9:Kipper the Kappa Prince And the Feathers of Time.

1.3K 56 1
                                        

【★★★】

Kikibot-kibot ang kappang bumalik sa kanina'y pinanggalingan ng elevator. Tila hinahanap nito ang nawalang elevator. Saka naman ito nakangiting tumingin sa amin at masiglang nagsalita."Ulitin natin 'yon ha, kasama si Master." 

Nilagpasan nito kami nang nauna na itong maglakad. Mukhang patungo rin ito sa opisina ng Headmistress na tanaw lang mula sa kinatatayuan namin. Medyo ilang hakbang din ang layo nito mula sa kinatatayuan namin.

Matunog ang sapin sa paa ng kappa na halos 'yun na nga lang ang naririnig namin. Ayon naman sa itsura at kulay nitong kulay lupa, mukhang gawa 'yon sa balat ng kung anong hayop. Patilos ang dulo nito at ang sintas ay tumatahip mula roon hanggang itaas ng bukung-bukong. Samantalang ang kaninang parang bahag na pang ibabang kasuotan ng kappa, aba, biglang naging pantalon na khaki. At ang sa pang-itaas, kulay dark green na royal coat. Nandun pa rin naman sa likod nito ang golden carapace. Habang napansin ko na sa pinakagitnang bahagi ng carapace may simbolo na parang pamilyar sa akin.


Isa lamang 'yong spiral na dibuho na kulay pula ngunit sa pagkakaalam ko ay isa iyong simbolo ng pagiging maharlika. Parang isang royal birthmark na para lamang sa mga kappa. Teka–alam ko na kung bakit pamilyar sa aking yung simbolo. Dahil 'yon sa....kilala ko yung lokong kappa na 'yun!


"Kipper?" wala sa loob kong tawag sa kappa.


Lumingon naman ang loko, halatang nagtataka.


"Kilala mo ako?" mula sa pagkakanuot ng noo nito, labis labis itong nagtataka."Dalawang tao lang ang tumatawag sa akin ng ganyan."

Mula sa isa pang telang supot na nakasabit sa tagiliran ko, may kinuha ako roon at walang sabi-sabing ibinato ko iyon sa kappa.

Isang cucumber.

Nasalo naman ng ang ibinato kong cucumber. Inamoy muna nito ang iyon at nanlaki ang mga matang tumingin sa akin. Hehe. Mukhang nakilala na rin ako nito.


"Tanaka!" humahangos itong tumatakbo sa akin habang  nakadipa pa ang mga kamay nang mapagsino ako.


Tumalon ito ng makalapit sa akin. Nakanguso pa ang labi nitong akmang yayakap at hahalikan ako. Mabilis ko naman hinarang ang palad ko sa pagmukmukha nito. Halos kasing laki lang ng palad ko ang mukha nito kaya saktong-sakto lang para mahawakan ko iyon ng buong-buo.

"Ilayo-layo mo nga sa akin yang nakakadiri mong mukha, Kipper".

"Pheru, nhamish kihtah, Thanhakha." dahil sa tangan ko ang mukha nito, di maayos itong nagsalita.

"So, magkakilala pala kayo ng green being na ito, Meiji?"  sabat ni Everdeen na pinagmamasdan lang kami.

Ibinaba ko na ang kappa at bumaling naman ito kay Everdeen."Matagal ko ng kilala si Tanaka, bubwit pa lang ako kung tawagin. Ngunit ikaw binibini, hindi pa. Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan, magandang binibini?" kinuha pa nito ang kamay ni Everdeen saka patikding hinalikan iyon.

Halos di naman mawari ang itsura ni Everdeen. Tila nabato ito sa ginawa ni Kipper at natigilan.
Lihim ko naman itong siniko saka bumulong." Everdeen, naghihintay si Kipper. Naghihintay ang Kamahalan. Di ba, hindi dapat pinaghihintay ang isang Kamahalan?"

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon