43 : Welcome To Equilestria: Land Of The Centaurs And The Refuge Of The Satyrs

552 30 0
                                    

Kakaiba ang lugar na pinagdalhan kay Meiji ng mga centaur . Mukha itong isang syudad ng sinaunang kabihasnan.

Bakas na ang kalumaan sa mga gusali na pawang gawa sa mga pinatigas na clay. At ang mga baging na nakakapit sa mga ito ay tila ba senyales na binabawi na ulit ito ng kalikasan.

Naririto na nga sila sa Equilestria, ang nakatagong pamayanan ng mga centaur at satyr sa loob ng Old Dragon's.

Sa bukana pa lang, laksa-laksang centaur at satyr na ang sumalubong sa mga bagong dating. Noong una'y pinagtakhan nila ang babaeng nakasakay sa kanilang prinsipe ngunit ng bumaba ito'y napaltan iyon ng galak. Sa galak ay pumalakpak pa ang mga ito na tila ba nagbubunyi. Sa kabila naman ng mga palakpakan, may mga bulung-bulungan ding di maiiwasan.

"Mukhang nakahanap na si Prinsipe Kheiron ng babaeng tao na mapupunlaan,"

"Na sa kalauna'y maaring maging reyna nito,"

"Hindi nga malabong mangyari ang ganoon,"

Nakakunot-noong inilibot ni Meiji ang tingin sa paligid. Bukod sa lugar na ngayon lamang narating, nahihiwagaan din siya sa palakpakang iyon ng mga centaurs at satyr.

Taka niyang nilingon ang prinsipe at sinalubong naman siya nito ng isang ngiti.

" Mukhang natutuwa sila sa pagdating mo, binibini," aniya na mukhang nabasa ang pagtataka sa mukha ng dalaga. Inirapan lang siya ng dalaga na ikinatawa naman niya.

Maya-maya pa'y nagtungo na sila sa gusaling nagsisilbing pagamutan ng mga centaurs. Habang naglalakad, hindi mapigilan ni Meiji na mamangha sa bawat nakikita niya.

Mahilig siya sa mga lumang bagay kaya naman naaaliw siya sa mga nakikitangl mga imaheng nakaguhit sa mga gusaling kanilang nadaraan. Maaari ngang karamihan sa mga ito ay mga guho na lamang ngunit naroroon pa rin ang mga importanteng imaheng nagkwekwento sa kasaysayan ng mga centaur.

At dahil sa kahit paano'y nakakabasa siya ng mga sinaunang paraan ng pagsasalaysay ng kasaysayan, nabasa at nalaman niya ang mga impormasyong tungkol sa pinagmulan ng mga centaur na labis na pumukaw sa kanyang interes.

"Naaaliw ka ba sa nakikita mo, binibini?" kapagdaka'y tanong ng prinsipe sa kanya. Nilingon niya ito tinaasan lang niya ng kilay.

Ayaw n'yang magpaistorbo sa ginagawa.

Tila naman nabigla ang prinsipe sa iginawi ng dalaga.

Hindi niya akalaing ganito pala ang babaeng tagalabas pero gayunpaman nginitian na lang niya ito.

Maya-maya pa'y narating na rin nila sa wakas ang gusaling kinalalagakan ng kanilang mga maysakit na kakababaihan. Pabilog ang itsura nito na mukhang isang dating templo. Sa bukana pa lang ay sinalubong na sila ng mga nakatalaga doon.

Isang babaeng naglalakad sa dalawa nitong paa ang nakapukaw sa atensyon ni Meiji. Sa palagay niya'y isa itong tao. Lumapit ito sa prinsipe at mahigpit naman itong niyakap ng centaur. Hinalikan pa nito ang babae sa noo.

"Ina, kumusta si Daiana," anang ng prinsipe.

Tumingala ang babae sa centaur. Hindi maitanggging ito nga ang ina ng prinsipe bagaman isa itong tao malaki pa rin ang pagkakahawig nito sa centaur.

"Hindi maganda, Anak. Palubha siya ng palubha," mangiyak-ngiyak namang tugon ng babae. Sumusob pa ito sa dibdib ng anak at doon humikbi.

Nang makahuma'y agad na napatingin ang babae sa nagtatakang mukha ni Meiji. Wala sa loob na napangiti ito.

"Kung gayun, nakahanap ka na pala ng mapupunlaan mo, anak," ani nito na ikinataas muli ng kilay ng dalaga.

Pupunlaan na naman. Mukha ba akong garden plot para punlaan, ani ni Meiji sa sarili.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon