Nagising siya ng maramdamang yumugyog ang kama niya. Napatihaya siya mula sa pagkakahiga at naupo naman sa tabi niya ang three piglets, este ang tatlong pinsan ni Liam. May mga curler ang mga buhok ng mga ito.
"Wake up sleeping beauty. We need to dress up na," sabi ni Jackie sa kanya.
Napadako ang tingin niya kay Gracy na nasa baba niya. Nakangiti na itong nakatingin sa kanya at naisip na naman niya ang narinig niya kanina. Mukhang kailangan niya itong kausapin pag may time siya.
"Sorry nakatulog pala ako. Anong oras na ba?" tanong niya sa mga ito.
"Past six kaya may isang oras ka ng pahinga kaya go na maligo ka na dahil amoy pawis ka. And kami na ang bahala sayo. Mga mga papables na bisita si Tito at Tita mga taga kabilang resort," excited na sabi ni Pearl na nakihila na rin sa kanya.
Wala na siyang nagawa kundi tumayo at nagpunta sa banyo. Dali-dali siyang naligo dahil ala syete nga pala ang simula ng party ni Lolo Mariano. Paglabas niya ay nakalatag na ang puting damit na lampas tuhod yata ni Cassie. Napangiti siya sa sarili. May damit naman siya pero na-apreciate niya ang effort ng mga ito sa kanya. Kaya hindi pa man natatapos ang bakasyon nila ay nalulungkot na siya.
Pagkatapos patuyuin ang buhok ay isinuot na niya ang damit. Hapit na hapit ito sa baywang niya. Nagpaikot-ikot siya sa harap ng salamin ng pumasok si Gracy.
"You’re beautiful Ate. Sorry for not knocking."
"No its okey Gracy. Thanks for the dress. Its beautiful."
"Thank Kuya Liam for that dahil siya naman ang nagbigay nyang damit na suot mo. Tulog ka daw kasi ng pinuntahan ka niya kanina."
Napatingin siya sa dalaga. "What? Nagpunta siya rito kanina? My gosh ano naman kayang itsura ko habang natutulog."
"Hahaha. Tulo laway ka Ate," sabi ng dalaga na sinimangutan niya. "Hindi joke lang, your still beautiful kahit tulog. Come aayusin natin yang buhok mo para hindi naman masayang ang effort ni Kuya."
Tiningnan niya ang dalaga sa harap ng salamin. Masaya itong kinucurl ang ilang hibla ng buhok niya. Mukhang ito na ang tamang panahon paa tanungin niya ito. Napabuntong-hininga siya kaya napatingin ang dalaga sa kanya with a questionable look.
"You okey ate?"
"Am... yah, yah...."
"May itatanong ka ba sa akin ate?" masuyong tanong nito sa kanya kaya sinalubong niya ang tingin nito. Its now or never. Bahala na.
"Gracy, sino si Corrine?"
Nakita niyang natigilan ito, rumihestro ang pag-aalinlangan sa mukha nito. Napayuko siya at nakita niyang pumunta ang dalaga sa pinto at inilock iyon at muling bumalik sa likod niya.
"Sorry for asking. You dont have to answer," sabi niya rito.
Bahagyang ngumiti ito. "You heard us right? Ikaw yung nasa may pinto ng kwarto ni Ate Leslie kanina," nakangiting sabi nito sa kanya.
Nakaramdam siya ng hiya rito. "Sorry ha I didnt mean to eavesdrop pero kasi narinig ko ang pangalan ko," sabi niyang yukong-yuko hinahawakan ang laylayan ng palda niya.
Naramdaman niyang hinaplos ng dalaga ang buhok niya. "Corrine is Kuya Liam's girlfriend for five years or should I say suppose to be fiance."
Napa-angat ang tingin niya rito. Pinagpatuloy naman nito ang ginagawa sa buhok niya.
"Nasa Australia na siya ngayon nagtuturo sa mga bata. Mahal na mahal ni Kuya yun kaya lang ng hinahabol na si kuya noong isang gang na napatay ata niya ang kasama ay biglang nagbago ang lahat between them. Mukhang balita ko nanganib daw ang buhay ni Corrine mukhang gumaganti yung mga kaaway niya thru Corrine. Kaya ayon, para ilayo sa kapahamakan si Corrine gumawa siya ng scene para mapaniwala itong nagloko siya. Every night ibat-ibang babae ang kasama niya at palagi siyang lasing. Noong una naiintindihan pa siya ni Corrine pero noong huli ay nakipagbreak na ito sa kanya ng mahuli nya si Kuya sa condo nito naked with another girl. Sa palagay namin sinadya talaga ni Kuya yon and the next thing we know lumipad na pa Australia si Corrine. Classmate siya ni Leslie during college at si Leslie ang naging tulay nila at hanggang ngayon siya pa rin ang nagsisilbing reporter ni Kuya tungkol kay Corrine. Single pa rin kasi daw ito."
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
AksiSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
