lang, tukmol number 5," mahinang saad ni Meiji. Muli siyang nag-unat saka bumalik sa pagkakahiga. Nahimbing siyang muli sa pagtulog subalit bigla na lamang siyang napabalikwas ng bangon nang bigla na lamang may kumalabog na animo'y may nabasag.

Pagkabalikwas ay agad siyang napatingin sa marahas na paggalaw ng kurtina sa bintana dala ng hangin sa nabasag na salamin ng bintana. Kaagad siyang tumayo upang tignan kung ano o kung sino may kagagawan nuon.

Marahas niyang hinawi at naghanda sa kung ano mang masusumpungan niya sa nakahayag na bintana subalit kaagad bumalandra ang simangot sa mukha niya nang sumalubong sa kanya ang nakangising mukha ni Kosuke kasama si Kipper na mabilis namang itinago sa likod nito ang hawak na bato. Nakatayo mula sa nakalutang na broomstick ang mag-amo.

" Sa wakas, nagising ka rin," ang nakakalokong bati ni Kosuke.

Pinigilan ni Meiji ang sarili na magpalatak gayunpaman mahina pero mariin naman siyang nagsalita." Mga walang hiya kayo!" kuyom ang mga palad na tinignan ng masama ng dalaga ang mag-amo na pareho pang nakangisi ng nakakaloko.
" Anong pumasok sa mga kokote ninyo at binasag n'yo ang salamin ng kwarto ko?" dugtong pa ng dalaga.

Nakangisi pa ring tumugon si Kosuke.
" Tulog-mantika ka kasi kaya wala na kaming choice kung hindi basagin ang salamin magising ka lang."

Sa narinig ay mas lalo tuloy sumama ang mukha ni Meiji. " At ano na namang trip n'yo para gisingin ako, sa kalagitnaan ng gabi pa talaga, ha?!"

" Simple lang," si Kosuke. Lumapit pa ito sa bintana para makita pa lalo ang nakasimangot na reaksyon ni Meiji.
" Kukunin ko lang naman ang oras na nakalaan para sa akin kanina,"

Nakuha agad ni Meiji ang nais tukuyin ni Kosuke." Oy, loko! Tapos na 'yon, di ba nga?" paingos na saad ni Meiji.

Natawa si Kosuke sa narinig. Nakatinginan sila ni Kipper saka nagtawanan. " At sa tingin mo basta na lang ako papayag ng ganon-ganon na lang?"

Nanatili namang matigas ang mukha ni Meiji. " Sorry ka, pero wala ka ng magagawa. Ang tapos ay tapos na at-aaak!"

Bago pa man magawa ni Meiji na tapusin ang kanyang sinasabi, sa kanyang kabiglaan, mabilis na siyang hinila ni Kosuke. Nasa mahigit tatlumpung palapag ang kwarto ni Meiji at kung sakaling malaglag ka sa taas na 'yon magmimistula kang nalamog at nadurog na pakwan.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon