Naalimpungatan si Cassie mula sa pagtulog, medyo nangalay na nga ang paa niya na nakabaluktot ng mahiga siya sa sofa. Nanaginip siyang may kumakatok sa pinto pero habang dahan-dahan niyang iminulat ang mata ay naroon pa rin iyon. Napatingin siya sa cellphone na nasa mesa at tiningnan iyon. 3:30 na ng madaling araw, napatingin siya sa pinto ng makarinig ulit ng mahihinang katok. Medyo kinabahan siya, wala naman kasing ibang nakakaalam na naroroon siya kundi si Luis lang.
Lumapit siya sa pinto at nakinig lang muna ng kumatok na naman ang nasa labas.
''Sino yan?"
''Bianca, it’s me.''
Nakahinga siya ng maluwag ng marinig ang boses ni Liam. Ang naiinip na mukha nito ang nakita niya ng buksan niya ang pinto na napalitan ng pag-aalala ng makita siyang magulo ang buhok.
''Sorry nagising kita. Ang hirap mo palang gisingin....''
Agad niyang niyakap ang binata na ikinabigla nito. Nakatulugan na lang kasi niya ang pag-iisip ng kung ano-ano...
''Hey, are you okey?" nag-aalalang sabi ni Liam sa kanya na hinapit siya palapit at hinagod-hagod ang likod niya.
''I'm okey. I'm just glad you are here.''
''Saan naman ako pupunta aber?" tanong ng binata ng bahagya siyang ilayo nito.
''Wala baka kako nagbago na ang isip mo at sumama ka na kay Corrine, ewan ko.''
Napangiti itong hinawakan ang kamay niya at giniya siya papasok ng bahay matapos isara ang pinto. Naupo ito sa sofa at hinila siya paupo sa kandungan nito. Nilagay pa ng binata ang kamay ng dalaga sa leeg nito.
''What are you thinking? Yung totoo,'' sabi ng binata sa kanya na hinawakan pa ang mukha niya paharap dito.
''Wala naman talaga eh. Natakot lang ako bigla na baka naawa ka kay Corrine or narealize mo bigla ng habulin mo siya palabas kanina na siya pala yung talagang mahal mo at hindi naman talaga ako.''
''Sino bang nag utos sa akin kanina na habulin ko sa labas si Corrine?"
''Ako nga kasi baka mapahamak yung tao sa labas at isa pa palagay ko dapat may sabihin ka sa kanya after malaman niya sa hindi magandang paraan ang lahat. She deserves a good explaination anyway. Okey na ba siya?"
Umiling-iling si Liam na binitiwan ang mukha niya at isinubsob naman ang mukha sa may dibdib niya. Tumatagos sa balat niya ang mainit na hininga nito na nakapagdulot ng init sa katawan niya. Naramdaman niyang ipinulupot nito ang kamay sa may baywang niya.
''Eh nasaan na siya ngayon? I mean is she safe?"
Tumuwid muna ito ng upo pero nasa baywang pa rin niya ang kamay nito.
''After we talk she walk away again at hindi ko na siya sinundan. Kailangan niya ring mapag-isa na muna. I called Daniel to fetch her at hinintay ko pa ang text niya na nakita na niya si Corrine at sa isang hotel sila tumuloy bago kita hinanap.''
Muli nitong isinubsob sa leeg niya ang mukha nito. This time binibigyan na nito ng maliliit na halik ang leeg niya na ikinatindig ng balahibo niya.
''Bakit hindi ka sa beach house nagpahatid?'' mahinang tanong sa kanya ni Liam.
Napakagat-labi siya ng walang rumehistrong sagot sa utak niya. Nawiwindang siya sa ginagawa ni Liam kaya bahagya niyang nilayo ang leeg pero nahuli naman ng binata ang kamay niya at hinawakan ito at binalik sa leeg nito.
''Matagal na kasi akong hindi nadadalaw rito eh at isa pa hindi ako komportable sa beach house mo. Sabi ni Luis itetext ka nya.''
''Bakit hindi mo ko itinext?" tanong ulit nito na pinadaan ang mga kamay sa kamay niyang nasa leeg nito pababa sa baywang niya. Bigla siyang hinapit nito palapit at muling isinubsob ang mukha sa leeg niya. Nilalaro ng dila nito ang isang bahagi ng leeg niya.
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
AcciónSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
