Chapter 53

4K 81 0
                                    

One week

One week ng hindi nagpapakita si Liam sa opisina. Sa loob din ng isang linggo ay sunod-sunod ang raid sa mga kalapit na bayan ng Legaspi. Mga factories ng pagawaan ng druga na hinihinalang pagmamay-ari ng Gary Gang. Mga capsules na naglalaman ng shabu na binibinta sa mga estudyante bilang vitamins. Meron din sa mga clubs and bars kung saan maraming tao. Halos hindi na nga sila nakakapagpahinga sa dami ng kaso na pinafile nila laban sa mga nahuhuli nila. Alam niyang ang grupo nila 3D ang kasama ni Liam sa mga raid. Nagpapatawag lang ito ng back-up pagkatapos nitong maigapos at mabugbog ang mga suspects.

Gaya na lamang ng araw na iyon, kagagaling na naman nila Elgen sa isang reinforcement at may nahuli na naman silang kasapi ng Gary Gang. Hindi niya naiwasang makinig sa usapan ng mga lalaki kaya nagboluntaryo na siyang ipagtimpla ang mga ito ng kape.

"Tama nga pala talaga yung unang sinabi ni Sgt Jerry sa atin na may mga kinuha si Liam na taga NBI. Nakita ko si Agent Drimson kanina eh. Nakadisguise nga lang pero sigurado akong siya yun," sabi ni Elgen sa mga kasamang naroon sa kusina. Kagagaling lang nila sa operasyon, sina Luis, Joseph at kahit si Sam ay isinama din nila.

"Baka naman nagkakamali ka lang Elgen. Imposible naman yatang hindi sabihin sa atin ni Liam ang tungkol doon," sagot ni Luis.

"Pero isipin nga rin natin hindi naman magagawa ni Liam ang sunod-sunod na raid na yun kung wala siyang kasamang mga bihasa sa ganyan maliban sa atin diba. Bakit pang back-up lang tayo?" sabi naman ni Joseph.

"Ano ba kayo, kung ano-ano pa yang iniisip ninyo mabuti nga yun eh at unti-unti ng nahuhulog ang Gary Gang," hindi niya napigilang sabat sa mga ito.

Napatingin si Elgen sa kanya.

"Bunso, magkagalit ba kayo ni Liam? "

"Hindi naman kuya. Bakit mo naman nasabi?" balik tanong niya sa lalaki.

Napakamot ito sa ulo.

"Nagtataka lang kasi ako na si Sam ang pinasama nya. Eh, diba nga ikaw na yung isinasama niya sa mga operasyon. Baka kako may hindi kayo pagkakaunawaan kaya hindi ka na niya pinapatawag," sabi ni Elgen sa kanya.

Hindi siya nakaimik at iniwasan ang nagtatanong na mga mata ng kasama.

"Marami din kasi akong tinatapos na compliances kuya kaya hindi na ako pinapasama ni Liam. Late na kasi yung pagpasa natin sa Crame eh."

"Baka naman kasi nilalayo lang ni Liam si Cassie sa kapahamakan, alam nyo na pag-ibig," biro ni Luis sa kanya na siniko ni Joseph.

"Luis, gagawa ka na naman ng issue eh. May Homer na yan kaya tigilan na natin ang lovelife ni Cassie," sabi ni Joseph na kumindat pa sa kanya. Nginitian na lamang niya ito ng kimi at nagpaalam na siyang babalik sa mesa niya.

Napasandal siya sa upuan ng maupo siya. Napabuntong-hininga siya habang pinagmamasdan ang bulaklak na nasa vase. Araw-araw na ulit siyang pinadadalhan ni Homer ng mga bulaklak na inaayos naman niya sa vase. Hindi pa rin sumusuko sa pangliligaw ang binata sa kanya. At kung may oras ito ay pumupunta ito ng opisina niya at sumasabay sa kanya sa pagkain. Dahil na rin isang linggo ng hindi nagpapakita si Liam ay pinilit niyang pakisamahan si Homer. Mabait naman kasi ito at alam niyang pinagsisisihan nito ang nangyari ng minsang malasing ito kaya pinakikisamahan na lamang niya.

Pero kahit anong gawin niya hindi talaga niya maturuan ang pusong mahalin ang lalaki. She sighed more at hinarap na ang naiwanang trabaho bago dumating sina Elgen. Bigla siyang napatayo ng makita niyang papasok ng opisina si Lester. Agad itong ngumiti sa kanya kaya nilapitan niya ito at dinala sa kwarto nila ni Sam. Ito lang ang naisip niyang pinakasafe na lugar para kausapin ang lalaki.

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon