51: Lady Of The Mysterious Lake

779 32 7
                                    

Noong una, akala ko'y mababaw lang ang lawa dahil parang wala lang na nilalakad ng mga centaur ang tubig na nakakamanghang hanggang sakong lang nila.

Ngunit nagkamali ako.

Dahil nang nagbaba ako ng tingin ay nakita ko kung gaano ito kalalim.  Marahil ay may sa mahika ang mga cuff na inilagay ng mga centaurs sa kanilang mga paa dahilan para makapaglakad sila sa tubig ng hindi  lumulubog pailalim.

Medyo madilim pa nang tahakin namin ang lawa ngunit kalauna'y sumikat na rin ang Apollo.

Sa una'y panatag lang silang naglalakad sa ibabaw ng tubig ngunit ng nagsimulang kumapal ang hamog sa paligid ng lawa ay napansin kong unti-unting bumibilis ang aming takbo. Maging ang biglaang pagiging alerto nila'y hindi nakaligtas sa akin. Dahil doo'y naramdaman kong may hindi tama.

Ngunit kahit na medyo nacucurious na ako'y mas pinili kong wag ng magtanong. Hihintayin ko na lang ang susunod na mangyayari.

Malawak ang lawang tinatahak namin ngayon. Kahit na hindi ko pa man nakikita ang kabuuan nito'y pupusta akong para na rin itong isang dagat sa laki. Dahil na rin sa kapal ng hamog, hindi ko na makita ang dulo nito kahit saan mang direksyon ako tumingin.

Nagtataka nga ako kung paano nagagawa ng mga centaur na makakita sa gitna ng kakapalan ng hamog na nakapaligid sa amin.  Iniisip ko ngang baka mali na ang tinatahak namin. Pero ipinagpalagay ko na lang na marahil gamay na rin ng mga ito ang ruta papunta sa sinasabi nilang hangganan.

Habang lumilipas ang sandali'y napapansin kong mas kumakapal ang hamog  dahilan para lumabo ang iba pa naming kasama sa paningin ko. Naging mahirap na rin para sa akin na salubungin ang hampas ng hangin sa aking mga mata dahil na rin sa ginagawang mabilis na pagtakbo ng sinasakyan kong centaur. Kaya naman naisipan kong isinuot muli ang multipurpose goggles/telescope na nakasabit lang sa aking leeg.

Ibinitaw ko ang isang kamay ko sa pagkakahawak kay Prinsipe Quiron at  s'yang ginamit ko para maisuot ang goggles ngunit sa kabiglaan ko'y hindi ko pa man naaayos ang pagsusuot ay biglang napakapit ulit ako dahil sa biglaang pagkabig pakanan ng prinsipe.

Nagulat ako sa ginawa nito pero mas nagulat ako sa mga sunod na nangyari.

"Magsipaghanda kayo! Napansin na tayo ng halimaw!" narinig kong sigaw ng prinsipe. Kaagad namang tumalima ang mga kasama namin at bahagyang lumayo sa isa't isa. Saka naman ako nilingon ng prinsipe."Binibini, higpitan mo ang kapit,"

Nang sabihin ng prinsipe iyon ay hindi ko pa lubos na alam ang nangyayari hanggang sa.....

Isang malaki at mahabang galamay ang bigla na lang lumitaw mula sa ilalim!

Na sinundan pa ng isa pa!

At isa pa!

Galamay na parang sa malaking pugita. May mga suction pods ito ngunit kaiba dahil sa meron pa itong tila maliliit na ngipin. Habang ang pinakadulo naman nito'y hugis pamaypay na may bunganga at sa tuwing bumubuka ito'y naglilitawan  mula roon ang mga tila tinik na receptors.

Hindi ko na mabilang kung ilang galamay pa ang lumitaw dahil sa naging biglaang pagkabig ni Prinsipe Quiron na sinabayan pa ng mabilis nitong pagtakbo. Ganoon din ang ginawa ng iba na pilit ding iniiwasan ang mabilis na pagdaluyong ng mga galamay sa kani-kanilang gawi. Liko dito, liko doon ang ginawa ng lahat makaiwas lang.

"Walang titigil sa pagtakbo!" narinig kong sigaw ulit ng prinsipe. Sinabi niya iyon kahit na nahuhuli na kami at nauuna na ang iba pa naming kasama. Nararamdaman ko namang sinubukan  niyang humabol sa mga ito ngunit wala. Mula roo'y naisip kong ako yata ang nagpapabagal dito.

Sandali pa'y may maramdaman ako mula sa aking likod. Napalingon ako at sakto, isang galamay ang mabilis na humahabol sa amin.

Kaagad akong humarap ng tingin para sana balaan ang prinsipe ngunit  pagkaharap ko'y isang galamay naman sa aming unahan ang mabilis na dumadaluyong sa amin. Naging maagap naman ang prinsipe sa pag-iwas doon maging ang ilan pang sumubok na atakihin kami mula sa unahan. Muli akong napalingon at mula roon nakita kong hinahabol pa rin kami ng galamay na 'yon. At mas malapit na ito ngayon sa amin!

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon