(entry1: 21822-3322)
⚜Pierre⚜
⚜⚜⚜⚜⚜⚜
Royal Broomsford Academy for Wizardy
Several months ago...Abala ako noon sa pag-aayos ng mga files ng mga students nang marinig kong may pumasok sa office ng student council president. At di sinasadyang marinig ko ang usapan nila ng assistant ko.
"Hey, nabalitaan mo ba?" boses siguro iyon ng estudyanteng pumasok sa office ko.
"Ang alin?" tugon naman ng assistant ko.
"Pati si Seo-Woon drop-out na rin," medyo napataas ang tingin ko nang marinig ko ang pangalan ng isa sa mga elite prince na nag-aaral dito sa Broomsford. Medyo napukaw nun ang interes ko kung kaya nakinig pa ako sa usapan nila.
"Talaga? Bakit daw,"
"Ano ka ba? Hindi mo ba alam na pati ang imperyo ng Edo-Chosen ay interesado din sa mga Pullen? Kaya nga napilitan si Seo-Woon na magdrop-out at balita-balita, lilipat daw siya sa academy kung saan nag-aaral yung huling dalaga ng mga Pullen,"
"Weeh? Totoo?"
"Oo! Legit! Ayon 'yan sa mga usapan dito sa school,"
"So, kung ganon. Dalawa na sila,"
"Ha? Anong dalawa na sila?"
"Sus, ikaw pala 'tong huli sa balita. Hindi mo ba alam, yun din ang dahilan diumano ng pagdrodrop ni Prince Cainne. Interesado rin daw ang Castille empire sa mga Pullen," napahinto ako sa pagsusulat nang isa pang pangalan ng elite prince ang aking narinig mula sa kanilang usapan. Hindi ko tuloy napigilang mapakuyom ng kamay. "At katulad ng sinasabi mo, balita rin na don din sa mismong academy kung saan nag-aaral yung nag-iisa at natitirang dalaga ng mga Pullen, magtratransfer si Prince Cainne. Ibig sabihin, may dalawang empire na ang interasado sa mga Pullen,"
Alam ko na ang balitang 'yon bago pa man malaman ng buong school. I came from the rival empire ng CasterCastell kaya dapat alam ko yun.
" Talaga ba?"
"Ou! At alam mo ba, usap-usapan din sa buong school na pati raw ang heir apparent ng Wagghandhuka Empire nagbabalak din daw sa mga Pullen,"
Yeah, why did I forget what Na'bbu told us. Nasabi na rin niya sa amin ang balak ng imperyo nila. And it seems wala naman siyang pagtanggi sa nais ng empire nila.
"What!!! Pati si Prince Na'bbu? Teka diba ang dami na nung naging girlfriend?"
Factually correct. Playboy talaga si Na'bbu at malamang pusta ko isa lamang itong laro sa kanya.
"Sinabi mo pa. Pero alam mo ang isa pa sa nakakaintrigang usapan dito sa Broomsford? Pati raw ang Royal Family ng United Empire of Medieval Kingdom nagpapakita rin ng interes sa mga Pullen. Sa madaling salita, si Prince Pierre Guillebehrt Tudor, makikijoin din sa tatlong nauna ng prince,"
Bigla ko na lang nailapag ang fountain pen na hawak ko nang ang sarili ko ng pangalan ang narinig ko. The heck, how could they na pagtsismisan nila ako. I am their prince, for God's sake!
Without thinking, tumayo ako at akma na sanang pupunta sa pinto para buksan iyon nang marinig ko ang tugon ng lalaking pumasok sa opisina ko.
"Teka, wait! Si Prince Pierre ba ang tinutukoy mo?! Ang student council President ng Broomsford?" mukhang ito makapaniwala sa balitang 'yon. Poor he.
"Mismo!" sa cue na 'yon na tugon ng assistant ko ay itinuloy ko na ang pagbukas ng pinto habang itinutuloy pa ng assistant ko ang pagbibigay nito ng tsismis sa kausap. " Sa pagkakaalam ko nga eh malapit na rin siyang magdrop out. Heto nga at madami na siyang pinapagawa sa aking mga-,"
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasyAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...