Chapter 7

6.5K 176 6
                                    

Pagkatapos nilang kumain ay hinatid na ni Liam ang dalaga sa bahay nito. Mukhang okey na rin naman ang dalaga ng maihatid niya ito kahit kapansin-pansin pa rin ang minsang pagkakatulala nito. Dumiretso na siya  ng Camp Benigno para harapin si Samuel. Kailangan nilang i-interrogate ito para makakuha sila ng impormasyon tungkol sa lider ng mga ito.

Nagsilapit ang mga kasama niya ng makapasok na siya sa loob ng opisina ng Intelligence, mababakas ang pag-aalala sa mga mukha nito.

‘’Good afternoon Sir. Kumusta po si Cassie?’’ salubong ni Elgen sa kanya.

‘’She’s fine. Makakarecover din siya sa nangyari. Naihatid ko na siya sa kanila.’’

‘’Nakakaawa naman si bunso hindi pa naman yun sanay sa mga ganitong operasyon. Hindi ko maimagine yung horror sa mukha niya kanina,’’ sabi naman ni Vince na nakaupo sa isang tabi.

‘’Mas mabuti na ring masanay na siya. Who knows may mas malaki pang operasyon na kailangan natin ulit siya,’’ balewalang sagot ni Liam and continue walking towards his office. Bago isara ang pinto ay narinig pa niya ang sinabi ni Joseph.

‘’Ang tanga ko hindi ko agad napuntahan si Cassie. Di sana hindi sya namolestiya ng gagong yun. Sabi ko pa naman poprotektahan ko siya,’’ lulugo-lugong sabi nito.

‘’Tama na yan Joseph. Cassie is a tough girl alam mo yan. Tingnan mo sa Lunes pagpasok nun all smiles na yun sa accomplishment natin,’’ sabi ni Luis na tinapik si Joseph.

Napailing na lang si Liam at umupo na sa swivel chair. Bahagya niyang inikot-ikot ang upuan hindi makapagdesisyon sa gagawin. Napukaw ang atensiyon niya ng kumatok at pumasok si Jerry sa loob ng opisina. Sumaludo ito sa kanya.

‘’Sir, pwede na nating simulan ang interrogation kay Samuel. Napa medical na siya at nafile na namin ang kaso kaninang wala ka. Nasa safe house na siya,’’ imporma nito sa kanya.

‘’Sige susunod na lang ang tropa doon Jerry. Magpapahinga lang ako sandali. Or else mauna na kayo susunod ako.’’

‘’Maiiwan po si Elgen at Luis dito sa opisina Sir. Gusto po ninyo maiwan na lang si Joseph para may makasama kayo?’’ suhestiyon nito.

‘’No, no.. I can manage. Isama na ninyo si Joseph. And hintayin ninyo ako bago simulan ang interrogation okey,’’

‘’Copy that Sir. Mauuna na po kami,’’ sabi ni Jerry sabay saludo sa kanya.

Pagkasara ng pinto ay napapikit na sinandal ni Liam ang ulo sa upuan. Gusto niyang pansamantalang umidlip pero ang mukha ni Cassie ang nakikita niya. Ang mukha ng dalagang pilit nilalayo ang mukha kay Samuel. Gustong-gusto na niyang pasabugin ang ulo ni Samuel kanina ng makita niyang hawak na nito ang batok ng dalaga.

Nang hindi makatulog ay nagdesisyon ng tumayo si Liam at lumabas ng opisina. Pagbabayaran ni Samuel ang ginawa nito kay Cassie.

Ilang minute lang ay narating niya ang isa sa mga safe house nila. Dito madalas ginagawa ang interrogation sa mga high profile suspects na katulad ng Gary Gang. Pagbaba niya ay napansin niya si Joseph sa labas na naninigarilyo. Ng makita siya ay dali-dali nitong tinapakan ang sigarilyo at sinalubong siya.

‘’Nandito na pala kayo Sir. Kating-kati na po ang tropang masapak ang Samuel na yun.’’

Nagsalubong ang kilay na napatingin siya rito.

‘’Ang tropa ba talaga o ikaw Joseph.?Don’t mix your own personal feelings with our work Joseph tandaan mo yan. Standby ka na muna dito sa labas. Look-out ka,’’ sabi niyang nilampasan ang lalaking napakamot sa ulo.

Dumiretso na siya sa interrogation room at nakita niyang may piring pa rin sa mata si Samuel. Napatayo naman ang mga kasama ng makita siya. Sumenyas siyang ipasok sa loob si Samuel. Siya na mismo ang nagtanggal ng piring ng lalaki ng magsolo sila sa loob ng kwarto. Nakaposas pa rin ang lalaki.

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon