2:My Bitchy Witchy Professor

3K 102 5
                                    

〖☆☆☆〗

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

〖☆☆☆〗

“Aaahh! Aray! Tama na po! Di na po ako uulit! Please! Everdeen tulungan mo ako! Everdeen help me please! Aray ko po! Awttttsssuuuu!”

Halos maputol na ang litid ni Meiji sa kakasigaw habang siya'y nakadapa at nakaupo naman  likod niya ang matabang nurse ng clinic ng academy.

Hawak ng nurse ang isang stick ng magical rod na sa ngayo'y ibinabaon na nito sa likod ni Meiji. Wari namang walang naririnig sa mga pagmamakaawa ni Meiji ang nurse na 'yon na lalo pa yatang isinagad ang pagkakabaon ng rod sa likod n'ya.

Nagpupumiglas ang dalaga sa pamamagitan ng pagpadyak at paghampas ngunit sa bigat ng nakadagan sa kanya di n'ya magawang makawala.

Wala namang magawa si Everdeen kundi ang manood lamang. Nag-aalala man para sa kaibigan, wala rin naman s'yang maitutulong. Balot kasi ng healing bubbles ang nurse at ang kaibigan. Hindi siya maaaring pumasok doon dahil maaaring makasama iyon sa dalawang nasa loob.

Kung titignan ay mukha talagang gigil na gigil ang matabang nurse sa ginagawa nito. Hindi maawat-awat ang pagkakabaon nito sa rod. Nandun pang parang naririnig ni Mejii na tumatawa pa ito ng malakas. Animo'y tuwang-tuwa sa ginagawa sa kanya.

“Mrs. La Rosa tama na po! Ang sakit-sakit na po! Tama na po!” naiiyak na pagmamakaawa ni Meiji sa matabang nurse.

“No pain, no gain, Miss Pullen! Kaya magtiisan mo!” tugon naman ng nurse, sabay ngisi nito na sa ngayo'y ibinababa na ang rod sa balakang ni Meiji.

Mataba ang nurse na si Mrs. La Rosa. Halos pumutok na nga ang suot nitong uniporme sa katabaan. Hanggang tenga lang ang kulot at brunette nitong buhok. Maiiksi at matataba rin ang mga braso at biyas nito. Bilugan ang matambok nitong mukha at ang malalaki ngunit kulay green nitong mata ang s'yang nagbibigay ng creepy look dito.

Strikto ang matabang nurse sa mga ginagamot nito sa clinic. May sarili namang infirmary ang academy pero sa clinic ni Mrs. La Rosa dinadala ang mga minor injuries na tulad ng kay Meiji Nga lang imbes na first aid ang ilapat sa mga dinadala rito, tila parang torture ang ginagawa ng Ginang sa mga pasyente. Kaya ikaw ba naman sa palagay mo ba kakayanin mong pagmapagamot at madaganan ng isang balyena?

“Aahhhh....!” mahaba at nakakatulig ang sigaw ni Meiji nang tuluyan na ngang ibinaon ni Mrs. La Rosa sa balakang niya ang magic rod. Halos kalahati nito'y nakapasok sa balakang ni Meiji ngunit kamangha-manghang wala namang makikitang sugat o malaking butas dito. Tumatagos lang ito sa kanyang kalamnan. Subalit sa pagkakapasok ng rod sa kanyang katawan pakiramdam ni Meiji sanlibong boltahe ang ngayo'y pumapasok sa kanya.

Hindi tuloy napigilan ni Meiji na ngumawa na parang bata sa puntong kahit ang lola niya'y kanya na ring natatawag. “Grandmama! Grandmama! Ayoko na dito! Uuwi na ako Grandmama! Ang sakit-sakit na! Uwahhhh!”


Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon