53: Into The Dragon's Lair: Part Two

1K 60 20
                                    

Malayo pa lang ay dinig na ng grupo ni Sicarius ang dumadagundong na yabag ng mga sinasakyang terra draco ng kanilang hinihintay. Mga yabag na animo'y mayroong stampede ng mga wildebeest.

Sandali pa'y mas naging malapit ang mga yabag hanggang sa mabungaran ng grupo ang laksa-laksang kalalakihan sakay ng mga kakaibang nilalang. Narating na ng mga ito ang  kinatitigilan nina Sicaruis.

Awtomatiko ng yumukod ang anim matapos tumigil sa harapan nila ang isang partikular na terra draco na kinalululanan ng isang lalaking nakasuot ng mahaba at itim na balabal na may mabalasik na anyo at malaking pangangatawan.

“Master,” halos sabay-sabay pang sabi ng anim.

Bumaba ang lalaki sa sinasakyang nilalang at humarap sa anim.

“ Nasisiguro mo bang ito na nga ang lugar, Sicaruis?” seryosong saad nito pagkababa.

“Opo, Master Demetrius. Kinabitan ko ng bug ang pinahahanap ninyong dragon kaya nasisiguro kong ito na ang lugar,” nakayuko pa ring tugon ni Sicarius. “At ayon sa tracker ay nasa ibaba ng bangin na 'yan ang pugad ng dragon at paniguradong naroroon din ang inaasam ninyong itlog,” dugtong pa nito.

Napangisi naman ang lalaki.

“ Magaling,” ani nito' t naglakad patungo sa  bingit ng bangin. Matalim ang pagkakatingin sa banging nakukumpulan ng makapal na hamog.

Ang lalaking iyon ay si Demetrius Doplata, ang pinakamaster ng grupong kinabibilangan ng grupo ni Sicarius. Kilala ang lalaki sa bansag na 'Pirata ng Kagubatan' dahil sa infamous nitong reputasyon sa paninilo sa mga mahihigawang nilalang ng kagubatan.

Ang anyo nito'y hindi nalalayo sa mga itsura ng mga nilalang na may matataas na kalibre ng kapangyarihan. Mabalasik, nakakatakot at punong-puno ng otoridad. Makakapal ang itim na itim nitong kilay na pinarisan ng mga lubog na mga mata. Makapal din ang nangingitim nitong labi. Ngunit ang lalong nagpabalasik sa itsura nito ay ang malalim na pilat nito mula sa kanang mata na bumabagtas sa ilong patungo sa kanang pisngi nito at ang kanang mata nitong wala ng iris.

Ang binuong grupo nito ay eksperto sa paghuhunt ng mga mythical creatures sa buong Earthicus ngunit ang pinakapaborito nitong huntingin ay ang mga dragon kaya naman hindi naiwasan ng ilan na tawagin siyang Dragon Master dala na rin marahil sa dami ng dragon na nahuli niya.

Ang siste ng grupo sa paninilo ay maghanap ng mga dragon na kakapangitlog pa lang o ung mga dragon na hindi pa napipisa ang mga itlog. Kinukuha nila ang mga itlog para maging kasangkapan habang ang mga dragon namang mahuhuli ay kinakatay nila sa iba't ibang portion batay sa gamit ng mga bahagi ng katawan nito saka ipinagbibili sa mga dark mage o sa mga warlocks na nagnanais ng dagdag na kapangyarihan.

Matapos namang magsawa sa tanawin ng bangin ay pumihit ang lalaki paharap sa mga tauhang bumibilang ng mahigit limampu kabilang na ang grupo ni Sicarius. Inilibot nito ang tingin sa kabuuang bilang ng mga tauhan matapos ay bumaling naman ito kay Sicarius.

“ Sicarius, pangunahan mo ang unang grupong bababa. Magsama ka ng ilan. Habang ang iba'y sa akin sasama. At Bestia,” bumaling naman ito sa tanging babae ng pangkat.“ Maiwan ka kasama ng iba pa dito sa ibabaw. Ihanda ninyo ang magiging kulungan ng dragon,”

Tumango naman ang tinawag na Bestia. Kasunod na noon ang pagbaling ng lalaki sa buong pangkat.

“Dumating na ang panahon para maangkin natin ang kapangyarihan ng pinakamapangyarihang dragon! Ito na ang oras! Kaya inaasahan kong gagawin ninyong lahat para makuha ang itlog na magdadala sa atin sa pinakarurok ng kapangyarihan!”

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon