41: The Hunt 6: Meet The Ogres

607 31 1
                                    

"Ghiting na kaya thiwha?"

"Tha pawhagay ko, hindi pa,"

"Ang tagaw naman niwhang matuwhog,"

"Oo nga, thabi naman ni Ahmma, ganyan daw tawhaga ang whathon ng mga Wendigo. Nakakaubot daw ng whakat kaya thiguwho hindi pa tiwha githing,"


Ang mga boses na iyon ang gumising sa akin. Pilit kong inuulinigan ang mga sinasabi nila pero  hindi ko sila maintindihan.

Bigla naman akong kinabahan ng mapagtanto kong buong katawan ko'y balot ng kung anong bagay. Napasinghap ako't pilit humasanghap ng hangin. Nakakahinga naman ako pero parang bumabalik lang din ang hininga ko sa akin. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero hindi ko magawa.  May pakiramdam din akong parang may hindi tama sa pagkakapwesto ko. Namimigat kasi ang ulo ko. Yun bang pakiramdam ng nakabitin ng patiwarik.


Naggagalaw uli ako, nagbabakasaling makawala. Maya-maya'y nakarinig naman ako ng pag-ingit ng kung anong bagay.

"Ghiting na thiya!" narinig kong sigaw sa matinis na boses. Hindi klaro sa pandinig ko ang sigaw nito pero palagay ko bata ang nagmamay-ari ng boses na 'yon.

"Ahmma! Ahmma!" sigaw pa ng isang boses. Sa tono nito mukhang may tinatawag ito.

Kasunod kong narinig ang mga yabag ng mga ito na tila nag-uunahan.

Maya-maya pa'y nakarinig naman ako ng panibagong mga yabag na papalapit sa akin. Mabibigat ang isang iyon.

Nagpupumiglas uli ako hanggang sa naramdaman ko na lang ang tila paghawak sa akin ng di ko mawaring bagay. Nagpatuloy pa ako sa pagpupumiglas pero dahil sa higpit ng pagkakabalot ko, kakaunting pagyugyog lang ang nagawa ko. Nagsisigaw ako pero parang ungol lang 'yon.

Hanggang sa naramdaman ko na lang  na unti-unti ng natatanggal ang balot sa bibig at ilong ko. Habol-habol ko pa ang aking hininga ng tuluyan na itong maalis. Napabuga naman ako ng hangin ng maging normal na ang paghinga ko.

Sunod na natanggal ang balot sa mga mata ko at di sinasadyang nahagip ko ang isang pares ng mga malalaki at kulay green na binti. Napangiwi ako dahil doon.

Nang bigla na lang dumukwang sa harapan ko ang nagmamay-ari ng mga binting iyon.

"Hi," ani nito sa malagong boses. Bahagya pa akong nagulat sa itsura nito.

Malaki ang bilugang mukha nito, may malalaking pares ng mata, malaking ilong, medyo may kalakihang bunganga at pantay-pantay na ngiping hugis parisukat at may malilit na taingang parang tainga ng daga na nakatiklop. Wala rin itong buhok at medyo patusok ang bumbunan. Meron itong prominte pero maliit na nunal sa kanang pisngi nito sa may ilalim ng mata. Green ang kulay nito na karaniwan na sa isang ogre.

Nang makahuma, napangiwi ako.

"Mogart, please ibaba mo na ako dito." pagsusumamo ko sa ogre. Nakisali na rin sa pagdukwang ang kasama nitong dalawang batang ogre. Kamukha niya ang mga batang ogre at palagay ko ito na ang mga anak nito.

Nginitian lang ako nito at hindi sumagot. Sa halip tumayo ito.

Maya-maya pa'y naramdaman ko na lang na pinuputol na nito ang taling kinabibitinan ko at wala pa ngang ilang segundo lumagapak na ako sa sahig.

"Ouch,"

Unang tumama ang mukha ko sa sahig at ramdam na ramdam ko ang sakit ng pagkakatama nito. Napangiwi ako sa sakit. Gumapang ako sa pagkakadapa at sandali pa'y pinilit kong tumihaya. Nang magawa ko'y si William naman ang ibinababa ni Mogart sa pagkakabitin. Balot rin ito sutla pero hindi tulad ko, ang mukha nito'y nakahayag at tanging balikat hanggang paa lamang ang may balot. Hindi tulad ng ginawa nito sa akin, maingat nitong pinutol ang tali saka maingat ring sinalo ang katawan ni William bago pa ito malaglag sa sahig.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon