Hindi natapos ang araw na iyon nang hindi nalalaman nina Maui ang kanilang parusa na mismong ang Headmistress ang nagsabi sa kanila. Hindi rin lusot sina Primrose at Everdeen kahit pa nakiusap na si Maui sa ina na wag na sanang isama pa ang dalawa. Hindi pumayag ang Headmistress at tutol din si Miss Minchan. Sa huli ay wala na silang nagawa at tinanggap na lang din ang parusa.
Halos tatlong daan chores ang nagsilbing parusa nila. Mga gawain sa academy na kailangan nilang gawin ng maayos. Normal na naman sa academy na ganoon karami ang mga chores na pinapagawa sa mga estudyante bilang kanilang parusa since pinapayagan naman silang gumamit ng kani-kanilang magics and abilities. Kumbaga sa isang cast ng spell o wasiwas ng kanilang kamay pwede nilang magawa ang ilang chores sa loob lang ng ilang minuto.
Subalit mukhang hindi ganoon ang nangyayari sa grupo. Kahit na may kakayahan naman at marami rin namang alam na spells and incantations ang grupo ay salat naman ang kaalaman nila kung paano gawin ng maayos ang mga chores. Hindi sila sanay sa mga gawaing nagrerequire sa kanila para kumilos. Mga laki kasi sa layaw. Kaya naman ang ending, halos bumuno pa sila ng dalawang araw matapos lang ang tatlong daang parusa/chores.
Sa loob naman ng dalawang aaraw na 'yon, hindi na nagawa pa ni Everdeen na mabisita si Meiji. Hindi dahil sa wala na siyang time kung hindi dahil pinagbawalan na ang sinuman na bisitahin ang nahihimbing pa rin na si Meiji. Kahit nga anong balita tungkol sa dalaga ay walang nakakarating sa kanila. Mukha kasing nagkaroon ng news blackout sa buong academy ayon na rin sa order na Headmistress. Walang sinumang estudyante ang pinapayagan na pag-usapan ang tungkol sa anumang nangyari o kalagayan ngayon ni Meiji. Kahit ang maglabas ng impormasyon sa mga tagalabas ay pinagbabawal din.
At dahil doon, hindi naiwasan ni Everdeen na mag-alala para sa kaibigan.
“Miss Everdeen, okay ka lang ba?” tanong ni Primrose isang araw. Kakalabas lang nila nuon sa kanilang Botany class. “ Pansin kong ang tamlay mo kanina sa klase,” dugtong pa ni Primrose.
Marahan namang tumango si Everdeen.“ O-okay lang ako Miss Primrose. Salamat sa pagtatanong,” sagot ni Everdeen pero hindi kumbinsido si Primrose.
“ Oh, really? But your eyes says otherwise, Miss Everdeen. And you can't hide it,”
Sa puntong iyon ng mga sinabi ni Primrose ay hindi na nakapagkaila pa si Everdeen. Napayuko ito at sandali pa'y maririnig na ang kiming paghikbi nito.
“ You really do miss her and I understand that. But you know what, kapag namimiss ko ang isang kaibigan, I find ways para makita siya,”
Sa mga narinig ay biglang nagtaas ng tingin si Everdeen. Tinignan niya ang nakangiting mukha ni Primrose. Alam niyang may ibang ibig ipakahulugan ang mga sinabi nito maging ang pagkakangiti nito.
“ Y-you mean?”
“ What you have in mind is what I literally mean,”
Isang pilyang ngiti ang sumilay sa mapulang labi ni Primrose at walang anu-ano'y hinawakan nito ang braso ni Everdeen saka marahan itong hinila at kinaladkad sa kung saan. Hindi na nagawa pang magreklamo ni Everdeen dahil hati ang kanyang damdamin. May hula siya sa binabalak ni Primrose pero kung paano iyon gagawin, 'yon ang gusto niyang malaman kaya kahit medyo nahihirapan ay nagpatangay na lamang siya kay Primrose.
Ilang minutong ding kaladkadan at huminto sila sa isang pintong ipinagbabawal pasukin ng mga babaeng estudyante — ang palikuran ng mga lalaki. Hindi naman talaga sila papasok doon kung hindi may hinihintay lang silang may lumabas mula roon.
“ Hey!” kaagad na binati ni Primrose ang hinihintay nila nang lumabas ito mula sa men's comfort room. Kaagad naman silang binati nito pabalik.
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasyAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...