Bago pa man bumagsak ang luha niya sa harap ni Liam ay nagdesisyon na siyang iwan ito. Bahala na kung saan siya dadalhin ng pagtakbo niya. For sure hindi siya hahabulin ni Liam para ibalik sa firing range. Pababa ang daang tinatahak niya at wala man lang siyang nasasalubong na sasakyan. Takbo lang siya ng takbo na parang ilang kalaban ang humahabol sa kanya habang hilam ng luha ang mata.
Paano bang sobra siyang naging tanga at umasang simpleng bakasyon lang ang lahat ng nangyari sa tatlong araw sa Batangas. Nakikita na niya ang mga kabahayan sa baba kaya lalo lang niyang binilisan ang pagtakbo. Deep inside her ay umaasa pa ring nakasunod ang sasakyan ni Liam at magso-sorry ito sa lahat ng sinabi. Pero siya na rin mismo ang sumagot sa sarili na nunca gagawin iyon ng binata.
Paasa-asa pa kasi siya. Huminto muna siya sa isang nadaanang puno at naghihinang umupo roon. Basang-basa ng pawis ang damit niya pero wala na siyang pakialam. Saka pa niya napansing gumagabi na pala. Hindi niya alam ang lugar at lalong wala siyang kilala roon. Kung saan-saan na kasi siya dumadaan maiwasan lang ang mga tao na baka magtaka sa kanya na umiiyak habang tumatakbo.
Isinubsob niya ang mukha sa mga tuhod matapos mamaluktot sa puno. Hindi matigil-tigil ang pag-iyak niya. Dahil siguro sa pagod at galit na nararamdaman para sa binata. Lahat umalpas na sa dibdib niya. Nag-angat siya ng tingin at nagkubli sa isang halamanan ng makarinig ng paparating na sasakyan. Bahala si Liam na mag-alala kung ano ng nangyari sa kanya kasalanan naman nito in the first place.
Kumuha siya ng towel sa bag at pinunasan ang mukha. Tumayo na siya at naisipang maghanap ng tindahan na pwede niyang pagtambayan. Mukhang nawawala na talaga siya at ng makita ang cellphone ay alas otso na pala. Nakaramdam na rin siya ng gutom. At sa kamalasan pa talaga habang naglakad-lakad ay biglang bumuhos ang ulan. She cry more in depression ng wala siyang makitang masisilungan.
Takbo lang siya ng takbo ulit at basang-basa na ang damit niya. Sa di kalayuan ay may nakita siyang 7/11 store. Marami na ring nakisilong roon kaya no choice nakisilong na rin siya. Ilang sandali lang ay nagsisakay na rin ang iba sa mga ito sa dumadaang taxi or tricycle at jeep. Nakatunganga lang siya kagat ang daliri. Hindi niya alam ang address ng resort nila Liam at worst gutom na siya pero wala pala siyang dalang pera at giniginaw at mukhang basa na rin ang laman ng bag niya.
Kinuha niya ang cellphone and dial Gracy's number na sa kabutihang palad ay hiningi niya noong isang araw pa lang.
"Ate Cas? Whats up," bati ni Gracy sa kanya ng sagutin nito ang tawag.
"G-gracy," sambit niya sa pangalan ng dalaga. Nanginginig na ang boses niya at mukhang mapapaiyak na naman siya.
"Ate Cas? Whats wrong? Are you ok? Umiiyak ka ba? Where's Kuya Liam?" sunod-sunod na tanong ni Gracy.
Tuluyan na siyang napahikbi. "G-gracy can y-you fetch m-me. I t-think am lost." sagot niya sa dalaga.
"What?? Nasaan si Kuya? Wait, wait... tell me kung nasaan ka. Any store na malapit sayo?" natatarantang sabi ng dalaga.
"Nasa isang 7/11 store ako. And please dont tell anyone, please Gracy ayokong mag-alala sila," napahikbi niyang sabi rito.
"Okey, okey I get it. Please open your gps ate para mamonitor kita. Dont cry I will find you," nagpapanic pa rin ang boses ni Gracy.
"Papalowbat nako eh. Please mag ingat ka. Hihintayin kita. Thanks Gracy," sabi niya rito.
"Okey Ate. Just calm down. Im coming," makaraan ng ilang paalala ay pinutol na ni Gracy ang tawag.
Gustuhin man niyang kausapin lang ang dalaga ay hindi pwede dahil malapit ng madrain ang phone niya. Sumiksik pa siya sa bakanteng lugar para hindi mabasa ng ulan praying na makarating agad ang dalaga.
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
AcciónSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
