Chapter 72

5.2K 86 2
                                        

Sa isang bagong bukas na bar sila humantong ng gabing iyon. Mag-iisang buwan pa lang daw ang Body Shots Bar sabi sa kanila ni Luis na siyang tour guide nila ng gabing iyon. Pagpasok nila sa loob ay dinala sila ng binata sa isang VIP lounge. Katabi niya ito na nagkukwento ng tungkol sa latest updates sa opisina nila sa campo. Nasa Intelligence division pa rin kasi ito at ayon pa sa lalaki ay hindi na raw gaya ng dati kasaya ang opisina lalo na at sila na lang ni Elgen ang naiwan sa mga dating kasama nito.

Nalungkot man sa pag-alis niya ay masaya na rin daw itong mukhang okey na siya. At hindi rin nito naiwasang itanong kung okey lang ba sa kanyang kasama niya si Liam at ang ex nito. Hindi na lamang siya nagkomento kaya napunta na sa ibang usapan at nakisali na sina Corrine at Daniel na nakapag order na ng drinks.

Dahil friendly si Luis ay madali itong nakagaanan ng loob ni Gracy kaya nalipat ang atensyon ng dating kasama sa dalaga. At siya ngayon ay kaharap na sina Liam at Corrine habang nasa tabi niya si Daniel na masayang nagkukwento sa mga past experiences nito. Tatango-tango lang si Liam na panay ang tunga sa beer na nasa harap nito. Siya naman ay hindi naiwasang inumin ang beer na nasa harap niya. Hindi niya naiwasang kabahan ng maramdaman ang kamay ni Daniel na nilagay nito sa likod ng upuan niya. Nakita niya ang pagtangis ng bagang ng binata, she tried to smile to him trying to calm him.

''Liam, come on let’s dance. Guys sayaw naman tayo. Wala nang masyadong tao sa floor oh,'' yaya ni Corrine sa kanila maya-maya na kinakalabit pa ang braso ng binata.

Nakikita niyang tatanggi ito kaya tumayo na siya at niyaya si Corrine at hilahin si Gracy kasama nila. Noong una sila lang tatlo ang nagsasayawan hanggang sa sumali si Luis sa kanila na naging instant partner ni Gracy. Nilapitan naman ni Corrine si Liam at hinila papuntang dancefloor na hindi na nakatanggi. Uupo na sana siya ulit ng maramdaman niya ang kamay ni Daniel sa likod niya.

''Hindi ko naman yata makakayanang makita kang mag-isa sa dancefloor kaya sasamahan na kita,'' sabi nito sa kanya.

''You don’t have to. Uupo na rin naman sana ako eh.''

''Well dahil nandito na ako why dont we dance.''

Pinagbigyan na lamang niya ang binata dahil nagpalit na ng tempo ang music sa loob ng bar. Pinalitan ito ng sweet music kaya tumanggi man siya ay wala na siyang magagawa. One dance won’t hurt Liam, she guess habang pasimpleng tinitingnan ang mga ito. Nakayakap sa leeg ng binata si Corrine habang nakahawak sa baywang nito ang binata. Napapitlag pa siya ng maramdaman ang kamay ni Daniel sa baywang niya.

''Sorry. Did I startled you?" hinging paumanhin ni Daniel sa kanya. ''You look distracted.''

''Sorry. Nagulat lang ako. Medyo may iniisip lang kasi ako eh.''

''Thinking about him?"

Napakunot ang noo niya sa tanong ni Daniel. Sino naman kayang him ang tinutukoy nito.

''Ang ibig kung sabihin baka kako iniisip mo yung boyfriend mo.''

Napa-aah na lang siya at nilagay na sa balikat ng binata ang kamay niya habang sumasabay sila ng dahan-dahan sa saliw ng musika.

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon