🇲 🇪 🇮 🇯 🇮
Galit ako.
Galit na galit!
Pinagkaisahan nila akong lahat!
Pakiramdam ko ibinugaw ako ni Zharptitsa, kakuntsaba sina Mademoiselle Bronquet, Primrose at higit sa lahat si Everdeen. Si Everdeen na...ah basta galit ako sa kanilang lahat!
Hindi pa naaalis ang restraining spell na nicast ni Primrose sa akin kanina kaya hanggang ngayon, para pa rin akong tuod habang naririnig ko ang mga walang kwentang paalala ni Mademoiselle Bronquet. Hindi naman talaga ako nakikinig dahil nakatuon lang ang pansin ko sa papaalis na si Zharptitsa.
May araw ka rin sa akin Zharp!
Kanina nang papalapit pa lang kami sa kanila dito sa flower garden, unang kita ko palang sa nakakairitang kulay pulang buhok ni Zharptitsa, alam ko na siya ang pasimuno nito. Akala ko lang nung una trip lang niyang gawin ito sa akin pero nung nakita kong naghanay ang limang ugok na prinsipe....grr! Alam ko na!
Binubugaw nila ako sa limang 'yon!
Bugaw in the sense inayusan nila ako para i-date sa limang impaktong prinsipeng nasa harapan ko. Alam ko na ngayon na ganon ang mangyayari dahil ang mga loko, talagang pumorma pa! Imbierna!
At lahat ng ito kagagawan ni Zharptitsa!
Humanda ka talaga sa akin Tandang! May kalalagyan ka talaga!
Siempre, makakalimutan ko bang i-mention ang napakahusay kong Ninang Kamahalan! Siya lang naman ang mastermind ng lahat ng ito panigurado! Ang tanda ko kasi kasama 'to sa mga sa mga parusa ko noong nakaraan isahan ko si Zharptitsa sa pasilyo ng academy. Hindi ko naman akalain na totohanin pala ng napakagaling na Czar.
Di ba ang husay din e, no?!?
Masyado!Masyadong paladesisyon sa buhay ng may buhay! Kahit na alam naman ng Czar na ayokong-ayoko pinangungunahan ang mga ganap sa buhay ko! Ipipilit talaga ng Czar ang gusto nitong mangyari sa buhay ko!
Kakaasar!
Teka lang! Nasan na ba yung tandang na 'yon?!
Kahit na tuod pa rin, hinanap ng mga mata ko ang matandang ibon na si Zharptitsa. Pero wala na ito sa direksyon kung saan ko ito huling nakita. Umalis na nga ng tuluyan ang loko!
Kung wala lang 'tong restraining spell sa akin ngayon, malamang naupakan ko na yung tandang na 'yon kanina! Panira kasi si Primrose, e!
Napansin kong isa-isa ng umalis ang limang ugok na royalty. Mukhang tapos na si Mademoiselle Bronquet sa kung anumang sinasabi nito sa kanila. Pero nanatili si Cainne.
“ Prince Cainne, let's go ahead first,” narinig kong sabi ni Mademoiselle Bronquet. Nagpatiuana na ang Mademoiselle saka sinundan ni Cainne.
Pfft, oo nga pala. Si Cainne ang nakabunot sa pinakamaikling string kaya siya ang 'mauuna' sa akin base sa sinabi ni Zharptitsa.
Pfft. 'Mauuna'. Ang sagwa.
At lintik na Red String of Fate yan! Naisip pa talaga ni Zharptitsa 'yang ganyang kaek-ekan?!? Lumalabas tuloy na hindi lang niya ako 'ibinugaw', itinali rin niya ako sa limang tukmol na 'yon!
Bakit naman ganon?! Ang saklap!
Para na rin niya akong tinali sa limang
'yon ng panghabam-buhay dahil itinaga ko na bato na wala, as in WALA akong pipiliin sa kanila! At 'pag sinabi ko na 'yon tiyak sigurado na! Pero hindi ko pa rin hahayaan na matali sa kanila habam-buhay, hahanap at gagawa ako ng paraan para maputol ang lintik na string na 'to! Kasehodang putulin ko ang limang daliri ko sa kamay!
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasíaAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...