Dahil hindi naman nakatulog ng nagdaang gabi si Cassie ay nagdesisyon siyang mag hot shower at bumaba na ng kwarto. Mukhang tulog pa ang mga tao maliban sa mga kasambahay na maagang naglilinis. Itinaas niya ang hood ng suot na jacket at dumiretso palabas papunta sa beach. Tatakbo na lang muna siya para mawala ang iniisip niya mula pa kagabi. Hindi na niya mabilang kung ilang round na siyang tumatakbo. Nakita na lang niyang kumakaway sa kanya sina Gracy at Pearl na mukhang magjojogging rin. Huminto siya para hintayin ang mga ito.
"Morning Ate. Ang lalim naman ng iniisip mo kanina pa kami kumakaway sayo," sabi ni Pearl sa kanya.
"Ganun ba. Sorry naka on kasi yung headset ko," sagot niya rito. "Mag jojog kayo?"
"Sasamahan ka sana namin pero mukhang kanina ka pa rito ah. Ang pawis mo na. Kasama mo ba si Kuya Liam?" tanong ni Gracy na hinahanap ang pinsan.
"H-hindi. Ako lang mag-isa. Baka tulog pa ang kuya ninyo," sagot niyang iniwasan ang tingin ng magpinsan.
"Ganun ba. Milagro naman atang matagal nagising si Kuya ngayon ah," puna ni Pearl na napatingin sa villa.
"Hayaan nyo na baka nalasing lang yon kagabi. Tara samahan ko na kayong mag jog," yaya niya sa dalawa.
"You sure ate? Hindi ka pa ba pagod?" tanong ni Gracy sa kanya.
Pilit niya itong nginitian dahil tutok na tutok ang mata nito sa kanya.
"Oo naman kaya ko pa. Parang gusto ko din kasing tunawin lahat ng kinain ko noong nakaraang araw mukhang bumibigat na ako eh two days pa ako rito," sabi niya sa mga ito.
Nagkibit-balikat lang ang dalawa at nagsimula na silang mag jog. Palagi na ay hindi nauubusan ng ikukwento ang dalawa. Kahit wala sa mood ay pinilit pa rin ni Cassie na makasabay sa trip ng dalawa. But Gracy did notice something wrong with her.
"Ate, nasobrahan ka ba sa tulog or umiiyak ka buong gabi? Namamaga kasi ang mata mo," puna ni Gracy sa kanya ng naglakad-lakad na lang sila.
Napahawak tuloy siya sa mga mata.
"H-ha?? Nasobrahan lang siguro ako sa tulog," sagot niya rito.
"Ganun ba. Aalis na nga pala kayo bukas ni kuya noh. Hindi pa man tayo nagkakahiwalay, mamimiss na kita," sabi ni Gracy na humawak sa may baywang niya.
Nginitian niya ito. "Mamimiss ko din kayo ng sobra. Magtawagan na lang tayo pag namiss natin ang isat-isa. Eh kelan ba ang uwi ninyo sa Maynila?"
"One week kasi kami rito para naman masulit ang bakasyon kasi pagdating sa Maynila balik skwela na naman kami," sabi ni Pearl sa kanya.
"Hay stop this. Dapat mag enjoy tayo sa last day mo rito. Kaya tara na sa kitchen at kumain ng breakfast," yaya ni Gracy sa kanila. Hawak-hawak ng magpinsan ang mga kamay niya at naglakad na sila papunta sa villa.
Nagpalit na muna sila ng mga damit bago bumaba ulit para samahan ang ibang nasa hapag na. Mag aalas otso na rin pala at mukhang kumakain na ang mag-anak minus Liam.
"Mga ladies, come on sumabay na kayo sa amin. Have a seat," yaya ni Tita Mina ng makarating sila sa kusina.
"Hindi nyo kasama si Liam mag jogging?" tanong ni Tito Rafael sa kanila.
Pinilit niyang kumilos ng normal dahil nakamasid sa kanya ang lahat. Mukhang halata nga ang namumugto niyang mata pero walang nagkomento tungkol doon.
"Hindi pa po ata nagigising Tito kaya tumakbo na lang po akong mag-isa."
"Milagro naman atang ang tagal nagising ng isang yon. Tawagin mo nga ang kuya mo, Brent," sabi ni Tita Mina.
"Mom, hayaan nyo na yun babangon din yun pag nagutom," sagot ni Brent na abala sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
ActionSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.