Chapter 30

4.5K 90 0
                                        

"Bullsh*t......." sigaw ni Gary habang inuubos ang isang magazine ng baril na hawak nito sa isang bakanteng lupa.

Wala isa man sa mga kasama nito ang nangahas na lumapit rito. Alam nila kung kelan mainit ang ulo nito at wala itong sinasanto oras na nagalit ito. Nasa malayo lang silang lahat nagmamasid sa lalaki habang patuloy ito sa pagpapaputok. Nang mapagod ay pinagtatapon naman nito ang mga bote ng alak sa ibabaw ng lamesa.

"Anong nangyayari rito?" malakas na sigaw ng kadarating lang na lalaki. Lalo namang natakot ang mga tauhan ni Gary ng makita siya. "Ano nga ang nangyayari? Bingi ba kayo? Bakit ninyo hinahayaan si Gary."

"Eh kasi boss baka kami naman ang paputukan ni Boss kung pipigilan namin siya," sagot ng isa na nasa tabi. Agad itong natumba ng masuntok ng kausap.

Patuloy lang sa pagwawala si Gary at hinayaan na lamang nila ito. Nang mapagod ito ay napaupo ito at alak naman ang pinagtuunan ng pansin.

"Gary."

"Anong ginagawa mo dito Kuya? Akala ko ba hindi nila makikita si Cathy. Akala ko ba wala na kayong balita tungkol sa kanya tapos sasabihin mo sa aking nasa poder ng tarantadong Morales si Cathy," sigaw ni Gary sa lalaking lumapit rito.

"Huwag mong ibunton sa akin yang galit mo. Hindi ako ang kalaban mo rito. Siguro nga naisahan tayo ni Morales ngayon pero masasagot ba ang mga tanong mo dyan sa ginagawa mo," ganting sigaw nito.

Biglang hinagis nito ang boteng hawak at pati ang mga nasa mesa ay pinagtatapon din ni Gary.

"Papatayin ko silang lahat Kuya. Papatayin ko si Morales pag may nangyaring masama kay Cathy. Papatayin ko silang lahat," sigaw ni Gary na nanglilisik ang mata sa galit.

Tinapik lang ito ng tinawag na kuya sa balikat.

"Mag-uusap tayo kung okey ka na. Sa loob lang ako," sabi nito na iniwan si Gary na patuloy lang sa pagwawala.

Pumasok ito sa loob ng warehouse at inabala naman ang sarili sa paghitit ng ipinagbabawal na gamot. Napapikit pa ito matapos maamoy ang gamot. Ilang sandali rin itong natulala bago tumayo na napailing-iling. Dumiretso ito sa isa pang kwarto kung saan nakatago ang mga bagong kidnap na college student at humila ng isang babae roon. Nagpumiglas naman ang babae na takot na takot. Malakas itong sinampal ng lalaki na napalumpasay na lang sa sahig.

"Ang arte-arte pa kasi. Tisoy, buhatin nga ito. Kumuha ka ng isa dalhin mo sa kwarto," sigaw nito na sinipa pa ang babaeng nakahandusay na nga sa sahig.

Nagsisigawan naman ang mga babae sa loob ng makapasok ang tinawag na Tisoy. Ilang sandali lang ay parang sakong binitbit ito ni Totoy palabas.

Nahimasmasan na si Gary pagkatapos ng walang humpay na pagwawala nito. Agad itong pumasok sa loob ng bahay at napaupo sa may sofa at uminum ng alak.

"Mukhang okey ka na ah," bati nito sa lalaking pawisan na lumabas ng kwarto.

"At ikaw mukhang okey na rin. Tapos na ba ang pagwawala mo?"

"Hindi matatapos ang pagwawala ko hangga’t nasa poder ni Morales si Cathy. Kukunin ko siya doon sa kahit na anumang paraan. Kailangan mo akong papasukin doon."

"Hindi ganun kadali Gary. Kailangan nating magplano kung ayaw mong mawala lahat ng pinaghirapan natin. Mukhang may pinaplano si Morales. May itinatago siya sa amin, nararamdaman ko. Gusto niya tayong itrap sa ginagawa nilang pain."

"Wala akong pakialam sa trap na yan," sabi ni Gary na sinuntok ang mesa.

"Kung gusto mong mahuli agad sige lang Gary lumusob ka sa safehouse na sinasabi ni Morales. Hindi mo ba naiintindihan? Bakit niya sinasabi kung nasaan si Cathy sa lahat? Dahil may naamoy na siyang may sumasabotahe sa kanya sa loob. Mag-isip ka nga. Huwag puro si Cathy  ang isipin mo. Gago ka," sabi nito kay Gary.

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon