Chapter 17

5.6K 122 1
                                        

Quarter to 5 pa lang ay bihis na si Cassie. Dahil kahit anong gawin niya ay hindi siya makatulog kaya nagkasya na lang siyang tingnan ang lighthouse na natatanaw sa bintana niya. Nakajogging pants siya at nakasleeveless blouse na may hood. Nilagay na niya sa leeg ang headset na isinaksak sa cellphone niya at nagdesisyong lumabas ng kwarto. Magkakape na lang siguro muna siya habang hinihintay si Liam. Nagulat pa siya ng pagpasok sa kusina ay siya namang paglabas ni Liam na may dalang kape.

"H-hi..." nauutal niyang bati sa binata. Mukhang gaya niya ay wala rin itong tulog.

"Pupuntahan na sana kita eh. Gusto mo ng coffee?" alok nito sa kanya ng makabawi sa pagkabigla.

"S-sige. Ako na," sagot ng dalaga na nilampasan ang binata at naghanap ng maititimpla. Pinipilit niyang labanan ang panginginig ng kamay. Muntik pang matapon ang kape niya na agad nahawakan ng binata na nakasunod lang pala sa kanya. Ito na ang nagpatuloy ng pagtimpla ng kape sa kanya. Sinenyasan siya nitong maupo na lang  na sinunod naman agad niya. Inilapag nito ang kape sa harap niya.

"Sigurado ka bang kaya mo na? Malayo-layo din yun," tanong ng binata sa kanya. Maingat niyang hinigop ang kape at napapikit siya ng maramdaman ang init sa kanyang tiyan. Saka pa niya naalalang kasama niya ang binata kaya napadilat siya at napatingin sa natatawa nitong mukha. "Feeling better?" tanong nito sa kanya.

Ngumiti naman siya. "Yup, nainitan na rin ang tiyan ko."

"Good, alis na tayo if your ready. May gagawin ka pang cake para sa dessert contest ninyo diba?" paalala sa kanya ng binata. Napatampal siya sa sariling noo. Muntik na niyang makalimutang kaarawan pala ng lolo nito ng araw na yun.

Dali-dali na niyang inubos ang kape niya at sabay silang lumabas ng bahay. May trail naman daw papunta sa bundok at dumaan sila sa tabi ng dagat. Ng mapadaan sila sa lugar kung saan naganap ang hindi nila inaasahan kagabi ay napatingin sa kanya ang binata. Nilagay naman niya ang headset sa tainga niya at pinatugtog ang cellphone. Iniiwasan niya ang tingin ng binata.

Soon enough they were running up the hill. Nasa likod lang niya ang binata kaya pinipilit niyang magconcentrate sa pagtakbo. Ng mapansin naman nitong mukhang naiilang siya ay nilagpasan siya nito. Naging matulin ang ginawang pag akyat nito sa hagdan kaya wala siyang nagawa kundi sundan ito kahit hingal na hingal na siya. Oo at nag jo-jogging siya pero paminsan-minsan na lang dahil madalas siya sa zumba. Malapit ng sumikat ang araw at nakikita na niya ang lighthouse sa taas nila. Hinihingal na napahinto siya at nilingon siya ng binata.

"Come on Bianca. One more push malapit na tayo. Dapat maunahan natin ang sunrise," excited na sabi nito.

Tinanguhan lang niya ito at muling pinagpatuloy ang pagtakbo. Halos sumabog na ang dibdib ng dalaga ng maka-akyat sa tuktok. Nag inhale-exhale siya at nagjog in place para magcirculate lalo ang mga dugo sa katawan niya. Ang binata naman ay parang hindi naman hiningal na nakatingin sa ibaba ng dagat.

"Bianca, look," bigla nitong sabi sa kanya at may itinuro sa kanya sa bandang silangan. Lumapit siya rito and she exclaim in awe ng makita ang pagsikat ng araw.

"Wow ang ganda. Mapicturan nga," sabi niyang nilabas ang cellphone at kumuha ng ilang picture. Nag offer naman ang binata na kukunan siya ng picture.

Sandali niyang nakalimutan ang pagkailang sa binata. Tawa lang sila ng tawa na dalawa. Nagkaroon din sila ng mga picture na silang dalawa na puro wacky at background nila ang araw sa likod. Nilabas naman ng binata ang sariling cellphone at sa pagkagulat niya ay bigla siyang hinapit palapit.

"Smile" masayang sabi nito at napangiti na lang siya ng magflash ang CP nito. Napaupo sila sa gilid ng bundok. Nasa kabilang side pa pala ang lighthouse.

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon