Pagkatapos isama si 3D na kumuha ng gamit ni Cassie ay pinauna na lamang nito ang dalaga sa subdivision. Dumaan na muna siya sa opisina kung saan may mga pinirmahan siyang papeles. Paalis na sana siya ng pumasok sa opisina niya si Sam.
"Sir, kasama nyo pa rin po ba si Cassie," agad na tanong nito sa kanya matapos niyang paupuin. May hinala na siyang tungkol talaga sa dalaga ang itatanong nito.
"She's okey Sam. Actually I have something very important to tell you about her."
Muntik na siyang matawa ng rumehistro ang horror sa mukha ni Sam.
"Sabi ko na nga ba may nangyaring masama sa kanya eh."
"Calm down Sam. Gaya nga ng sabi ko okey lang siya, she's safe." assurance niya sa babae. "Pero hindi ko pa alam kung hanggang saan. As her friend, I think you have the right to know about the situation Sam. Pasensiya ka na kung huli mo ng nalaman. Several months ago may natanggap na death threat si Bianca."
Napasinghap si Sam sa kabiglaan.
"Death threat? Wala naman sigurong kaaway si Cassie bakit may threat siya?" bulalas ni Sam. Napatakip ito bigla sa bibig ng mukhang may naalala. "Alam ba nila Tito at Tita ito? Kaya ba may CCTV ang buong bahay niya?"
Napatango lamang siya at kinuwento sa babae ang lahat. Mula sa sulat, sa mga text, sa posibleng kaugnayan ng pagkakadisgrasya noon ni Sam sa stalker ni Cassie hanggang sa patay na pusa at sa muntikang pagdukot sa dalaga sa sementeryo.
"Oh my God. Sabi ko na nga ba sinadya yung pagkakabundol sa akin. Pero sandali lang Sir ha, bakit hindi na lang ninyo pinalipat si Cassie sa Cebu kasama ang mga magulang niya. Pero bakit may threat ang kaibigan ko? At sabi pa ninyo eh gusto ng stalker na yan na lumayo si Cassie sa inyo."
"Yan din ang hindi ko maintindihan hanggang ngayon. It’s like a puzzle that we need to solve. Ako ang gumawa ng paraan para mailipat sina Tita sa Cebu dahil ayokong mag-alala pa sila. Mas mabuti na ring wala silang alam sa mga nangyayari rito."
"Bakit ngayon lang ninyo sinabi sa akin ito Sir?"
"Pasensiya ka na Sam. May palagay kasi akong may ahas sa mga kasama natin."
Napakunot ang noo ni Sam sa pagkakatitig sa kanya.
"Ibig ninyong sabihin maaaring isa sa amin ang may gawa noon kay Cassie? Imposible."
"Hindi ko alam. Pero isa lang ang alam ko, isa o marami pa sa atin ang may koneksyon sa Gary Gang. Maaaring isa sa atin ang mata at tainga ni Gary Winters."
"Imposible!! Matagal na ako dito sa opisinang ito. Marami na kaming nahuling mga kriminal. Walang traydor sa mga kasama natin Sir," may bahid ng iritasyon na sabi ni Sam sa kanya.
"Pero hanggang ngayon hindi pa rin ninyo mahuli-huli si Gary. Ilang taon na ba siya dito sa Legaspi? Bakit nakagagawa pa rin siya ng mga ganitong ipinagbabawal na aktibidades? Hindi ba sumagi sa isip mo ni minsan Sam kung anong nangyari at sa tuwing may entrapment operation sa kanya eh lagi nya kayong nalulusutan kahit gaano ka confidential ang lakad ninyo?"
Napayuko si Sam sa sinabi niya, mukhang nagsink in na rin sa wakas ang mga sinasabi niya.
"Hindi ko ipipilit na paniwalaan mo ako sa assumptions ko Sam. I just want you to be more observant and vigilant. Ngayong alam mo na ang tungkol sa nangyayari kay Bianca I want you to look after her too dahil hindi sa lahat ng oras kasama ko siya."
"Kung totoo man ang hinala mo makakaasa kang gagawin ko ang trabaho ko kahit pa nangangahulugan iyon na kailangan kung maging kaaway ang isa sa mga itinuturing kung kapamilya. Kaya pala ang bilin sa akin ni Sir Gonzales bago siya mailipat ay huwag akong magtitiwala sa kahit na sino. Pero may hinala ka na ba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/24032180-288-k395499.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
AksiSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.