83: Arcade City: Horror Mountain and The Secret Garden of Enchanting Fireflies

307 13 7
                                    

" Uuuuwwaaakk! Uuuuwwaaaakkkk!"

Wala namang uwak subalit dinig na dinig kung paano magtawag ng uwak ang mag-among Kosuke at Kipper. Hindi naman literal, kung hindi, dahil ito sa wala na yatang katapusang pagsuka nila. Ang dahilan: ang walang humpay na pagsakay nila sa mga rides sa kagagawan na rin ni Meiji.

Walang rides ang hindi sinakyan ng tatlo. At walang rides na hindi nagsuka ang mag-amo.

Kung tutuusin, sa kanilang tatlo, mukhang tanging si Meiji lang ang nasisiyahan. Kung hindi tumitili, magkayakap at pareho pang nagdarasal ang mag-amo habang si Meiji nama'y ninanamnam lang ang bawat sandaling bumabalya sa kanya ang marahas na hangin sa bawat pag-alon ng mga sinakyang rides habang nakataas pa ang mga kamay ng dalaga. O minsan naiinis din dahil sa pareho pang nakayakap sa kanya ang mag-amo habang tumitili pa ang mga ito na parang mga babae. O minsan si Kosuke lang dahil si Kipper sumisimple sa sinumang babaeng katabi nito sa rides. Pero pagkatapos nuon, koro pa rin ang mag-amo sa pagtawag sa uwak.

" Uuwaakkkk!!!! Uuwaaakkk!!!!" ang muli pa nilang pagtawag.

Kakababa lang nila sa pinakamasalimuot at pinakamahabang roller coaster sa buong Earthicus. Pagkababang-pagkababa pa lang, panabay na ang dalawa sa pagsuka na tila ba isinusuka na rin ang lahat ng laman ng kanilang tiyan.

" Ano kaya pa?" sinasadya talaga ni Meiji na iparinig sa dalawa ang pang-aasar sa kanyang tono. Tinugon naman iyon ni Kosuke ng pagtaas ng kamay at pagsenyas nito ng 'thumps up' na kaagad sinundan ng halos wala na yatang katapusang pagsuka nito.

Lihim na lang na napapatawa si Meiji. Alam niyang may motion sickness ang mag-amo lalo na sa mga makapigil-hiningang rides na sinakyan niya. At sinadya talaga niyang piliting sumakay ang dalawa. Subalit ang mas ikinakatawa ng dalaga ay ang isiping kinakaya ng dalawa para lang sabihin nilang kaya nila. Tila ba alam din ng mag-amo ang iniisip niya na kapag sumuko sila sa tila hamon ng dalaga sa kanila, katakot-takot na kantiyaw ang aabutin ng mag-amo sa kaniya. At iyon naman talaga ang plano ng dalaga. Malas lang at mukhang hindi pa rin talaga susuko ang mag-amo sa kabila ng makailang beses nang pagtawag ng mga ito ng uwak.

Kung kaya naman naisip ni Meiji na sagarin na ang lahat.

Nakangising lumapit si Meiji sa dalawa at tig-isang binigyan ng bottled water. Kinuha naman ito ng dalawa saka tinungga. Habang umiinom ang dalawa, sa nang-aasar pa ring tono, inulit muli ng dalaga ang sinabi nito kanina.

" Ano kaya pa ba?" saad ng dalaga. Nang walang naging tugon ang dalawa, dunugtungan pa ng dalaga ang pang-aasar nito." Hindi n'yo na yata kaya eh. Tsk. Mahinang mga nilalang," pangbubuska pa ng dalaga.

Pagak namang tumawa si Kosuke. Tumayo ito ng tuwid mula sa payuko nitong pagsuka. Napapapikit ang isang mata nito dahil sa nararamdamang pangangasim ng sikmura dulot ng walang humpay na pagsuka.

" Wag mo naman kaming maliitin," reklamo ng binata. Kahit bakas na sa mukha ang paghihirap sa pagsuka, nakuha pa rin ni Kosuke na ngisian ang dalaga subalit kaagad din iyong nawala nang muli na naman itong bumalik sa pagsuka nito.

Simpleng napangisi na lamang si Meiji. Aniya sa isip, ayaw talagang magpatalo ng mag-amo.

" Well, kung ganun. Handa na ba kayo sa next ride natin? Kaya n'yo ba bang kumasa?" may panghahamon sa tono ng dalaga.

" Bring it on," may yabang at angas namang tugon agad ni Kosuke sa kabila ng nararamdaman nito.

Naroroon pa rin ang pagkakangisi ni Meiji nang tumalikod na ang dalaga saka humakbang. Mas lalo pang lumawak ang pagkakangisi niya nang maramdaman niyang sumunod na sa kanya ang mag-amo.

Ilang minuto rin silang naglakad bago nila narating ang pinakaentrada ng rides na sinasabi ni Meiji.

Hindi na napigilan ni Meiji na mapangiti ng malademonyo habang pinagmamasdan ang arkong nagsisilbing welcome gate ng rides na kanilang sasakyan o mas angkop sabihing papasukin. Parang nakikinita-kinita na niya kung anong kakasapitan ng dalawa sa oras na pumasok ang mga ito sa sinasabi niyang rides.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon