Chapter 71

5.6K 105 0
                                        

''Gracy will be delighted,'' nakangiting sabi ni Liam sa kanya sabay halik sa kamay niya. Nagmamaneho na ito pabalik ng monasteryo matapos nilang dumaan sa isang restaurant para kumain na muna ng tanghalian.

''Eh, pwede bang huwag na muna nating sabihin sa kanila yung tungkol sa atin.''

''Bakit hindi?" nagtatakang tanong ng binata sa kanya.

''Kasi, I think Corrine is still in love with you. Kinausap niya ako noong isang araw eh. Wala naman kasi siyang alam tungkol sa nakaraan natin. At isa pa hindi naman talaga naging tayo noon diba. I mean, hindi gaya ng sa inyo ni Corrine.''

Hininto ni Liam ang kotse sa tabi at hinarap siya.

''Alam na ni Corrine na wala na akong nararamdaman sa kanya. I made it clear to her noong bumalik siya ng Pinas. Magkaibigan na lang ang turing ko sa kanya at malaki rin naman ang naitulong niya sa akin para makayanan na hindi ka puntahan ng Cebu lagi.''

''Pero hindi naman yun ang iniisip niya. Babae din ako Liam, kaya alam kung may pagtingin pa rin siya sayo at umaasa siyang magkakabalikan kayo.''

''Kaya nga sasabihin ko na sa kanyang okey na tayo para huwag na siyang umasa.''

''Masyadong mabait si Corrine para bigla na lang nating saktan. Dahan-dahan na lang muna nating ipaalam sa kanila ang tungkol sa atin, please. Hayaan mong ako ang kumausap sa kanya.''

''Okey, okey. But make sure to make it fast. Baka kasi mabasag ko na ang bungo ng Daniel na yun sa kakapacute sayo. I got a feeling na minamatch-make kayo ni Corrine.''

Pinisil niya ang pisngi ng binata at agad na hinalikan sa pisngi. ''I miss you. I really miss you. Namiss ko yang pagiging suplado mo.''

Hinawakan naman ng binata ang leeg niya at hinalikan na naman siya sa labi. ''And I miss you more kaya tumigil ka sa kakapacute sa akin dahil baka hindi na kita maiuwi ng monasteryo nyan.''

''Loko nito, walang magluluto doon kung hindi mo ako iuuwi.''

''But I want to spend more time with you. Ayoko ng masayang ulit ang panahon na magkasama tayo. Ayoko ng madagdagan na naman ulit ang tatlong taon na yun.''

''Patience Liam, patience. Oo nga pala, congrats nga pala sa pagiging Major.''

Umayos na ulit ito sa pag-upo at nagpatuloy sa pagmamaneho.

''Thanks eventhough I think I don't deserve that promotion. Para sa akin mas mahalaga pa rin na sanay nailigtas ko si Homer at hindi ka nawala sa akin ng tatlong taon.''

''Pero hindi naman ako nawala sayo eh. Nandito pa rin naman ako.''

''Alam ko. Tama nga ang Papa mo mas mabuting hinayaan nating maka move-on ang isat-isa. But promise me one thing,'' sabi ng binata na inabot ang kamay niya.

''Ano yun?"

''Na hindi mo na ulit ako tatakbuhan ever again. Alam mo bang sinisi ko ang sarili ko kung bakit nakidnap ka nina Jerry at Gary noon. After I left you in Cebu, dapat kinausap na kita agad para hindi ka mag-alala. Tell me, inakala mo siguro tinakbuhan na kita ano? After what happen?" seryosong tanong sa kanya ng binata na nagpapula ng pisngi niya.

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon