39: The Hunt 4 : Escape

498 33 0
                                    

Nasaan na nga ba si Meiji?

Ang totoo nandun pa rin siya. Sa kumpulan mismo ng mga gome. Nagtatago sa itsura ng mga katabi n'ya ngayon. Pero isa lamang iyong illusion.

Sa paningin ng mga cannibal gome isa  siya sa mga katribo  pero sa paningin ng iba na tulad na lang ni William na nakatingin sa kanila ngayon, siya pa rin si Meiji.

Effective ang illusion powder na bigay ni Cainne, sabi pa ni Meiji sa sarili.

Hindi rin siya naaamoy ng mga 'to. Kaya naging madali na lang sa kanya na sumingit palabas ng kumpulan at patakbong dumiretso sa puno kung saan naroroon si William.

Pero hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa puno, nawala agad ang bisa ng illusion powder at nalantad ang tunay na itsura sa paningin ng mga cannibal gome.

Sa gitna ng pagtakbo niya, napalingon siya sa kumpulan ng mga cannibal gome at nagulat dahil hinahabol na naman siya ng mga 'to. Kaya naman binilisan pa niya ang pagtakbo. Todo iwas din siya sa mga sibat na lumilipad ngayon sa gawi niya.

Habang nakaabang na si William nang sumapit siya sa puno at sinesenyasan na magbilis. Agad siyang umakyat sa puno saktong isang sibat ang lumipad at tumama sa katawan ng puno matapos niyang makaakyat.

"A-ate, okay ka lang?" nag-aalang tanong agad sa kanya ni William pagkaakyat niya.

Hindi naman siya nakasagot dahil abala siya pagtingin sa ibaba ng puno. Naroroon na ang mga cannibal gome at pinauulanan sila ng mga sibat. Buti na lang at tumatama ito sa mga sanga ng puno bago pa man 'yon umabot sa kanila.

Saka pa lamang  niya tiningnan ang bata. Tulad niya takot din ito. Pero nginitian lang niya ito at binigyan ng assuring look.

Ang totoo hindi naman siya natatakot para sa sarili ngunit para sa bata. Ngayon lang kasi nangyaring may kasama siyang kailangang protektahan. At pakiramdam niya ngayon, responsibilidad na niya ang kaligtasan ng bata.

Muli niyang tiningnan ang mga nagkakagulong cannibal gome sa ibaba ng puno. Patuloy pa rin ang mga 'to sa paghagis ng mga sibat.

Saka siya muling bumaling
ng tingin kay William. "Wag kang mag-alala, bata. Hindi sila makakaakyat dito. Nandito ako pa--"

"Aaahhh!"

Isang tili ang pumutol kay Meiji. Galing iyon kay William na itinuro pa ang dahilan ng pagtili nito. Marahas namang napalingon si Meiji.

Nasaksihan niya kung paano umakyat ang mga cannibal gome gamit ang mga lubid na inihagis ng mga ito sa mga sanga ng puno kung saan sila nandoon.

Tumingin naman siya sa kabila. Ganun din ang ginagawa ng iba pang cannival gome. Tinatalian ng mga ito ang mga bato saka iyon ihahagis sa mga sanga dahilan para umikot ang  lubid na may bato sa mga sanga. At kapag sa tingin na ng mga gome na secure na ang lubid sa sanga, saka naman aakyat ang mga ito.

Hindi naman makapaniwala si Meiji sa nasaksihan. Hindi niya akalaing sa tagal ng hindi siya nakakapunta sa pugad ng mga ito, nakaisip ang mga ito ng paraan para makaakyat sa mataas na lugar.

Napayakap naman sa kanya bigla si William nang mangilan-ngilang gome na rin ang nakalapit sa kanila. Agad naman niya ang mga itong winawasiwas ng broomster niyang nasa anyo ng isang spearhead staff. Pero sa bawat isang gome na napapalaglag niya, kapalit naman nun ay lima pang gome.

Ilang minutong pa ang nakalipas at pakiramdam ni Meiji na bibigay na siya sa dami at halos di matapos-tapos na pag-atake ng mga cannibal home. Nakorner sila ng mga ito kaya hindi siya makahataw ng laban. Idagdag pa si William na di man niya aminin sa sarili ay batid niyang nakakasagabal sa pakikipaglaban niya.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon