Mother Mary Monastery.
Yun ang pangalan ng lugar na pupuntahan ni Cassie. At papunta na siya roon dala-dala ang isang bagpack na may ilang pirasong damit. Hindi na siya nag abalang suklayin ang buhok para mukhang kapani-paniwala ang imahe niya. Isang kupas na T-shirt at pantalon ang suot niya at isang lumang tsinelas. At sa itsura niya mukha nga siyang naglayas. Magandang naglayas in fairness.
Nasa liblib na lugar ang monasteryo, may mga monghe daw kasing nanirahan doon noon pero kalaunan ay mga madre na ang nagmaintain ng lugar na sadyang tumatanggap daw talaga ng kahit sinong humihingi ng tulong sa mga ito. Nasa harap na siya ng lumang gate ng mga ito at nakikita niya sa labas ang malawak na harden at ang lumang bahay sa pinakasentro niyon. Mag-isa niyang gagawin ang misyon na ito kahit siniguro ni 3D sa kanyang nasa paligid lang ang mga ito nagmamasid sa kanya. Wala siyang dalang mamahaling cellphone maliban sa isang lumang model ng cherry mobile phone keypad style na matagal malowbat.
Napakapit siya sa bakal na gate ng mapansin niya ang isang madreng palabas ng bahay. She start acting, nagpapaawa ang mukha, dahil pagod na rin naman talaga siya mula sa paglalakad para makarating sa lugar na yon ay puno ng pawis ang mukha niya. Mukha napansin na siya ng madre dahil nagmamadali ang kilos nitong lumapit sa kanya.
"Ineng may kailangan ka ba," malumanay nitong tanong sa kanya.
Parang gusto niyang umatras, paano niya magagawang lokohin ang mga mababait na madreng ito but she fight back, nasa loob si Cathy at ano mang oras ay maaaring mapahamak ang nasa loob ng monasteryo oras na naunahan sila ni Gary. Napatingin siya sa madre na mukhang hinihintay pa ang sagot niya.
"Mother, pwede po bang humingi ng tubig? Kanina pa po kasi ako naglalakad mukhang nawawala na po ako," mahina niyang sabi sa madre.
"Naku ganun ba. Halika pumasok ka muna ineng may pagkain kami sa loob," nagmamadali itong binuksan ang maliit na gate at inalalayan siyang pumasok.
Napalingon siya sa likod, oras na pumasok siya sa loob magsisimula na ang lahat. Ano mang naghihintay sa kanya roon ay ang Diyos na ang bahala, tanging usal niya ng tanggapin ang nakalahad na kamay ng madre.
Hindi lang isang tubig ang binigay ng nagpakilalang si Sister Fatima, kundi pinakain din siya nito. At nagtaka pa siya sa sarili ng mapansing naubos niya ang inihanda nitong pagkain sa kanya. Nahiya pa tuloy siya ng makita ang malapad na ngiti nito ng balikan siya.
"Mukhang gutom na gutom ka ineng. Gusto mo pa ba?"
"H-hindi na po sister maraming salamat po."
"Walang anuman iyon hanggang may maidudulot kami sa nangangailangan. Kung hindi mo mamasamain eh sana ka galing ineng? Naglayas ka ba?" tanong ni Sister sa kanya. Napayuko siya at pilit inalala sa sarili ang script na ginawa niya. Its now or never alam niyang maiintindihan siya ni Lord sa gagawin niya. Para sa bayan.
"Sister kasi po...," pinilit niyang alalahanin ang sasabihin pero mukhang nablangko ang isip ng makita ang maamong mukha ng madre. Humugot siya ng malalim na hininga. "Ang totoo po niyan magtatrabaho po sana talaga ako sa Legaspi iyon ang sabi sa akin ng nanay ko. Kaya lang hindi pa man kami nakakasakay sa barko narinig ko yung isang babaeng sinamahan namin na bukas pagdating namin sa Legaspi eh sa bar na daw ang diretso namin kasi daw nabayaran na daw nila ang mga magulang namin. Marami kami, mga anim. Sinabihan ko sila pero ayaw nilang maniwala sa akin gawa-gawa ko lang daw yun kaya pagkatapos namin kumain nagpaalam akong pupunta sa CR tapos tumakbo na ako ng tumakbo. Sumakay ako doon sa truck na nakita kung may mga basket ng gulay. Tapos dito na ako banda nakababa noong huminto yong truck. Mukhang nawawala na talaga ako," kwento ko kay Sister na mukhang mas maiiyak pa kaysa sa akin.
Niyakap ako ng madre. "Ano na bang nangyayari sa mundo ngayon? Mabuti naman at nakaligtas ka. At dito ka dinala ng Diyos, dito ka niya ginabayan. Bukas ang monasteryo para sayo ineng. Ano nga ba ang pangalan mo?"
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
ActionSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
