23:Mistaken Identity.

736 32 1
                                    

〖☆☆☆〗


"Pagkatapos ng klase ninyo kay Miss Goroghbough, saan ka nagtungo, Miss Meiji ?" panimulang tanong ni Captain Mussel.

"Sa kwarto ko po." tipid na sagot ni Meiji.

"Ano namang ginawa mo sa kwarto mo?"

"Nagtanghalian po."

"Nagtanghalian? Bakit doon ka nagtanghalian? Bakit hindi sa Great Mess Hall?"

"Ayokong makaharap sa lunch banquet ang mga prinsipe." prangkang tugon ni Meiji. Wala na s'yang pakiaalam kung ano mang isipin ng mga prinsipe.

Naiinis na kasi siya sa sunud-sunod na tanong ng Kapitan na parang wala namang patutunguhan. Para lang itong isang taong chismoso na tanong ng tanong ng mga walang kabuluhang bagay.

"May patunay ka ba na sa kwarto mo ikaw dumiretso pagkatapos ng klase at hindi kung saan pa man pumunta?" tanong ng Kapitan. May nais itong tumbukin sa mga tanong nito. Ngunit hindi yon nahalata ni Meiji.

"Kasama ko si Everdeen."

"Ang kaibigan mo? Bakit mo s'ya kasama? Usapan n'yo bang sa kwarto mo kayo magtanghalian? Anong ginawa ninyo pagkatapos?" di na mapigilan ng kapitan ang sarili sa pagtatanong. Nais niyang sa bibig mismo ni Meiji manggaling ang kanilang pakay rito.

"Wala kaming usapang kahit ano. Sumunod lang siya sa akin. Nagluto ako at nakikain siya. " sagot ni Meiji.

"Anong ginawa ninyo pagkatapos? May pinuntahan ba kayo pagkatapos ninyong kumain?"

"Nagkwentuhan lang po kami."

"Anong pinagkwentuhan ninyo?"

Seryoso? Pati 'yun itatanong din ng bakulaw na 'to? Tsismoso lang ang peg? wika ni Meiji sa sarili.

"Girl talk. Some girly things." tipid niyang sagot.

Hindi niya pwedeng sabihin dito ang mga detalye ng mga napagkwentuhan nila ni Everdeen sa kanyang kwarto. Kaharap nila ngayon ang mga prinsipe at baka mapurnada pa ang kanyang mga plano na tinawag niyang Operation: Choose Love.

"Boys?" malakas
makatsismosong tanong ng kapitan. Nakangisi pa ang kapitan ng tignan ito ni Meiji.

Atrimitido. Tsk.

"Opo." wala sa loob na tugon ni Meiji. Wala na siyang paki kung ano pa mang isipin ng mga taong nandirito ngayon sa opisina ni Miss Minchan. Tutal totoo din namang about boys ang pinag-usapan nila ni Everdeen.

Nakangisi naman at napapailing ang kapitan bago ito muling nagtanong. " May pinuntahan ba kayo pagkatapos ninyong magtanghalian?"

"Wala po." mabilis na sagot ni Meiji. Tila sigurado siya sa sagot niya.

Ngunit di niya inaasahang iilaw ang dalawang receptors ni Trulucius.

Nagsisinungaling ba s'ya?

"Nagsisinungaling ka Miss Meiji. Saan kayo nagpunta pagkatapos ninyong mananghalian? Saan!?!" halos pasigaw nang tanong ng kapitan. Nakikinita na niya ang pag-amin ni Meiji.

Sandaling nag-isip si Meiji. Wala siyang maisip na ibang pinuntahan pagkatapos nilang mananghalian.

Matutulog na siya dapat noon kaya lang may naisip siya kaya nagpunta sila sa kwarto ni Everdeen.

Teka?
Pagkatapos naming mananghalian nagpunta kami sa kwarto ni Everdeen. Tapos....sa kwarto ni Everdeen! Tama! Nagpunta nga kami sa kwarto ni Everdeen!

"Uulitin ko. Saan kayo-"

"Nagdiretso kami sa kwarto ni Everdeen." putol ni Meiji sa muling pagtatanong ng kapitan.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon