First time yatang napakanta si Cassie habang naliligo sa banyo, why she feels so alive simula pa lang ng magising siya kanina. Matapos maligo at makapagsuot ng roba ay humarap na muna siya sa salamin at pinablow-dry ang buhok. Habang pinapahanginan ang buhok ay muling bumalik sa alaala nya ang nangyari kagabi. Awtomatikong napahawak siya sa magkabilang pisngi na ngayon ay namumula. Ayaw man niyang aminin pero umaapaw sa tuwa ang puso niya. At dahil iyon sa lalaking nasa baba na hindi siya pinatulog ng maayos sa pag-iisip lalo pa at nag goodnight pa ito sa text kagabi.
Sumunod niyang pinuntahan ang aparador niya at doon nagtagal sa kakapili ng isusuot na damit. And at the end she settled in a mini dress na minsan lang niyang isuot. Pagbaba niya ng hagdan ay nasa sala ang Papa niya at nagbabasa ng dyaryo. Sinundan pa siya ng tingin ng ama hanggang sa makalapit siya rito at nag good morning.
"May lakad ka ba?" tanong nito sa kanya na hindi inaalis ang tingin.
"Wala Pa. Bakit nyo naman nasabi yan?"
"Mukha ka kasing pupunta ng date eh. Ang aga-aga pa naman."
"Si Papa naman nakadress lang may date na agad. Wala na akong dalang ibang damit eh."
"Hindi kaya may pinapagandahan ang dalaga ko," pasaring ng ama na nagpapula ng pisngi niya. "Anung oras na ba kayo nauwi kagabi? Mukha umaga na ah. At napaaway daw si Liam dahil sayo."
Nakagat niya ang labi. Nagsumbong siguro si Agnes kagabi kaya nalaman ng ama.
"Eh kasi Pa......"
"Eh kasi Carlito masyadong sexy ang suot ng anak mo kagabi habang nasa disco. Pinagtanggol lang naman siya ni Liam eh," biglang singit ng Mama niya na hinapit pa siya sa baywang.
Hinalikan niya agad sa pisngi ang ina at pabulong na nagpasalamat rito.
"Kaya yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Huwag na kasi kayong punta ng punta sa mga bar at disco na yan dahil mapapaaway lang kayo. Buti nandoon si Liam."
Nagpalinga-linga naman siya sa paligid ng hindi makita ang binata. Sigurado naman siyang hindi pa ito tulog dahil mag aalas syete na rin naman. Mukhang nahalata yata ng ina ang mapanghanap na mata niya.
"Nag jogging lang sila ni Allan. Mukhang pabalik na rin yun kasi kanina pang alas singko lumabas ang mga yun eh," pag iimporma ng ina nya na tiningnan siya ng makahulugan. "Tulungan mo nga muna akong magluto ng agahan para makakin tayo pagdating ng dalawa."
Agad naman siyang sumama sa ina sa kusina kahit alam niyang nakapaghanda na tiyak ito ng agahan. Nagluluto pa pala ito ng pancake ng marinig ang usapan nila ng ama.
"Buti hindi nasunog itong pancake mo Ma."
"Saan ba kayo galing at mag uumaga na yata kayong nakauwi?" tanong ng ina sa kanya.
"Sa boulevard Ma. Nagpapalipas lang ng galit si Liam hindi ko naman siya pwedeng iwan mag-isa diba kaya sinamahan ko na."
"Anak, alam ko mahal mo si Liam pero huwag mo namang basta isuko na lang ang sarili mo sa kanya."
"Mama naman wala naman pong nangyari sa amin kagabi," natataranta niyang paliwanag sa ina.
"Alam ko naman yun eh. Hindi iyon ang ibig kung sabihin. Ang akin lang huwag mong ipakita sa kanya ng hundred percent kung gaano mo siya kamahal. Mas mabuti pa rin iyon malalagay sa utak nya na hindi sa lahat ng panahon eh makapaghihintay ka sa kanya. Magpakipot ka naman kunti ha."
"Si Mama talaga. Alam ko naman po kung saan ako lulugar huwag kayong mag-alala."
Hinawakan siya ng ina sa pisngi at napaharap siya rito.
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
AcciónSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
