Nakakatatlong palabas na si Cassie bago niya maisipang lumabas ng sinehan. Napangiwi pa siya ng makitang mag-aalas diyes na pala ng gabi tiyak nag-aalala na si Sam sa kanya. Dumaan na muna siya sa isang payphone at mabilis na idinial ang numero sa bahay ni Sam pero ring lang ng ring ito pero wala namang sumasagot. Uuwi na muna siya sa bahay at doon na lang tatawagan ulit ang kaibigan. Ayaw din naman niyang mag-alala si Manang sa kanya at baka magsumbong pa sa mga magulang niya.
May mangilan-ngilan pa din namang naghihintay ng masasakyan kaya hindi siya nag-alala sa kaligtasan. Dala naman naman niya ang firearms niya at naipanalangin niyang wala ang stalker niya ng mga sandaling iyon. Nagiging reckless na yata siya at tiyak sermon ang aabutin niya kay Sam at kay 3D sa hindi niya pagkontak sa mga ito. Napa-atras siya ng nasilaw ng headlight ng paparating na motor. Napahawak siya sa sling bag at kinapa ang baril sa loob niyon.
Nakahawak na siya sa baril ng huminto sa harap niya ang XR motor at tinanggal ng driver ang helmet nito. Nakahinga siya ng maluwag ng makita si Sgt Jerry.
"Kuya," relief na tawag niya sa lalaki. "Tinakot mo ako doon ah."
Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa kanya.
"Anong ginagawa mo rito? Sabi ni Sam may sakit ka kaya ka absent."
Nakagat niya ang pang ibabang labi at napayuko.
"Sumakay ka na at ihahatid na kita. Gabi na nasa labas ka pa," sabi ni Jerry sa kanya.
"Hindi na kuya. Out of the way ako malalayo ka na sa inyo," pagtanggi niya sa kasama.
"Alangan naman iwan kita rito ng mag-isa. Madami namang gasolina itong motor ko eh. At gutom na rin ako naghahanap talaga ako ng restaurant na bukas wala ng pagkain sa bahay eh samahan mo na rin akong kumain para may makausap ako."
Napayuko na naman siya sa hiya sa lalaki. Parang ama na rin nila si Sgt Jerry at alam na nito kung kelan hindi sila okey. At dahil namimiss na rin niya ang ama ay pwede na rin munang gawing substitute si Sgt Jerry pansamantala.
Inabutan siya ng helmet nito na agad niyang isinuot. Humantong sila sa 24hours Jollibee store at ito na ang nagorder para sa kanilang dalawa. Wala silang kibuan habang kumakain. Pasulyap-sulyap lang si Jerry sa kanya. Alam niyang hindi naman namimilit ito na magkwento siya at naghihintay lang ito na sila mismo ang magbukas ng usapan kung may problema sila.
"Sorry kuya ha. Wala naman talaga akong sakit eh," basag niya sa katahimikan.
"Alam ko wala kang sakit sa katawan. Sakit sa puso siguro meron," makahulugan nitong sabi na nagpapula ng mukha niya.
"Hindi naman," nahihiya niyang sabi rito.
"Cassie, para na rin kitang anak. Sa ilang taong magkasama tayo sa opisina alam ko kung kelan kayo may problema, kung kelan kayo masaya at kahit nga kung kelan kayo kiligin. Ngayon lang kita nakitang ganito, laging malungkot."
Bahagya siyang ngumiti sa lalaki.
"Alam mong lagi lang akong nandito para sa inyong lahat, lalo ka na dahil wala ang mga magulang mo rito kelangan ka naming bantayan. Kumusta ka na nga ba ha Cassie Bianca?" nag-aalalang tanong ni Jerry sa kanya na mataman siyang tiningnan.
Gusto niyang umiyak at sabihin rito ang lahat ng nangyayari. Si Jerry ang isa sa mga pinagkakatiwalaan niya sa opisina, well actually lahat naman pinagkakatiwalaan niya noon pero ng dumating si Liam ay nagkaroon na ng agam-agam ang puso niya. But having this conversation with Jerry ay gumagaan ang bigat ng loob niya at tiyak niyang makikinig ito sa kanya.
Nakita na lamang niya ang sariling ibinabahagi sa lalaki ang nararamdaman niya para kay Liam at ang naging away nito at ni Homer. Inabutan pa siya ng panyo ng lalaki at saka pa niya napansing umiiyak na pala siya.
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
AçãoSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
