Adamwoods Academy for Witchery and Wizardy

5.5K 111 3
                                    


〖☆☆☆〗

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

〖☆☆☆〗

Malawak na bakuran na natataniman ng mga punong singtanda ng mga  alagang cattis ni Mrs. Winchester, mga mababangong wild bushes sa malawak na garden, may gazeebong gawa sa century old tree na Zolaj na malapit sa fish pool na pinaglalanguyan ng mga magical koi fish at isang matayog at malaking kastilyong gawa sa pinaghalong Zircon at puting Aspiab.

Iyan ay pictureque ng isa sa mga pinakaprestisyoso at pinakamatandang academy ng witchcraft at wizardy sa Earthicus, ang Adamwood's Academy for Witchery and Wizardy.

Makikita sa harapan ng kastilyo ang double door na s'yang pinakafront door ng academy at mayroon ditong nakabantay na dalawang estatwa ng bear lion sa magkabilang gilid. Gawa naman ang double door sa buhay na puno ng Fir. Nagbabago ang kulay nito sa tuwing may papasok sa pintuang ito.

Isang malaking lobby ang sasalubong sa'yo pagkapasok mo. Gawa sa pinaghalong puti at itim na marmol ang sahig ng lobby ngunit sa pinakagitna makikita ang crest symbol ng academy. Katapat nito sa itaas ang family coat of arms ng mga Adamwood na pinaggigitnaan ng dalawang malalaking chandelier.

Sa pinakagitnang bahagi naman ng lobby ay makikita ang dalawang pakurbang hagdanang nagtatagpo sa gitna. Isang napakahabang pasilyo naman ang nasa pagitan ng dalawang pakurbang hagdan. Sa magkabilang bahagi naman ng lobby ay mayroon dalawang pang magkabilang pasilyo. Matataas ang kisame ng pasilyo at ang mga bintana nito na abot kisame ay pawang  gawa naman sa mga translucent stained-glass.

May hindi mabilang na palapag mayroon ang kastilyo. Ang misteryoso at mahahaba nitong  pasilyo ay may mga sangay pang mga kantong daanan patungo sa mga pabilog na hagdanan.

Ang bawat silid naman ay may mga seradurang gawa sa gintong dragon ngunit wala hindi mo makikita ang mga susian. Dahil ang mga silid na ito'y mga espesyal na silid. Makakapasok ka lamang kung ika'y pahihintulutan ng sino mang nasa loob  o kung alam mo ang mahiwagang password sa bawat silid.

At ang mga pinakamahahalagang silid naman ay nababantayan ng mga tinatawag na door butler. Sila'y mga mukha na lumilitaw basta-basta sa mga pinto at nagsisilbing gwardiya sa bawat silid.

Makikita naman sa mga dingding ng pasilyo ang mga puntod na larawan o  crypt painting ng mga dating tagapamahala ng academy, mga matataas na tao sa society, mga bayani ng Earthicus, mga dating guro, at mga matatagumpay na alumni academy at ilan pang mga gawang sining.

Katumbas ng isang maliit na bayan ang kabuuang lawak ng academy ngunit humigit kumulang limang daan at anim lamang ang estudyante dito. Hindi pa kasama d'yan ang isang daang tauhan ng academy at twenty-five professors, substitute teacher and trainors.

Sa lawak nitong kayang pumuno sa halos isang libong estudyante, kataka-taka namang kalahati lang ang bilang ng mga estudyante. Marahil dahil ito sa mahigpit na paraan sa pagpasok sa akademya.

Piling-pili lamang ang nakakapasok dahil na rin sa paraan ng pagkilatis ng academy. Gayunpaman wala sa lahi, estado, o yaman ang paraan para makapasok kundi sa kakayahan, pag-uugali at mataas na grado na makukuha sa entrance exam para maging opisyal na estudyante.

Kinakailangang isang daan at isang porsyento pataas ang makuhang puntos sa pagsusulit na ibinibigay ng academy sa sinumang nagnanais na makapasok sa academy. Ginagawa lamang ang pagsusulit tuwing ika-anim na taon. At sinumang makakuha ng isang daang porsyento pababa ay di na maaari pang kumuha ng exam kahit kailan. Samakatuwid wala na silang pag-asa pang makapasok sa acdemy. Di uso dito ang pangalawang pagkakataon. You can only have one precious chance. Only once in a lifetime.

Ang akademyang ito ay pagmamay-ari ng angkan ng Headmistress na si Mrs. Adamwood. Makikita ang academy sa isa sa mga county sa Central Continent. At sa loob ng ilang daang taon, nanatili pa rin ang academy bilang nangungunang institution sa larangan ng paghasa sa mga susunod na henerasyon ng mga makakapangyarihang witches and wizards.



【★★iamneon★★】

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon