‘’Bakit ba ang init ng ulo mo pag nasa opisina ka?’’ tanong ni Homer kay Liam. Katatapos lang nilang maghapunan at nasa isang bar sila para uminum at mag unwind.
‘’Bakit mo naman nasabing mainit ang ulo ko pag nasa office ako?’’ bawing tanong ni Liam sabay inum ng beer.
‘’Bok, huwag mo ngang sagutin ng tanong ang tanong ko. Seriously, nagsusungit ka daw lagi sa office most specially kay Cassie. Hindi mo naman siguro siya kinuhang secretary para pagalitan diba?’’
‘’Do you like her Bok? Bakit naman ang concern mo doon?
‘’Answer me will you? Ano ka ba?’’
‘’Okey fine. Hindi ako masungit. Minsan lang talaga maraming palpak ang mga tao ko kaya umiinit ang ulo ko. And speaking of Cassie, nagsumbong ba siya sayo na pinapagalitan ko siya?’’
Napailing-iling si Homer bago uminum ng alak.
‘’Of course not. Kilala ko yon hindi yun parrot noh. Hinay-hinay lang Bok. Be nice to them dahil alam mong yan lang ang kakampi mo sa lahat ng bagay when it comes to our job.’’
‘’I know Bok. Pero minsan mahirap din kasi pag sobrang attach na tayo sa mga tao natin. You know I don’t intent to stay here forever. Gusto ko pa rin makabalik sa Crame alam mo yan.’’
‘’Ibang attachment naman kasi siguro yang sinasabi mo Bok. Alam naman nila na officers come and go. But mas mabuti pa rin yung may positive impression sila sayo.’’
‘’Whatever Bok. As long as ginagawa nila ang trabaho nila okey sila sa kin.’’
Napunta pa sa ibang usapan ang magkaibigan. Dahil hindi naman mga heavy drinker ang mga ito ay nagdesisyon silang umuwi na pagkatapos ang tatlong bote ng beer.
*********
Off duty ni Cassie ng araw na yun. Dahil wala naman siyang pasok ay nagdesisyon siyang huwag munang bumangon ng maaga. Mukhang nasanay na kasi ang sistema niya na ala sais magising kaya ito siya ngayon at nagpabiling-biling sa kanyang kama.
Iidlip na sana siya ulit ng marinig niya ang pagtawag ng mama niya sa kanya. Tumayo na siya para pagbuksan ito.
‘’Goodmorning Ma,’’ bati niya sa ina. Mukhang nakabihis na ito at may lakad.
‘’Nak, wala kang pasok ngayon diba?’’
‘’Yes Ma. May lakad ba kayo?’’
‘’Oo anak. Isasama ako ng Papa mo sa kabilang bayan eh may party daw yung kasama niya sa opisina,’’ sabi ng Mama niya.
Her mother, Beatrice is a pastry chef, pero chef lang sa bahay nila dahil tumatanggap lang ito ng order at idinedeliver nito sa mga suki nito. Matagal na silang nagsuggest na gumawa sila ng maliit na bakery nito pero hindi ito pumayag dahil baka hindi raw nito kayang imaintain. Ang Papa naman niya na si Carlito ay isang Accountant Consultant sa Riverbank na siyang pinakamalaking bangko sa Legaspi.
‘’Ganun ba. Sige Ma ako ng bahala rito wala naman akong lakad ngayon.’’
‘’Nak may favor sana ako eh,’’ mukhang nag-aalangan pa itong magsabi sa kanya.
‘’Ano yun Ma?’’
‘’Nak, may delivery kasi ako ng cake sa San Roque eh. Nagawa ko na kaya lang mamaya pang 9 ipapadeliver yung cake. Pwede bang ikaw na muna ang maghatid anak?’’

BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
AçãoSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.