"Mukhang marami kang dapat ipaliwanag, Pullen," matalim at may diin ang pagkakatanong na iyon ni Na'bbu sa kakalapit pa lang na si Meiji. Nagduda na siya simula pa lang pumasok ang mga nagpakilalang tagaWitcher sa bar. Sa palagay niya, may hindi sinasabi sa kanila si Meiji tungkol sa mga naganap. May hula na rin ang binata sa kung ano talaga ang nangyari kanina ngunit nais pa rin niya marinig ang buong naganap mula mismo sa bibig ng dalaga.
Pero mukhang hindi iyon mangyayari.
"Hindi ko obligasyong ipaliwanag ang lahat. Kung anong nakita n'yo o narinig, 'yun na 'yun." isang mabilis na sulyap lang ang ginawa ni Meiji sa tatlong prinsipe saka mabilis din itong sumakay sa kanyang broomster. Habng maatiim naman ang pagkakatitig ng tatlo sa dalaga.
"Planado ang lahat di ba? Mula pa lang sa pagkakanakaw ng caterpillar caoster hanggang sa pakikipaglaban natin mga kriminal na 'yon. Tama ba, Meiji?"
Natigilan si Meiji sa akma nitong pagsibad ng lipad dahil sa maiinit na mga tanong ng malatsokolateng prinsipe. Muli siyang napasulyap sa mga lalaking nakatayo ilang dipa lang mula sa pinagkakalutangan ng sinasakyan niyang broomster.
Matiim pa rin ang mga tingin ng mga ito at tila hinintay talaga ang kanyang paliwanag.
Pero nagkibit-balikat lang ang dalaga saka taas-noong tinaasan ang tingin sa mga prinsipe.
"May mga oras sa lahat ng bagay pero sa ngayon hindi pa ito ang oras. In fact wala na nga tayong oras. Malapit nang sumikat ang araw sa Ling Ping Valley at kailangan nakabalik na tayo sa academy bago pa mangyari 'yon. Kaya kung ako sa inyo uunahin ko muna ang mga importanteng bagay bago mag-ulirat sa mga bagay na none of your business," yun lang at mabilis na pinasibad ni Meiji ang broomster. Naiwan ang tatlong prinsipeng walang nakuhang mga paliwanag.
"Malalaman ko din 'yang mga sinisekreto mo, Pullen. Hintay ka lang," mahinang tugon ni Na'bbu saka ito sumakay sa broomstick nito at mabilis itong sumibad ng lipad.
Sumunod naman si Cainne na kanina pa blanko ang mukha. Mukhang di naman ito apektado sa inasal ni Meiji.
"Nakakaintrigang mga sekreto..Tsk," tanging nasabi ni Pierre bago ito sumunod kay Cainne. Bahagya itong nakangiti na tila may iniisip.
******
"Anong nangyayari dun. Mukhang sumasabog na naman si Ms. Mauban ah," ani ni Meiji. Nakatingin ito sa pigura ni Primrose na nakapameywang at mukhang tinatalakan ang kawawang kaibigan niyang si Everdeen.
Ilang metro na lang ang layo niya mula kung nasaan ang mga kasamahan pero rinig na niya ang pagtalak ni Primrose. Nakabuntot naman sa kanya ang tatlo pang prinsipe bagaman malayo pa ang distansya ng mga ito sa kanya.
"How dare both of you ni Meiji na goyoin kami at palabasing sadyang ninakaw ng mga kriminal na iyon ang sasakyan natin well in fact ipinain n'yo talaga 'yon! Para ano!?! Para hulihin at kunin ang bounty na nakapatong sa ulo mga siraulong 'yon. Wow ang galing ha! Inubos n'yo lang oras natin para lang makuha ang what, how much, a little penny, barya-baryang reward!-"
"Hindi lang basta-basta barya lang ang sinasabi mo, Primrose," putol ni Meiji sa babaeng maingay. Nakababa na si Meiji at kasalukuyang may kinukuhang kung ano sa bulsa ng kanyang sout na jacket."Dahil ang sinasabi mong barya-barya lang ay way namin para masurvive sa mga susunod pang semester sa academy. And as you can see, Ms. Heiress hindi kami kasing yaman tulad mo. Ang sinasabing mong little penny ay huge fortune na para sa amin. So watch your mouth, Miss," seryosong dugtong ni Meiji. Naglalakad na ito papalapit sa kanila habang may inilalagay na kung ano sa dalawang butas ng ilong nito.
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasyAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...