Chapter 35

4.1K 94 0
                                        

Isang buwan na ang nakakaraan mula ng maganap ang malagim na aksidenteng nangyari kay Cathy. Tatlong araw lang ang burol nito na dinaluhan ng mga kasamahan nito sa monasteryo. Hindi man lamang nakadalo si Cassie sa libing ng babae ayon na rin sa payo ng doktor at dahil hindi pa niya nailalakad ng mabuti ang mga paa. Sa pangungulit ng kanyang Mama at ni Sam ay napilitan siyang magpatheraphy kahit na ayaw muna niyang maglalabas ng bahay.

Naka vacation at sick leave siya sa opisina kaya wala siyang ginawa kundi magmukmok sa kanyang kwarto. Sarado ang kurtina pati na rin mga bintana. Naiilawan lang yata siya kung pumapasok ang Mama niya para magdala ng pagkain sa kanya kung hindi siya bumababa sa komedor para kumain. Alam niya nag-aalala na ang Mama niya sa kanya pero anong magagawa niya kung parang ang kalahati ng pagkatao niya ay sumama ng nailibing ni Cathy at ang masakit hindi man lamang niya ito nakita sa huling sandali.

Nang tanghaling iyon pagkatapos ng tanghalian ay balik kwarto ulit siya. Naupo siya sa upuan na nilagay niya sa tapat ng isang bintana. Sumilip siya sa mga kurtina at tinanaw ang daan. Naglilikot na naman ang isip niya at ilang gabi na rin siyang binabangungot at nakikita niya kung paanong bumagsak ang dalaga. Nakarinig siya ng mahihinang katok sa pinto kaya napakunot ang noo niya. Hindi naman kasi ganoon kumatok ang Mama niya kaya mukhang may bisita siya.

Matamlay na dahan-dahan siyang naglakad papunta sa pinto at binuksan iyon para lang magulat ng makita ang seryosong mukha ni Liam. Sa loob ata ng isang buwan niyang pananatili sa bahay ay ngayon lang ito dumalaw sa kanya na kabaliktaran ni Homer na dumadaan lagi sa kanya tuwing umaga.

Napatitig siya sa mukha nito, kahit marami na ang nangyari ay isa lang ang hindi nagbago at iyon ay ang nararamdaman niya sa binata kahit na lumalayo na ata ito sa kanya. Napasulyap ito sa likod niya at napakunot ang noo kaya napalingon rin siya sa tinitingnan nito.

"So tama nga ang sabi ni Tita. Ina-isolate mo ang sarili mo. Can we talk?" seryosong tanong nito sa kanya.

"Kinausap ka ni Mama?" gulat na balik na tanong niya sa binata.

Hindi ito sumagot bagkus maingat siyang pinatabi nito at dumiretso sa pagpasok sa kwarto niya waring may hinahanap. Nakakunot na ang noo niya habang sinusundan ito ng tingin.

"Hello? Kwarto ko ito at hindi namin sala. Ano bang hinahanap mo kasi?" agaw niya sa atensyon nito.

Hindi pa rin niya isinasara ang pinto at nabigla pa siya ng bigla itong lumapit sa kanya. Napatingala tuloy siya rito.

"W-what?" tanong niya na inilalayo ang sarili sa binata.

Napapikit siya ng makitang mas lumapit pa ito sa kanya at nagdilat siya ng mata ng hindi na ito gumalaw.

"Bubuksan ko lang ang ilaw. Eh nasa likod mo pala ang switch eh," paliwanag nito na sinusupil ang ngiti. Tinaasan niya ito ng kilay at marahang itinulak palayo sa kanya.

"Ano nga kasi ang ginagawa mo rito?" asik niya sa binata para pagtakpan ang pagkapahiya.

"What are you doing Bianca?"

"Bakit? Wala naman. Sabi nyo magpahinga muna ako kaya heto nagpapahinga at nasa bahay lang."

Naupo ito sa gilid ng kama niya paharap sa kanya.

"Will you please close the door at maupo ka rito sa tabi ko," sabi nito sa kanya.

"At bakit ko isasara? Nasa loob tayo ng kwarto ko baka makita tayo ni Papa ano pang isipin non."

"Ang sama ng iniisip nito. Wala akong gagawin sayo at isa pa wala ang Papa mo nasa conference one week. At authorize akong pumasok rito."

Napamaang siya sa lalaki.

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon