Nagising si Cassie na medyo magaan ang pakiramdam. Wala siyang relo at wala siyang cellphone kaya bumangon siya para sumilip sa labas. Umaga na pala mukhang mahaba na rin ang naitulog niya. Dumiretso siya sa banyo, naligo , nagsepilyo at nagbihis ng damit na nasa aparador. Puro shorts at T-shirt lang naman ang nandoon kaya pagtitiyagaan na lang muna niya iyon. Paglabas niya ay hindi na niya nakita si Homer sa sofa. Mukhang nauna pa itong nagising sa kanya.
May naririnig siyang maingay sa may kusina kaya maingat siyang nagpunta roon. Nakita niya si Homer na nakaupo sa may lamesa nakatingin kay Liam. Si Liam na nakasuot ng apron at tanging apron lang ang pang itaas. Mukhang nagluluto ito. Napatitig siya sa nakatalikod nitong katawan. Ilang beses na rin naman siyang nakapaloob sa mga bisig na yon pero ngayon lang niya nakitang nagluto ito.
"Gising ka na pala," ang masiglang boses ni Homer ang nagpalingon kay Liam papunta sa kanya.
Nahuli pa tuloy siya nitong nakatitig rito. Agad siyang nag-iwas ng tingin at tumingin kay Homer na nagtataka ang mukha.
"G-goodmorning. Sorry tinanghali yata ako ng gising," mahina niyang sabi. Ngumiti lang si Homer na agad siyang nilapitan at pinaupo sa tabi nito.
"Okey lang. Hindi talaga kita ginising para mabawi mo ang lakas mo. Gusto mo ng kape?" magiliw na sabi nito.
"Ako na, ako na, kaya ko na Homer," sabi niya sa binata at tatayo na sana siya pero pinigilan siya nito.
"Just seat down. Kami ng bahala sayo. Mabuti nga eh maaga itong si Liam na nagpunta rito. Wala akong talent sa pagluluto eh kaya ipagtitimpla na lang kita ng kape. May surprise si Liam sayo," sabi ni Homer sa kanya. Nasundan tuloy niya ito ng tingin at napatingin rin siya kay Liam na nadaanan nito. Pasulyap-sulyap ito sa kanya na iniirapan lang niya.
Nilalagay na nito ang fried rice na may halong corned beef, hotdog at fried egg at gulay. Napataas tuloy ang kilay niya sa mga iyon. May tinapa at cream soup din itong hinanda at sunny side up egg. Naupo naman sa tabi niya si Homer dala ang kape para sa kanya.
"Ang dami Bok ah. Ginutom tuloy ako. Kain na tayo," sabi ni Homer na nilagyan pa ng kanin ang plato niya.
"Sige na Homer kaya ko na," saway niya rito ng makitang puno ang plato niya.
"Kailangan mong kumain ng marami. Minsan lang nagpapaka chef yang si Liam kaya kumain ka ng marami," sabi ni Homer na kumindat kay Liam na tinatanggal ang apron sa harap nila at isinuot ang T-shirt. Napatitig tuloy siya sa abs nito.
"Bok, hindi mo kailangang ipakita sa amin yang katawan mo baka hindi matunawan si Cassie sa ginagawa mo. Pwede ka naman sigurong tumalikod ano," saway ni Homer kay Liam na ngumisi lang.
"Sanay ng nakakakita ng katawan ng lalaki si Cassie Bok huwag kang mag-alala. Eh puro lalaki kami sa office diba," sabi ni Liam na tiningnan ng masama ni Cassie.
Nagkibit-balikat lang ito pagkatapos ay muling tumayo at nagpunta sa ref. Nagconcentrate na lamang siya sa pagkain. Infairness masarap nga ang luto nito. At mas magiging masarap siguro iyon kung hindi lang siya galit sa binata.
Napatingin siya sa mga box na bigla nitong inilapag sa harap niya. Isang layer ng chocolate cake at isang layer ng leche flan ang laman ng mga iyon. Napatingin tuloy siya sa binata na naupo sa harap niya. Napataas ang kilay niya rito eh paano kasi eh gawa ng mama niya iyon sigurado siya.
"Baka kasi kako namiss mo na yung gawa ni Tita kaya nag order ako. Hindi pa tapos ang two weeks seminar kaya hindi ka pa pwedeng bumalik sa inyo. 4days na lang at matatapos na yun kaya pagtiyagaan mo muna yan," sabi nitong hindi naman tumitingin sa kanya.
Wala siyang masabi sa ginawa nito. Nagtatalo ang isip at puso niya sa galit na nararamdaman rito. Mukhang bumabawi ito sa kanya kung pangbabawi nga bang matatawag iyon.
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
ActionSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
