Chapter 54

3.9K 85 1
                                        

"Kuya bakit hindi mo sinabi sa akin na nagpapasok ng agents si Captain Morales? Ipapahamak mo na ba talaga kami?" nanggagalaiti sa galit si Gary habang kausap ang kapatid sa cellphone.

Halos sunod-sunod ang raid na ginawa ng mga pulis sa mga factory niya ng druga at noong isang araw lang ay tinambangan ang isang dumtruck ng ibibinta sanang capsules na druga sa kalapit na bayan. Mukhang nagiging agresibo na ulit ang kampo ni Morales na hindi man lamang nila napaghandaan dahil wala namang itinawag ang kapatid sa kanya.

"Bakit hindi ka na makasagot? Ilalaglag mo na ba kami ha, kuya?"angil niya sa kausap.

Narinig niya ang malalim na buntong-hininga ng kapatid sa kabilang linya.

"Magpalamig na muna kayo Gary, mukhang galit sa mundo si Liam ngayon ni hindi nga namin napaghandaan dito sa opisina ang sunod-sunod niyang operasyon. Ang balita ko mga dati niyang kasama na taga NBI ang mga tauhan niya ngayon."

"Galit sa mundo ha. Bakit kasama na ba kami sa mundo niya ngayon? Kapag hindi pa natigil ito alam mung sa kangkungan tayo babagsak kuya kaya mamili ka, ibabagsak mo si Morales o tuluyan na tayong babagsak. Kapag hindi ka pa kumilos kuya ako na ang kikilos. Ilang milyon na ang nawala sa akin dahil sa kanila."

"Gagawa ako ng paraan Gary. Sa ngayon huwag na muna nating sabayan ang panahon. Itigil na muna ang bentahan saka na tayo reresbak kapag kalmado ang kalaban."

"Gawin mo ang magagawa mo kuya dahil hindi ako makakapayag na tutunganga lang habang dahan-dahan tayong pinababagsak ng Liam na yan. Mas mabuting pareho naming tapusin ang maliligaya naming araw dito sa Legaspi."

"Gary, huwag kang padalos-dalos, makinig ka nga sa akin."

"Matagal na kitang pinakinggan kuya kaya naging ganito ang sitwasyon. Hindi na ako makakapayag na manalo ulit si Morales laban sa akin."

Pinatayan na niya ng tawag ang kapatid. Halos nawasak ang cellphone ng ihagis niya ito sa pader. Agad niyang sinenyasan si Tisoy na lumapit sa kanya.

"Manmanan ang mga taong ito. At pag binigyan ka ng pagkakataon, dukutin ang Cassie Bianca na ito. Tingnan ko lang kung hindi magkumahog ang buntot ni Morales para iligtas ang babaeng ito. At bantayan ninyo si kuya dahil lagi siyang nakabuntot kay Cassie Bianca. Its either dadalhin niya rito ang babae o tayo ang kukuha sa kanya. Sinasagad na talaga ni Capt. Morales ang pasensiya ko." nakakuyom ang palad na sabi ni Gary kay Tisoy.

"Areglado bossing. Walang problema dahil palagi ay nasa bahay lang naman ang babaeng ito. Madali na natin siyang makukuha."

"Good. The sooner, the better."

Gumuhit ang hindi maipaliwanag na galit sa mukha ni Gary ng mabasa ang natanggap na text sa hawak na isa pang cellphone. Nahuli na naman ang kontrabando nila ng mga awtoridad. Napatayo siya sa galit at pinagsisipa ang mga gulong na nasa malapit at itinumba ang mesang nasa harap nito.

"Magbabayad ka Morales, magbabayad ka," galit na galit na turan ni Gary.

*******

Gabi na ng maisipang umuwi nina 3D. Pagkatapos ng kainan ay nagkasundo silang magvideoke habang nag-iinuman sa sala. Wala ni isa man sa tropa ang nagbukas ng usapan tungkol sa nangyari sa safehouse. Parang wala lang din kay Homer na masayang nakikipagkwentuhan sa mga kasama. Pero palagay niya ay may ideya na itong lumipat ang grupo ng ibang hide-out.

Nabigla pa siya ng maramdaman ang biglang pag-akbay ni Homer. Katabi niya ito sa kabila habang si 3D naman sa kabila niya. Kahit naaasiwa ay pinilit niyang maging normal ang kilos. Nang mapansing paubos na ang pulutan ay nag excuse siya sa grupo at agad nagtungo ng kusina. Alam niyang nakasunod ng tingin sa kanya si 3D.

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon