〖☆☆☆〗
Isang oras bago ang unang klase nina Meiji.
Kasalukuyan noong naglalakad si Meiji sa Girl's Hallway pupunta sa unang klase nila.
At tulad ng mga nagdaang araw hindi na naman siya sumabay sa breakfast banquet. Hindi dahil sa ayaw n'yang kumain ng almusal kundi dahil ayaw lang talaga niyang kasabay kumain ang mga prinsipe. Isa pa mukhang isang malaking usapan na naman ng mga estudyante sa Great Mess Hall ang balitang nakarating sa mga ito. Ito'y tungkol sa mga wedding proposal sa kanya ng mga bagong estudyante ng academy.
Mga wedding proposal na nagpapabigat sa nararamdaman niya ngayon. Dumagdag pa ang pagdating ng nobya ng prinsipeng galing sa nagyeyelong imperyo sa North and South Icles.
Paliko na sana siya ng maramdaman niya ang biglaang pagbaba ng temperatura sa palikong pasilyo. Summer pa lang naman kaya imposibleng biglang bumaba ang temperatura lalo na kontrolado ang temperatura sa loob ng academy.
And all of a sudden, ang marmol na sahig maging ang red carpet na nakalagay dito ay bigla na lang naging yelo!Madulas iyon kaya hindi naging madali para kay Meiji bumalanse sa paglalakad. Hanggang sa maging ang suot niyang sapatos ay mababalutan na rin ng yelo.
Sinubukan pa niyang makawala ngunit bigla na lamang siyang dinala ng mga yelong nakabalot sa kanyang sapatos sa isang silid.
Madilim at malamig ang silid na iyon. Walang maaaninag na anupaman at ang lamig naman ay nanunuot hanggang buto.
Inaadjust pa lamang niya ang paningin niya sa silid nang bigla na lang nagliwanag.
Inirereflect ng mga nakabalot na icicles sa silid ang mga mumunting ilaw na galing sa chandelier na gawa rin sa yelo.
"Winter Room. Aksidente ko lang itong nakita noong nilibot namin ang kastilyo sa paghahanap sa'yo." mula sa kung saan isang malamig na boses ang narinig niya. At nang ilibot niya ang paningin sa kabuuan ng silid, nakita ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
Si Prince JackGrey.
Nakaputing knee-length fur coat ito na bahagyang nakabukas at kita ang katawan nitong wala ng iba pang suot. Black trousers naman ang suot nitong pang-ibaba.
Sinubukan ni Meiji na magsalita ngunit dahil sa lamig hindi niya maibuka ang kanyang bibig.
At mukha namang napansin iyon ng prinsipe. Hinubad nito ang suot na fur coat at inilagay sa balikat ni Meiji.
Tumambad tuloy ang hubad at maskuladong katawan ng prinsipe.
Walang tulak-kabigin ang kagandahan ng katawan ng prinsipe. Ang braso nitong hitik na hitik sa mga masel at ang torsong nitong aakalain mong hinulma lang dahil sa perpektong abs nito at ang dibdib nitong di rin tinakasan ng masel. Isang katawang nawawangis sa mga matitipunong kabalyero ng sinaunang Earthicus na talagang kinababaliwan at pinapantasya ng sangkababaihan.
At base naman sa mga kilos nito, mukhang di man lang ito naapektuhan sa lamig ng paligid.
"Anong bang kailangan mo? Bakit mo ako dinala dito?" sunod-sunod na tanong ni Meiji ng maramdaman niya ang init na hatid ng suot niyang fur coat. Nawala ang panginginig ng kanyang katawan at nagawa na n'yang makapagsalita.
Napabuntong-hininga muna ang prinsipe saka ito naupo sa sofang gawa sa yelo. Sinenyasan pa nitong maupo rin si Meiji. Naupo naman ang dalaga sa katapat na upuan.
"Una sa lahat, gusto kong humingi na paumanhin sa ginawa ni Pola—ni Primrose kanina sa silid mo. Hindi katanggap-tanggap ang ginawa niya gayong di mo naman kasalanan ang lahat." sinserong pagsisimula ni Prjnce JackGrey.
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasyAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...