Chapter 56

4.3K 89 0
                                        

Habang pinagmamasdan ni Liam si Cassie ay napasandal siya sa upuan. Sandali niyang ipinikit ang mga mata bago ibinalik ang tingin sa babaeng naka lotus position na sa harap ng puntod habang inaalis ang mga ligaw na damo sa gilid nito. Napakunot ang noo niya ng makitang may nakapark na single motorcycle sa may di kalayuang exit gate ng memorial garden.

Nasa isang puno ang driver ng naturang motor. Napatuwid siya ng upo at nakakunot ang noong napatingin siya sa lalaki. Sinisilip-silip nito si Bianca habang naninigarilyo sa tabi ng puno. Wala naman kasing ibang tao roon maliban sa dalaga kaya sigurado siyang ang dalaga ang tinitingnan nito. Naka black shirt ito na plain at kupasing maong. May suot itong sunglasses at medyo wavy ang may kaiksihang buhok.

Napabaling ang tingin niya kay Bianca ng makita niyang napatayo ito at nagpalinga-linga. Napansin din siguro nitong may nagmamasid rito. Bigla siyang kinabahan ng makita niyang sumakay sa motor ang lalaki ng magsimula ng maglakad si Bianca papunta sa exit gate. Bago pa makalabas ang dalaga ay pinaandar na niya ang sasakyan. Inunahan na niya ang motor na ngayon ay dahan-dahan pang umaandar papunta sa direksyon ng dalaga.

Pagbukas niya ng bintana sa harap ni Bianca ay ang dulo ng baril nito ang sumalubong sa kanya. Panic is registered all over her face.

"Get in the car Bianca. Now," maawtoridad niyang sabi sa dalagang napamulagat pagkakita sa kanya.

"L-liam?" gulat na bulalas nito sabay baba ng baril.

"Just get in the car now. Someone is following you. Just get in," ulit niyang sabi sa dalagang nagpalinga-linga pa sa paligid.

Agad niyang binuksan ang pinto sa side nito at agad naman itong sumakay. Medyo namumutla na ito habang ikinakabit ang seatbelt.

"Paano mo nalamang nandito ako and what do you mean may sumusunod sa akin?" tanong ng dalaga habang inaayos ang seatbelt.

Nagpalinga-linga naman si Liam sa paligid at nagulat pa siya ng humarurot sa harap nila ang red XR motorcycle. Agad niyang pinaandar ang kotse at sinundan ang papalayong motor.

"Call 3D now," instruction niya kay Bianca na agad namang tinawagan ang kasama. "Paki lagay ng bluetooth set kakausapin ko."

Kahit naguguluhan ay sumunod naman ang dalaga sa pinagagawa niya. Ilang sandali lang ay nasa linya na si 3D.

"Whats up?"

"Sinusundan namin ngayon ang possible stalker ni Bianca. I need you to find my location. Nasa labas na kami ng vicinity ng After Life Memorial Garden. We are heading north. Track us. We need back-up."

"Okey copy that. Ycer is on the computer right now. 5 minutes Liam. Is Bianca okey?"

"Yes. Red XR single motorcycle no plate number. "

Nag concentrate si Liam sa pagsunod sa papalayong motorcycle. May kutob siyang ito ang nagbibigay ng threat sa dalaga. At kung hindi siya sumunod sa dalaga kanina maaaring may nangyari ng masama rito. Sa naisip ay napahawak siya ng mahigpit sa manibela habang idinidiin ang accelerator ng sasakyan. Ilang overtakes din at pagliko ang ginawa ng binata para lang masundan ang naturang motor pero sadyang mabilis itong makalusot sa mga sasakyan. Napamura pa si Liam ng maabutan sila ng stop traffic lights at nakalusot ang motor. Napahampas siya sa manibela sa inis.

"Shit, shit," namumula na ang mukha niya sa galit. Naisubsob niya ang mukha sa manibela.

"Liam," mahinang tawag ni Bianca sa kanya.

He breathe in and breathe out bago tiningnan ang dalaga sa tabi niya. Muntik ng mawala sa isip niya na nasa tabi pala niya si Bianca habang parang hinahabol na ng sampung demonyo ang takbo niya.

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon