Kanina pa gising ang diwa ni Cassie or rather simula pa kagabing wla siyang tulog. Sarado pa rin ang mga bintana at kurtina niya sa loob ng kwarto kaya madilim pa rin sa loob plus hindi pa niya binubuksan ang ilaw. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang pagmumukha ni Samuel, ang ginawa nitong paghihipo sa kanya at ang muntikang paghalik nito. Isinubsob niya ang mukha sa kanyang unan. Hindi pa rin naman nakakauwi ang mama at papa niya kaya hindi siya nag abalang bumaba ng bahay. Ini off din niya ang cellphone niya kagabi pa dahil panay ang tawag at text ng mga kasama niya na alam niyang nag-aalala sa kanya. Ayaw niyang malaman ng mga itong apektado pa rin siya sa nangyari. She was almost rape kung tutuusin.
Napabalikwas siya ng marinig ang mahihinang katok sa pinto. Napatingin siya sa pambisig niyang relo at nanglaki ang mga mata ng makitang tanghali na pala.
"Cassie Bianca, anak. Gising ka na ba?" maya-maya ay narinig niyang tawag ng ina na sinabayan ng mahihinang katok.
Pinilit niyang tumayo at hindi na nag abalang mag ayos ng sarili at binuksan ang pinto. Ang nag-aalalang mukha ng ina ang nabungaran niya.
Nagtaka pa ito ng masilip ang madilim niyang kwarto.
"May sakit ka ba? Kagabi ka pa raw hindi kumakain sabi ni manang. Tanghali na hindi ka pa din bumababa. May lagnat ka ba?" sabi ng mama niya na sinalat pa ang kanyang noo.
She fake a smile.
"Medyo masama lang ang pakiramdam ko Ma pero uminum na po ako ng gamot. Kadarating lang ba ninyo?"
"Oo kadarating lang namin. Nagpapahinga pa ang Papa mo. Bakit ka uminum ng gamot eh hindi ka pa kumakain?"
"Okey lang ako Ma. Mag aayos lang ako tapos baba na rin ako para kumain. Pahinga na po kayo."
"Cge na mag ayos ka na muna at ipagluluto kita. And please open your windows para mahanginan ka naman at hindi ka tuluyang magkasakit. Sige na."
"Okey ma susunod po ako."
Mataman muna siyang tiningnan ng ina bago bumaba para magtungo sa kusina. Sinarado niya agad ang pinto at muling nagdive sa kama niya. Parang ngayon lang siya nakaramdam ng antok kaya hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya.
*******************
Sandaling natigilan si Liam sa balak na pagbaba ng kotse. Napatingin siya sa bahay at nagtaka naman siya sa sarili kung bakit nagpunta siya roon gayong madami pa siyang aasikasuhin sa opisina. Matapos siyang iwan ni Homer sa condo ay sinubukan niyang tawagan si Cassie pero off pa rin ang phone nito. Nakaramdam na rin siya ng pag aalala para sa dalaga.
Maayos naman niyang hinatid ito kahapon sigurado siya pero mukhang apektado pa rin ang dalaga kahit hindi nito sinasabi sa kanya. Bago pa magbago ang isip ay bumaba na siya ng kotse inayos ang suot na bullcap at diretsong pumunta sa bahay ni Cassie. Ilang beses pa siyang nag doorbell bago may nagbukas ng pinto. Naka apron pa ang may katandaan na ring ginang na sigurado siyang ina ng dalaga. Magkapareho kasi sila ng mata. Medyo kumunot ang noo nito na pinagmasdan siya kaya tinanggal niya ang sombrero at ngumiti sa ginang.
"Magandang tanghali po. Liam Morales po kasama ni Cassie sa opisina. Nandiyan po ba siya."
Medyo nagliwanag ang mukha nito at agad siyang pinagbuksan ng pinto pero hindi pa pinapasok.
"Naku pasensiya ka na iho eh ngayon lang kasi kita nakita halos kilala ko na kasi ang mga kasama ni Bianca sa opisina. Kung hindi ako nagkakamali ikaw si Kapitan diba?"
Napangiti si Liam sa sinabi nito. Mukhang may ideya na pala ito kung sino siya.
"Ako nga po ma'am. Nandyan po ba si Cassie?"

BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
ActionSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.