5:The Great Czar.

1.8K 73 2
                                    

【★★★】
M

eiji

Gold-plated frame and beautifully canvassed hyper-realistic oil painting na may anim na talampakan ang taas at lapad na dalawampung pulgada. Matayog itong nakasabit sa dingding ng pasilyo at may mga nagliliwanag na krystal sa apat na sulok ng frame. Ang nakapinta rito ay isa sa mga dakilang czar na namuno sa Ruskia.

Mabini itong nakaupo habang  nakapatong naman ang magaganda nitong kamay sa kanyang kandungan. Ang strawberry blonde nitong buhok ay maayos na nakapusod ngunit may mangilan-ngilang kulot na strand na malayang nakalawit. Mabini ngunit matamis na mga ngiti ang mababakas sa labi nito, mapupungay ang kulay asul nitong mata na nalalangkapan ng mga malalantik na pitik-mata at matangos na ilong. Ang kutis nito na animo'y laging naliligo sa gatas ay may natural na mamulang-mulang  pisngi. Kawangis nito ay isang anghel ngunit nakaranas ng malaimpyernong pangyayari noong kanyang kabataan.

*****

Mabagal kong pinatakbo ang broomster bago pa man kami dumaan sa malaking painting na iyon. Bahagya din akong gumilid sa kaliwa.

Wala ng humahabol sa amin. Pagkalagpas kasi namin sa kulay lilang carpet, nangangahulugang nalagpasan na namin ang pasilyo ng mga ilusyon. At kasalukuyang  binabagtas ang pasilyo kung saan naroroon ang crypt painting ni Great Czar Anastasia Nikolaevna Romanova.

"Everdeen, kahit anong mangyari, wag na wag kang titingin sa painting, maliwanag?" nakatalikod kong bilin sa ngayo'y natatakot na si Everdeen. Sinabi ko kasi ditong gising ang multo ng nakaraan at ngayo'y nakasabit sa malaking painting na iyon. Takot kasi ito sa multo lalo na sa mga Ghost of the Past. Tumango naman ito.

Pero ang totoo n'yan inuuto ko lang siya. May mas kahindik-hindik pa kasing nilalang ang nabubuhay sa painting at ayaw kong makasalamuha ito ngayon.

Pigil hininga kaming dumaan sa tapat ng painting ng bigla na lang may nag-ehem. Hindi namin iyon pinansin at tuloy-tuloy lang sa mabagal na paglipad. Nakalagpas na kami ng tuluyan nang mula sa painting ay may maautoridad na nagsalita.

"Lady Meiji, Miss Posiatti. Hindi man lang ba kayo magpupugay sa Dakilang Czar ng Ruskia? Nasaan na ba ang modo ng mga kabataan ngayon?"

Patay!

Napapikit ako't lihim na napamura. Natigilan kami saglit ngunit pagkaraa'y muling nagpatuloy sa mabagal na paglipad. Nagpanggap akong walang narinig.

"Everdeen, wag kang liling-" nahinto ako pagsasalita ng maramdaman kong bumaba ang dapat sasabihan ko sana ng 'wag kang lilingon'.

" Isang magandang araw sa inyo, kamahalan." nakayuko na ito sa tapat ng painting habang hawak ang magkabilang dulo ng kanyang skirt. Bahagya pang nakabaluktot ang tuhod nito at ang kanang binti nito'y nasa likod.

"Magandang araw din naman sa'yo, Miss Posiatti." ani ng babae sa painting. Nginitian muna nito si, Everdeen saka seryosong bumaling sa akin." Lady Meiji, hindi ka man lang ba magbibigay pugay sa iyong Ninang?" walang kangiti-ngiti pa nitong dugtong.

Isang buntong-hininga muna ang pinakawalan ko bago umatras lulan ng broomster. Nang nasa tapat na ako nito, yumukod ako ng 90° at ang mga kamay ko'y magkadaop na nasa harap saka walang interes na nagsalita. "Magandang araw, kamahalan."

Mabilis namang umarko ang mga kilay nito. "Ganyan ba ang tamang pagpupugay sa iyong Ninang , Lady Meiji? Ginagawa lamang yan sa imperyo ng Edo. At saka bakit ganyan ang iyong kasuutan? Wala ka na bang ibang kasuutan? Tama bang ganyan manamit ang isang prinsesa dukesa? Ano na lang ang sasabihin sa'yo ng Grand Duchess ng Ravenwood? Na ang apo nya ay walang fashion taste? Magsalita ka Lady Meiji at magpaliwang." mahabang litanya nito.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon