Chapter 9

6.3K 157 2
                                        

Kahit mabigat pa rin ang pakiramdam ay pumasok pa rin si Cassie. Alam kasi niyang magiging busy ang opisina nila dahil sa kaso na ihahain nila para kay Samuel. Ngayong umaga lang ulit niya binuksan ang cellphone niya dahil nakalimutan na rin niyang i-on ito ng umalis si Liam kahapon. Nareplyan na niya ang ilan sa mga text ng mga kasamang pawang nag-aalala sa kanya.

Dumiretso na siya sa opisina at sa likod na siya dumaan dahil flag raising ng umagang iyon at alam niyang halos lahat ng personnel ay nandoon.Pagpasok sa opisina ay wala pang tao roon. Nilapag lang niya ang sling bag sa kanyang mesa at dumiretso na siya sa opisina ni Liam para maglinis.

As usual kahit busy ang boss niya ay organized pa rin ang loob ng office nito. Sinimulan na niyang maglinis, punas dito, punas doon kaya hindi na niya namalayang may pumasok pala. Napapitlag pa siya ng magsalita ito.

"I thought hindi ka pa papasok ".

Sa gulat ay nabitawan niya ang basahang pinangpunas sa isang shelf at nilingon si Liam.

"Goodmorning po."

Nilampasan siya nito at nagtuloy-tuloy sa harap ng mesa nito. Nakakunot ang noo nito ng mag angat ng tingin ang dalaga matapos damputin ang basahang nabitawan.

"Are you okay? Did I startle you? Masyado ka kasing engross sa pagpupunas."

Bahagya siyang nahiya sa sinabi nito.

"Im fine Sir. Hindi ko lang napansin na pumasok kayo."

"Are you sure?"

"Yes Sir Im sure. At isa pa mabobore lang ako sa bahay pag hindi ako pumasok."

"Ah, okey." simpleng sagot nito at nagbasa na ng mga papeles na nasa mesa nito.

Tinapos na niya ang ginagawa pagkatapos ay dali-dali ng lumabas. Bago lumabas ay hinarap muna niya si Liam.

"Sir aasikasuhin ko na po ba ang filing ng case ni Samuel?"

Sandaling natigilan ito at hindi makatingin sa kanya ng diretso.

"Si Joseph na ang magpaprocess ng case, Bianca. Huwag mo ng alalahanin yon."

Siya naman ang natigilan. Paano naman kasi eh sila ni Sam ang usual na nagpaprocess ng kaso ng mga nahuhuli nila dahil office personnel sila. Nagpaalam na siya sa binata at dumiretso sa kusina para iligpit ang gamit sa panglinis. Paglabas niya ng kusina ay siya namang pagpasok ng mga kasama niya.

Isa-isa siyang niyakap ng mga ito at nangumusta kung okey lang siya.

"Kumusta ng pakiramdam mo anak? Nag-alala kami ng hindi ka man lang nagreply sa amin," sabi ni Jerry.

"Okey ka lang ba bunso? " sabi ni Elgen.

"Mga kuya okey lang ako. Okey na okey huwag na kayong mag-alala okey. At pasensiya na wala akong load kaya hindi ko kayo nareplayan."

"Anong walang load eh unattended ka nga eh," sabat ni Joseph na nasa isang tabi at bukod tanging hindi yumakap sa kanya.

"Oo nga alam mo bang buong Sunday hindi makakain at makatulog itong si Joseph dahil sayo?" nakangising sabi ni Luis na siniko ni Joseph.

Napailing-iling na lamang si Cassie.

"Kasi alam kung mangungulit ka lang Joseph kaya pinatay ko ang cellphone ko. Okey na ako."

Nagtawanan na lamang ang mga kasama niya samantalang napakamot ulo na lang si Joseph.

Naupo na siya sa kanyang mesa at inayos ang mga papeles niya.

"Cassie," matinis na tili ni Sam na kadarating lang. Mukhang hindi rin ito sumali sa flag raising dahil hindi ito  nakauniform. Napatayo siya para salubungin ito. Niyakap siya ng mahigpit nito.

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon