Hindi naiwasan ni Cassie na maiyak habang hinahatid ang mga magulang sa airport. Kasama niya si Sam at Lester ng mga oras na iyon. Tumawag na sa kanya at sa mga magulang niya si Homer na hindi ito makakarating sa airport. May programa kasi sa city hall at ito ang team leader doon.
"Anak naman tigilan mo na nga ang pag-iyak baka hindi na ako tumuloy sa ginagawa mo eh," sabi ng mama niya sa kanya na pinipigilan din ang maiyak habang yakap-yakap siya.
"Si Mama naman hayaan na ninyo ako. Mamimiss ko talaga kayong dalawa. Huwag ninyong kakalimutang tumawag lagi ha."
"Naku at kami pa ang huwag makakalimot na tumawag. Dapat ikaw itong tatawag lagi para hindi kami mag-alala sayo."
"Tama na nga kayong dalawa at masama ang umiiyak pag may biyahe," saway ng ama niya na niyakap silang mag-ina. "Pero ikaw ha Cassie Bianca, huwag mong papabayan ang sarili mo rito. Kumain ka ng tama sa oras at baka naman maglakwatsa ka na dahil wala kami. May CCTV, sinabihan ko na si Homer na tumawag lagi sa amin."
"Papa naman pati ba si Homer dinamay mo pa. Kaya ko na ang sarili ko. Nandito naman si Sam at ang mga katrabaho ko," sabi niya sa mga magulang.
"At nandito rin po ako Tito, Tita."
Sabay pa silang napalingon lahat sa nagsalita. Si Liam ang nakita nila na may pawis pa sa noo, mukhang nagmamadali talaga ito.
"Pasensiya na po nahuli ako."
Nakangiting sinugod ito ng yakap ng ina na pinagtaka nilang lahat. Pero si Sam at Lester ay ngingiti-ngiti lang sa isang tabi.
"Its okey Iho, salamat at nakahabol ka pa rin," sabi ng ina niya matapos bitawan si Liam. "Talagang hindi na ako mag-aalala ngayong alam ko na nandito ka."
"Wala po iyon Tita. Mag-ingat po kayo doon ni Tito."
Tahimik lang siya habang nakamasid sa ina at kay Liam, ni hindi na niya namalayan na tinatawag na ang flight ng mga magulang. Muli ay hindi niya napigilang umiyak habang yakap siya ng ama na humahalik naman sa noo niya.
"Naku ang anak ko masyadong iyakin. Tahan na anak."
"Mamimiss ko lang po kasi kayo."
Nakatago lang siya sa dibdib ng ama at naramdaman niya ang kamay ng ina na nakahagod sa likod na.
"Tama na Bianca. Pag hindi ka pa tumigil hindi na talaga kami tutuloy," pananakot ng ina sa kanya na kahit papaano ay nagpangiti sa kanya.
Nagulat pa siya ng ibigay ng ama niya ang kamay niya kay Liam na nasa tabi pala nila.
"Captain, kung hindi naman nakakaabala sayo, sana huwag mong pabayaan ang baby namin. May tiwala akong hindi siya mapapahamak sa kamay mo at sa mga kaibigan niya."
Tinanggap naman ni Liam ang isang kamay niya pero ang isa naman ay nakayakap pa rin sa baywang ng ama.
"Makakaasa po kayo hindi namin pababayaan ang anak ninyo. Come on Bianca, kailangan ng umalis nila Tito at Tita," sabi ni Liam sa kanya na lalo lang nagpa-iyak sa kanya. Binitiwan na rin ni Liam ang kamay niya kaya yumakap pa siya sa ama at pagkatapos ay sa ina niyang umiiyak na rin.
"Mama,mag-ingat ka doon ha. Huwag ninyong aawayin lagi si Papa."
"Hindi ko naman inaaway ang Papa mo eh. Ikaw talaga. Huwag ka din makikipag-away kay Liam ha. Nangako siyang aalagaan ka niya."
Napabitiw siya sa ina at napatingin rito.
"Kinausap ninyo siya?" tanong niya sa ina na tumango lang. Napatingin siya kay Liam na masinsinang kinausap ng ama. "Mama naman nakakahiya. Hindi na ninyo dapat ginawa yun."
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
ActionSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
