Buong maghapon ng nakatambay si Cassie sa bakery ng Mama niya. Ngayong mangilan-ngilan na lang ang customer ay naisip niyang maupo sa isang tabi at nagbukas ng laptop. Kahit nakausap na niya si Sam noong isang araw ng sabihin nito sa kanyang extended ang leave niya ay mas lalo pa siyang nabalisa. Wala naman siyang nabasang kakaiba sa mga newsfeed niya sa FB tungkol sa Legaspi na very unusual para sa kanya. Isang linggo ng hindi niya macontact si Liam at ang tropa nila 3D.
''Anak, okey ka lang ba? Kanina pa hindi maitsura yang mukha mo eh," nag-aalalang sabi ng Mama niya na lumapit para bigyan siya ng shake.
Pinilit niyang ngumiti rito kahit alam niyang hindi ito maniniwalang okey lang siya. Naupo na ito sa tabi niya at hinarap siya kaya wala siyang nagawa kundi magsabi rito.
''Ang totoo Ma parang gusto ko ng bumalik ng Legaspi eh. Para kasing may tinatago sila sa akin. Parang may nangyayai doon na ayaw nilang malaman ko.''
Napakunot ang noo ng ina niya sa kanya. ''Bakit naman nila ililihim sayo anak eh kasama ka nila sa trabaho. Pwera na lang kung ayaw ka nilang mapahamak. Pero teka nga akoy naguguluhan na talaga sayo anak. May nangyayari ba sayo sa Legaspi kaya bigla ka na lang pinapunta dito ni Liam?"
Natameme siya. Agad siyang nag-isip ng isasagot sa ina dahil tiyak hindi ito papayag na bumalik siya ng Legaspi oras na malaman nitong nanganganib ang buhay niya roon. Ayaw niyang mag-alala ito at lalong ayaw niyang mapahamak ang mga ito gaya niya.
''Wala Ma. Ano namang mangyayari sa akin doon eh sa opisina lang naman ako ah. Syempre maraming krimen sa Legaspi at trabaho kung siguraduhin kahit papaano eh masolve ang mga iyon. Kaya lang naman ako pinagbakasyon ni Liam kasi masyado akong naapektuhan sa biglang pag-alis ni Homer tapos nag-away pa sila ni Liam dahil sa akin.''
Her mother eyed her suspiciously kaya napainum tuloy siya ng shake ng wala sa oras.
''Ikaw na bata ka siguraduhin mo lang na walang nangyayari sayo doon kundi hindi ka na namin pababalikin dyan sa pagpupulis mo na yan. Diyos ko naman Cassie Bianca, hindi kami naghirap ng ama mo para lang mapahamak ka.''
Agad siyang lumipat ng upo sa tabi ng ina at niyakap ito. Nararamdaman niya ang pag-aalala ng ina sa kanya kaya mas lalo niyang isinara ang bibig niya sa katotohanang may nagtatangka sa buhay niya.
''Mama, okey lang po ako. Huwag na po kayong mag-alala. Hindi ko po ipapahamak ang sarili ko pangako po yan. Mahal na mahal ko kayo ni Papa kaya ayokong mag-alala kayo okey. Sa ngayon sulitin na muna natin ang bakasyon ko.''
Hinalikan na lamang siya sa ulo ng ina kaya humilig siya sa balikat nito. Hanggang sa magsara sila ay hindi na niya ulit binuksan ang usapin tungkol sa Legaspi at pinilit na maging masaya sa buong gabi. Kinabukasan ay nanatili na muna siya sa bahay nila at nangakong susunod na lamang sa bakery sa tanghali. Naglilinis na siya ng kwarto niya ng makatanggap siya ng tawag mula sa kasama.
''Kuya thank God tumawag ka. Ano na bang nangyayari dyan? "
''Cassie, may dapat kang malaman. Si Liam wala na sa Intelligence, suspect siya sa pagsabog na naganap sa loob ng camp noong isang linggo. Under investigation siya ngayon.''
''Ano?" napatayo siya sa narinig at napatingin sa bintana. Kaya umalis ang binata ay dahil doon, pero bakit wala man lamang nagsabi sa kanya. ''Bakit walang sinabi sa akin si Ate Sam ng tumawag siya?"
''Hindi ko alam bunso baka ayaw lang ni Sam na mag-alala ka kay Liam. At may dapat ka pang malaman.''
''Ano yun kuya?"
''Si Lester. Under observation din siya at nasa ICU pa. Comatose siya hanggang ngayon. May nanambang sa kanya hinihinalang mga tauhan ni Gary. Pinalo ang ulo niya at binugbog pa siya. Himala na lang talaga na magigising si Lester bunso.''
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
ActionSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.