Meiji
Tulad nga ng sinabi ni Mademoiselle Bronquet, naririto na sa parking lot at naghihintay ang sunod na prince. Hindi ko alam kung anong trip ng prince na 'to kung bakit kami naririto sa parking lot. Pero nang igiya ako ni JG sa isang poging-poging at masculadong black and white hammer emperor penguin car, parang na-excite ako kasi isa lang naman ang ibig sabihin nito—lalabas kami ng academy.
Malamang road trip na to!
Ang laki-laki siguro nang pagkakangiti ko ngayon kahit na ang suot ko pa rin eh yung masikip at bakat na bakat na overall jumpsuit ni Primrose. Nawala na lang siguro yung pagiging conscious ko sa suot ko. Pero hindi rin naman nagtagal eh napaltan na rin ang suot ko.
Ngayon ang suot ko na eh yung tinawag kong Primrose Version of Me. Yung tipong malarich kid ang awrahan dahil na rin sa makapal na furcoat na suot ko ngayon at ilang pang mamahaling bagay na kung pepresyuhan ko siguro aabot sa isa o dalawang taong pinagsamang allowance namin ni Everdeen. Naiisip ko tuloy na baka pwede ko sigurong ibenta itong suot kong pearl earrings na pihadong ilang daang dimes din ang katumbas. Try kong ngang arborin kay Primrose. Sana lang pwede.
Pero may napansin lang ako.
May isang item na suot ko ngayon na wala naman sa mga isinukat sa akin nina Everdeen at Primrose kanina. Ano kaya ito?
Isa yong brooch na nakapin sa furcoat na para yatang gawa sa solidong yelo. Nagmukha tuloy itong isang mamahaling krystal. Ang design nito ay parang kawangis ng isang primrose? Oo, primrose nga! Katulad ng name ni Primrose, obviously.
Gayunpaman, pinagsawalang-bahala ko na lang. Marahil si Primrose na rin ang nagdagdag ng accessories na 'to. Sino pa nga ba.
Isang ngiti lang ang ibinati sa akin ni JG nang buksan na nito ang pinto ng backseat ng sasakyan at iginiya na ako para pumasok pero mas gusto kong maupo sa unahan katabi ng driver's seat. Napansin kong napakamot na lang ng ulo si JG nang umikot ako para pumunta sa unahan. Binuksan ko na ang pinto. Hindi ko lang ini-expect ang mga sumunod nangyari.
Bigla na lamang lumiwanag ang brooch. Ang nakakagulat pa, may parang maputing bagay ang bigla na lamang lumabas mula sa brooch at nagtungo iyon paupo sa sanay ookupahin kong seat sa loob ng sasakyan. At siempre mas nagulat pa ako nang ang puting bagay na iyon ay unti-unting pumorma at nagkahugis.
Hugis na pamilyar na sa akin. Isang babae. At sino pa nga ba iyon....walang iba kung hindi si Primrose!
Surprise!
Isang nakangiting Primrose ang sumalubong sa akin. Ngiting pagkatamis-tamis!
" Hi!" saad pa ng maubang bruha. Kusa ng napataas ang kilay ko nang mapansin kong magkapareho pa kami ng suot mula ulo hanggang paa. Doon pa lang parang alam ko na kung anong nangyayari o mangyayari pa lang.
"Please, Miss Meiji, get in the car na. Gusto naming sulitin ang three hours, " si JG. Nakaupo na ito sa driver's seat.
Wala sa oras na naismid ako sa sinabi ni JG. Gayunpaman, binuksan ko na rin ang pinto ng sasakyan at naupo na rin sa back seat. Ang seat na kung saan dapat lang pala akong maupo dahil nakareserve na pala ang seat sa unahan, una pa lang.
"Okay, Miss Meiji," hindi pa man ako nakukumportable sa pagkakaupo ko sa backseat eh mukhang magsisimula ng magpaliwang si Primrose sa kung anong talagang ganap sa date na 'to.
" We're sorry if you feel tricked by us. It was just....gusto lang naming—"" Gusto n'yong gamitin ang pagkakataon ito para magkasarilinan at gagamitin n'yo akong excuse," wala ng patumpik-tumpik kong putol kay Primrose at mukha ngang tama ako dahil nanahimik ang dalawa. Napabuntong-hininga na lang ako. Sino ba naman ako para hadlangan sila sa gusto nilang mangyari.
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasyAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...