Old Dragon Forest.Ang tahanan ng iba't ibang klaseng nilalang na may dalawa hanggang walong paa at itinuturing na pinakadelikadong gubat sa buong Earthicus. Ang gubat na pinangingilagan ng lahat ngunit hindi ng mga hunters na nangangahas suyurin ang buong kagubatan.
Enchanting yet dangerous.
Mga nagtataasang puno, ingay ng mga nilalang ng gubat at mga kakaibang halaman ang unang sumalubong kay Meiji pagpasok pa lang sa bukana ng gubat.
Mahalumigmig sa loob ng gubat at may kakaunting sinag lang ng Apollo ang nakakapasok sa gubat kaya medyo madilim dito. Ito'y dahil sa natatakpan ng makakapal na dahon ng mga puno ang sinag na pumapasok sa gubat.
Ilang oras na ring naglalakad si Meiji nang maisipan niyang magpahinga muna. Nasa pinakasafe zone pa naman siya ng gubat kaya pwede pa siyang magpahinga kahit saan.
Saka pa lang niya naisipang buksan ang mapang ibinigay sa kanya ni Maui Boy.
At totoo nga ang sinabi nito. Ito nga ang pinakadetalyadong mapa ng buong Old Dragon Forest.
Sa pagkakaalam ng lahat isang malaking gubat lang ang Old Dragon Forest. Pero ang totoo ito ay binubuo ng pinagsama-samang klase ng gubat. Sinasabing dati daw itong kanlungan ng mga mahihiwaga at malalakas na dragon. Ngunit dahil sa talamak na paghuhunt sa mga ito unti-unti silang naglaho sa kagubatan.
"Maaasahan ka talaga kahit kailan, Maui Boy," hindi napigilang halikan ni Meiji ang mapa. Sa lahat ng ibinigay sa kanyang goodluck item, ito na yata ang pinakamahalaga at pinakarare sa lahat.
"Malayo pa pala ang lalakarin ko bago maabot ang pinakapusod ng gubat," matamang tinitignan ni Meiji ang mapa. Naghahanap siya ng pinakaligtas na daan patungo sa pinakapusod ng kagubatan.
Kahit na tumatakas siya para lang makapunta sa gubat na ito, hindi pa rin naman siya nangangahas na suungin ang pinakamasusukal na bahagi ng gubat. Batid rin niya ang panganib ng gubat. Hindi rin siya pumupunta rito ng mag-isa. Lagi niyang kasama noon si Maui Boy.
Hindi rin naman sila nakakarating sa pinakapusod dahil sa kung hindi man sila nahuhuli ng mga guardian gome na pinadala ni Miss Minchan, nahaharang naman sila ng mga nakakatakot na nilalang ng gubat.
"Kung tatawirin ko ang border, kailangan ko palang hubarin ang pin na 'to para hindi ako malocate,"
Sa loob ng gubat ay may isang lawang nagsisilbing border sa pagitan ng gubat na maaari lang nilang tunguhin at ang parte na kung saan off-limits na para sa mga kalahok.
Saglit pang tinignan ni Meiji ang pin na nakakabit sa kwelyo ng kanyang suot na jacket. "Pero...,"
Batid ni Meiji na kapag ginawa niya iyon, nangangahulugang sinuway na naman niya ang rules na ibinigay sa kanila.
"Ano ba kasing meron sa dako pa roon ng lawa?" curious na tanong ni Meiji sa sarili. Ang nakikita lang naman niya sa mapa ay karaniwang kagubatan lamang at wala siyang nakikitang espesyal doon o kahit kakaiba man lang.
Inirolyo niyang muli ang mapa saka ito ibinalik sa kanyang sling bag. Pagkatapos ay tumayo na siya para muling magpatuloy sa paglalakad.
Maya-maya pa ay napatigil siya saka tumingala para tignan ang kakarampot na liwanag na tumatagos sa pagitan ng mga dahon ng mga nagtataasang puno.
Dahil sinakto niya ang pagkakatapat sa liwanag, bahagya siyang nasilaw at kusa rin napapikit. Nanatili sa ganoong posisyon ng ilang segundo.
"Okay," maya-maya'y sabi niya habang nakatingala pa rin. Kung kanina'y nagtatalo pa ang isip at puso niya, ngayo'y nakapagdesisyon na siya. "Hindi ako susuway ngayon. Hanggang sa may lawa lang ako. At hindi tatawid sa kabilang ibayo. Pangako. "
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasyAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...