A/N
Some scenes are not suitable for young readers..
Please read at your own risked...
Thank you...
<3<3<3
*********
Pagkatapos kumanta ng binata ay tumayo ito at yumukod sa harap ng audience. Nagsitayuan naman ang lahat at pumalakpak sa performance ng binata. Kinalabit naman siya ni Gracy na nasa tabi niya.
"Gulat ka ano? Singer talaga ng pamilya yan si Kuya," pagbibida nito.
"Kinikilig ako. I smell love in the air. Did you see that girls. Yung titigan nila ni Kuya. Para namang hindi para kay Lolo ang kantang yun eh," sabi ni Pearl na nangingisay-ngisay sa kilig sa kinatatayuan nito.
"Anong titigan? Kayo talaga ang hilig gumawa ng isyu," saway niya sa mga ito.
Uupo na sana siya at nakita niyang paparating si Liam ng mag ring ang cellphone niya agad niyang dinampot ito at sinagot sa kagustuhang takasan ang binata. Parang nahihiya pa siyang harapin ito pagkatapos ng malalagkit nilang tinginan.
"Cassie?" boses ni Homer ang narinig niya sa kabilang linya. Natuktukan niya ang sariling ulo ng hindi man lang muna niya tiningnan ang caller bago sinagot.
"Homer hi, napatawag ka?" pinilit niyang pasiglahin ang boses. Humarap siya sa dagat at hindi niya napansing nasa likod niya si Liam.
"Bakit ang ingay nasa labas ka ba?"
"Ah, oo eh niyaya ako ng kasama kung lumabas. May tumutugtog kasi na banda. Kumusta?"
"Heto miss na miss ka na."
Natawa siya sa sinabi nito at nafreeze ang ngiti niya ng paglingon niya ay seryosong nakatingin sa kanya si Liam.
"Ah, ganun ba. Uuwi na rin naman ako sa makalawa kaya huwag ka ng mag-alala."
Biglang tumalikod si Liam sa kanya hindi niya mabasa ang nasa mukha nito. Mukha itong galit pero bakit naman wala naman siyang ginawa.
"Ahm, Homer ano kasi tinatawag na ako ng mga kasama ko. Text-text na lang tayo ha. Wala kasing signal sa loob. Ingat kayo jan. Please give my regards to Ate Sam," dali-dali niyang paalam rito.
"Sure, ingat ka jan. I love you Cas,"
Hindi siya nakasagot sa sinabi ng binata. Bigla na lang niya iyong pinatay at tuluyan ng ini-off ang cellphone at bumalik sa party. Hindi na niya makita sa paligid si Liam. Wala na rin si Dexter at Brent. Ang mga babae na lang ang naroroon at ang mga date nito. Nanghihina siyang naupo sa upuan niya.
"You okey Ate Cas?" nag-aalalang tanong ni Gracy sa kanya. Si manage to smile at bumulong sa dalaga.
"Have you seen Liam?"
"Akala ko sumunod sayo. But dont worry nasa paligid lang yun babalik din yun dito. Takot lang noon na may tumabing iba sayo," sagot nito na kumindat sa kanya.
Nag excuse muna siya at nagpunta ng restroom. Nag retouch siya ng kunti at napatingin sa sarili sa salamin. Mukhang kailangan na niyang kausapin si Homer ng masinsinan at sabihin ritong wala itong pag-asa sa kanya. She inhale-exhale at yun ang naabutan ni Leslie. Nag-aalalang lumapit ito sa kanya.
"You okey Cassie?"
Nginitian niya ito. "Yah, yah Im okey."
"Good dahil magsisimula na ang dessert contest ninyo maya-maya lang. You should eat medyo namumutla ka," sabi nitong nagretouch ng sariling make-up. Napahawak tuloy siya sa mga pisngi at napatingin sa salamin. "Mukhang natense ka sa kanta ni Liam kanina ah," pabirong sabi nito sa kanya na hindi niya napansing nakatitig sa kanya sa salamin. Namula naman ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
ActionSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
