''Guys, si Joseph at Sam. Sam, these are my men and woman outside our office. Kung kayo pang covert operation, sila operating behind the covert operation.''
''Magandang gabi sa inyong lahat,'' sabi ni Sam na agad nilapitan ni 3D at nagpakilala rito. Ito na rin ang nagpakilala sa mga kasama nito. Pagkatapos ng batian ay naupo na ulit sila.
''3D tumawag ba sayo si Cassie this week or two days ago?" tanong ni Liam sa dalaga.
''Hindi, bakit may nangyari ba kay Cassie?" nababahalang tanong ni 3D naglipat-lipat ang tingin sa kanilang tatlo.
''Her mom called me inquiring about her whereabouts. Nagpaalam daw sa kanya si Bianca two days ago na babalik ng Legaspi after finding about what happen to Lester. Hanggang ngayon hindi pa tumawag sa kanya si Bianca kaya nag-alala na siya,'' Liam explain.
''Oh my God it can't be,'' 3D exclaims napatakip pa sa bibig. ''Oh no, no, no... ''
''3D ano ka ba? Huwag ka ngang mag hysterical dyan,'' sita ni Jayson rito.
''Eh sinong tumawag kay Cassie? Sa amin rito walang tumawag kay Cassie dahil ayaw naming pangunahan si Liam sa pagsasabi ng nangyayari rito.,''sagot ni Noah.
''Hindi ko pinaalam sa kanya dahil iyon ang bilin sa akin ni Liam pero hindi ako sigurado sa iba kung kinontak ba nila si Cassie. Kasi sa office kung alam nilang on leave ang isa hindi na sinasali muna sa mga kaganapan sa opisina. Yun ang nakasanayan naming paraan bago pa dumating si Liam,'' paliwanag ni Sam sa lahat.
''Hindi pa rin tayo nakakasiguro at hindi rin mainam na tawagan natin sila isa-isa para itanong kung nakausap ba nila si Bianca. Maybe one of them is the traitor. God, where is she?" frustrated na bulalas ni Liam na napasabunot pa sa sariling buhok.
Ngayon lang niya napagtanto na sa loob ng isang linggo ay hindi man lamang niya nakausap ang dalaga sa dami ng nangyari. Ni hindi man lamang niya inisip na baka nag-aalala na ito sa mga malalapit rito sa Legaspi. Somehow he feel guilty for neglecting Bianca kaya hindi niya masisisi ito kung isang tawag lang ng isang kakilala ay babalik agad ito ng Legaspi.
''Liam, calm down. Ipagdasal natin na nasa mabuting kamay si Cassie ngayon. Baka nga naman sinusulit lang niya ang leave niya,'' pampalubag loob ni Ycer na tinapik siya sa balikat.
''Sana nga. Pero hindi ako pwedeng tumunganga na lang rito at hintayin kung kelan siya magpapakita o darating rito. Ycer, pumunta kayo sa airport tingnan ninyo ang mga security cameras. Tingnan ninyo ang lahat ng pumasok at lumabas ng airport two days ago,'' sabi nya kay Ycer na tumango lang at tinawag si Noah. Umalis na agad ito pagkatapos makapagpaalam.
''Kailangan nating sabihin kay Homer ito Liam. Bago ko nga pala makalimutan diba Joseph ikaw ang naghatid nitong envelop na ito?'' tanong ni 3D sa binata.
''Oo galing kay Sir Homer yan. Mukhang may lakad kasi siya kaya hindi na niya nahatid rito,'' sagot naman ni Joseph.
Napatingin si Liam sa envelop na hawak ni 3D at sa envelop na hawak niya.
''Pareho tayong pinadalhan? Nabasa mo na ba ang laman nyan?" tanong ni Liam sa dalaga.
''Bubuksan na sana namin ng dumating kayo. Baka makatulong sa atin ito kaya buksan na muna natin. Meron ka din? Galing din kay Homer?" ganting tanong ni 3D na tinanguan lang ni Liam pagkatapos ay naupo na rin sa harap ng mesa at sinimulang buksan ang envelop.
Napakunot ang noo niya ng makita ang laman. Ang background investigation ng mga kasama niya sa intelligence ang mga iyon. Isa-isa niyang pinasadahan ng basa ang mga iyon. Nagpapasalamat siya at kahit papaano ay may naitagong files si Homer pero nagtataka siya kung bakit binigyan pa siya ng kopya nito gayong wala na siyang pinaghihinalaan sa grupo.
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
ActionSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.