54: Against The Ferocious Bragand

857 56 22
                                    

Emosyonal ang satyr nang lumapit ito sa kanila. Mahahalata rin ang labis na kalungkutan sa mukha ng dalawang natirang centaurs. Naghihinagpis sila para sa mga napaslang na kalahi.

“ Kailangang may gawin tayo para maiganti sila!" may diing sabi ni Khaifro, ang isa sa mga natirang centaur. Kinuyom nito ang kamao at isinuntok sa nakabukas nitong palad.

Bagaman napapailing ay nauuwaan naman ni Meiji ang sentimiento nito. Resonable namang isipin nito ang paghihiganti ngunit para kay Meiji hindi ito ang oras para maging emosyonal. Napabuntong-hininga siya't tahimik na kinuha ang supot ng invisibility dust mula sa kanyang bag.

Sa pag-igkas ng kamay niya'y nabaling ang tingin niya sa prinsipeng tahimik lang magmula kanina. Hindi man nito isalabi ay batid ni Meiji na paghihiganti rin ang nasasaisip ng prinsipe base na rin sa nakikita niyang mahigpit na pagkakakuyom ng kamao nito.

Muli siyang napailing dahil doon. Hindi na siya nakatiis at sumabat na rin.

“ Walang patutunguhan kung magpapadala kayo sa mga galit n'yo. Baka nakakalimutan ninyo kung ano talagang pakay natin dito, ”  saad niya.

Dahil sa hindi pa alam ng satyr at ng dalawang centaurs na invisible siya ay nagtatakang luminga-linga ang mga ito at pilit siyang hinahanap.

“ Binibini? Nasaan ka?” usisa pa ng satyr.

Hindi sumagot si Meiji sa halip, mabilis siyang tumayo at dumukot ng sapat na dami ng invisibility dust saka walang pali-paliwanag na isinaboy iyon sa apat.

Nabigla naman ang apat sa nakitang dust sa kanilang ulunan na mabilis na lumapat sa kanilang mga balat. Ngunit mas lalo silang nagulat nang makita nila kung paano unti-unting naglalaho ang kanilang mga katawan sa kanilang paningin.

Magrereak pa sana ang satyr ngunit sa kabiglaan nito'y natigilan ito't walang hingahang natahimik dahil sa biglaang paglitaw ng isa sa mga tulisan sa kanilang likuran. Napapikit ang satyr nang sandaling mapalapit ang tulisang iyon sa gawi niya. Natahimik din ang iba't pinagmasdan ang tulisang tila may hinahanap.

At habang nasa ganoong sitwasyon ay naulinigan nila ang isang malagong at umaalingawngaw na boses sa gitna ng ingay na nililikha ng angil ng mga dragon.

“Centaurs!” walang gumalaw sa kanila ni gaputok at nakinig. “Alam naming kayo yan! Kung susubukan n'yo muli kaming pigilan, hindi kami mangingiming  muling pumaslang ng isa sa inyo o alin man sa mga dragong naririto. Kaya mag-isip-isip na kayo ngayon pa lang kung ayaw n'yong maubos kayo kasama ng mga dragong naririto!”

Hindi napigilan ni Meiji na mapakuyom ng kamao sa narinig na pagbabanta ng  kalaban. Pero sandali lang ay hinamig niya ang sarili saka tahimik na nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Naisip niyang hindi dapat siya magpadala sa emosyong bunsod ng mga narinig.

Nagtaas siya ng tingin sakto namang nagawi sa harapan niya ang tulisan. Napangisi siya.

Alam niyang sila ang hinahanap nito.

Sorry na lang, dre. But you cannot  see...us, aniya sa sarili.

Buti na lang ay nakita niya kaagad ito kanina bago pa man ito makalapit sa  kanila na dahilan naman para agaran niyang sabuyan ng invisibility dust ang mga kasama.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon