Wala sa loob na napatingin ako sa aking relos at napatitig dito habang naghihintay ng takdang oras para tuluyan ng maiteleport si Diana sa academy. Naririto pa rin ako sa silid kasama ang mga magulang ni Diana. Tulad ko'y naghihintay din sila, habang bumalik na ulit ang babaylan sa iba pang pasyente.
Eksaktong hatinggabi ang nakatakdang oras ng teleportation at sa tyanta ko'y wala ng sampung minuto bago mangyari 'yon kaya naman sinabihan ko na ang Reyna na ihanda na si Diana. Ginawa naman nito ang sinabi ko.
Sinuklayan nito ang buhok ng anak at binihisan din. Medyo nagulat lang ako ng pabaunan niya ito ng mga talahib. Hindi na ako nagtanong kung bakit, ipinagpalagay ko na lang na marahil dahil sa isa pa ring centaur si Diana malamang hindi pa rin nawawala sa diet nito ang pagkain ng isang pangkaraniwang centaur.
Siempre naglakip din ako sa katawan ni Diana ng mga secret messages. Para naman iyon sa mga magus medicus na maaring magsuri sa bata.
Mabilis na lumipas ang mga segundo at minuto hanggang sa dumating na nga ang takdang oras. Magkahawak ang mga kamay na pinanood ng hari at reyna ang unti-unting tila pagdisperse ng mga bahagi ng katawan ni Diana hanggang sa mawala na ito sa kinahihigaan nito senyales na tuluyan na itong naiteleport sa academy.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng mga naghihintay at nag-aabang sa akin doon sa academy kapag nalaman nilang hindi ako ang naiteleport pabalik. At aamining kong medyo kinakabahan ako. Malamang, ah, hindi, hundred percent sure akong lagot na naman ako kay Miss Minchan nito. As always.
Pero umaasa naman akong maiintindihan ng Headmistress ang ginawa ko sa oras na makita nila si Diana. No doubt. Pero ibang usapan na kung si Miss Minchan ang pag-uusapan. Knowing the Miss, wala pa yata akong nagawang tama sa paningin nito. Ang nakikita lang kasi nito ay yung kamaliang nagawa ko hindi yung dahilan at brighter side ng ginawa ko. So as usual, kailangan ko na naman sigurong mag-expect ng mabigat-bigat na parusa mula sa rito. Sabagay, sinabi ko na rin naman sa sarili kong I'll face the consequences no matter what. And that is Miss Minchan's indignation.
But before that, i-totodo ko na ang pagsuway ko sa rules tutal naman nandito na rin naman ako. Isasagad ko na.
Palabas na sana ang mag-asawa nang tawagin ko ang mga ito. Humarap naman sila sa akin at sinalubong ako ng mga nagtatatakang tingin.
"Mawalang-galang na po pero pwede po ba akong humingi ng pabor?" walang hiya-hiyang tanong ko. Nagkatinginan sila pero kalauna'y napatikhim ang hari. Hindi ito nagsalita. Dahil doo'y medyo nag-alinlangan ako ngunit nakita kong tinanguan naman niya ang asawa.
Siguro naman hindi nila ako papahindian.
"Ano ang iyong nais, binibini?" maya-maya'y ani ng Reyna.
Nilinis ko muna ang aking lalamunan bago nagsalita." Nais ko sanang pahintulutan n'yo akong magtungo sa hangganan,"
Napansin ko ang bahagyang pag-arko ng mga kilay ng hari. Hindi pa rin ito nagsalita subalit kita naman sa mukha nito ang iniisip nito.
"Kung ganun interesado ka talaga sa mga dragon?" ang Reyna pa rin.
Tumango ako."Sila po ang tanging dahilan ng pagkakaparito ko sa gubat," pagdadahilan ko na totoo naman.
Akma na sanang magsasalitang muli ang Reyna pero napigil ito ng Hari nang ito naman ang magsalita.
"Ang hinihiling mo bang pabor ay kapalit ng ginawa mo para sa aking anak, dayuhan?"
Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang tapang ko para ngisian ang hari dahil ang ngising iyon ay tugon ko na tama ang sinabi nito.
Hindi ako magpapaipokrita kung itanggi ko pa. Hindi ako charitable na tao. Oo, paminsan-minsan pero hindi sa lahat ng bagay. Sorry, pero ito na siguro ang bad side ko.
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasiAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...
