4:The Alley of Illusions and the Thousand Hands

2.1K 71 0
                                    

【★★★】

Meiji

Tunog sapatos ng kabayo ang nililikhang ingay ng platform na suot ni Everdeen habang naglalakad. Nakaflat shoes lang ako kaya halos wala namang tunog ang nililikha nito.

"Malayo pa ba tayo, Everdeen?" tanong ko sa kanya na tila ba di nahihirapan sa suot nitong tig isang kilong platform. Tiis ganda sabi nga nila.

Itinanong ko iyon dahil kanina pa ako nagtataka. Dapat nasa dulong pasilyo na kami ngayon ngunit nakalipas na ang siyam-siyam hindi pa rin namin iyon nararating. Tila ba napakahaba naman ng aming nilalakad.

" Tignan ko lang," inilabas nito ang isang antigong pocket watch mula sa bulsa ng kanyang skirt. May pinihit ito saka binuksan ang takip ng pocket watch at isang holograpikong image ang iniluwa niyon. Pinaikot ni Everdeen ang imaheng iyon at tumigil sa dalawang tuldok na kulay pink at violet saka nya pinindot ang mga iyon.

Kami ang dalawang tuldok na iyon. Siya ang kulay pink at voilet naman ang akin. Ipinapakita nito kung nasaan na kami ngunit malabo ang pagkakasulat.

" Ahm...nalagpasan na natin ang Hall of Arsenal and Weaponry, ang Chamber of Mythic Stones pati ang Ancient Museum of Great Ruins kaya malamang nasa...teka...dapat nasa Chamber of Potion na tayo. Pero bakit..." kunot noo na itong lalo pang pinakatitigan ang mga nakaholographics images.

" Anong 'bakit'?" nakitingin na rin ako sa tinititigan nito.

Paandap-andap ang nakasulat sa parte kung nasaan na kami. Nagpapahiwatig itong hindi tukoy ng antigong pocket watch ang eksaktong kinaroroonan namin.

Pero may hula na ako kung nasaan na kami ngayon.

" Nasa Alley of Illusions tayo." napagtanto ko na nandito kami sa Pasilyo ng Mga Ilusyon nang napansin kong halos di naman gumagalaw ang dal'wang tuldok kahit na patuloy naman kami sa paglalakad." Halos lagpas isang oras na tayong naglalakad pero di pa natin nabubungaran ang crypt photo ni Great Czar Anastasia Romanov at ang malaking photo illusion ng Phoenix, di ba?" tukoy ko naman sa ilang mga nakasabit na painting sa dingding ng pasilyo. Iling lang ang tinugon ni Everdeen kaya naman nagpatuloy ako." Kung ganon, pinaglalaruan tayo ng pasilyong ito."

" Eh, kasi naman kung di ka maya't maya nagrereklamo d'yan, sana'y kanina pa tayo nakarating. Kaya naman tayo pinaglalaruan ngayon ng pasilyong 'to kasi dahil din sa'yo." nakapameyawang pa itong ibinaling ang sisi sa akin.

Nakakarinig at nakakaramdam ang bawat pasilyo sa kastilyo. Animo'y parang may sariling buhay ang mga ito. At sa bawat kakareklamo ko kanina patungkol sa kung gaano nakakapagod maglakad sa napakahabang pasilyong ito, s'ya namang lalo pa itong humaba na lingid sa aming pagkakaalam.

"Ay, o, sisihan time? Ikaw nga 'tong ang kupad-kupad maglakad. Miss Posiatti, fyi lang ha, di 'to rampa ng Amptheria's Next Top Model kaya please lang, itigil mo na yang catwalking mo. Ayaw ng pasilyong 'to sa mga maarte." isa din yon sa mga nirereklamo ko kanina pa. Kung disin sana'y naglakad lang ito ng normal, narating na sana namin kanina pa ang dulo ng pasilyo.

Umismid muna ito bago nagsalita. " Given na 'yon. Di ko mapigilang magcatwalk eh." aakto pa itong maglalakad ulit ng parang pusa nang tingnan ko ito na masama. Tumigil naman ito saka muling nagsalita."Eh paano tayo ngayon makakaalis sa elongated illusion na gawa ng pasilyo? May naisip ka na bang kalokohan este paraan?"

Pinagdiinan pa nito ang salitang 'kalokohan' pero di ko na iyon pinansin pa. Ang totoo nyan ay may naisip na nga akong kalokohan.

"Maglalakad ulit tayo pabalik."
walang kagatol-gatol kong tugon saka nagpatiunang maglakad pabalik.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon