Kumikirot ang paa niya. Yun ang unang naramdaman ni Cassie ng dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Nanghihina ang katawan niya at hindi rumerehistro sa kanya ang mga nangyayari basta ang alam niya masakit ang paa niya. Sinubukan niyang gumalaw ng mapadako ang tingin niya sa kanyang kamay. May dextrose ang kaliwa niyang kamay samantalang ang kanan ay hawak-hawak ni Liam. Si Liam na nakayukyok sa gilid ng kanyang kama. At kama sa loob ng isang hospital.
Nasa hospital siya, may benda ang paa at nakadextrose siya. Nasilip niya ang mukha ng binata, pagod na pagod ang mukha nito at nakakunot ang noo kahit natutulog. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay sa pagkakahawak ni Liam pero mukhang naramdaman nito ang pag galaw niya na agad nagtaas ng tingin sa kanya. Bumalantay ang pag-aalala sa mukha nito.
"Gising ka na pala. Do you need anything? Gutom ka ba? Gusto mo ng maiinum?" natatarantang sabi ni Liam na tinitigan lang ni Cassie. "Wait tatawagin ko ang doktor."
Inabot niya agad ang kamay ng binata.
"Sandali. Bakit ako nandito? Anong nangyari? S-si C-cathy, nandito din ba?" naguguluhang tanong ni Cassie sa binatang agad na natigilan. Muli itong lumapit sa kama ng dalaga at naupo sa tabi nito.
"Bianca, you need to rest. Muntik ka ng mahulog sa isang three-storey building. Natusok ng steel bar yung paa mo, mabuti na lang walang buto ang napinsala," dahan-dahang paliwanag ni Liam sa dalagang napapakunot ang noo.
"Alam ko Liam. Ang tinatanong ko kung kumusta si Cathy," tanong ng dalaga sa binatang nagyuko ng ulo at hinawakan ang kamay ng dalaga. "Liam, nasaan si Cathy?"
"Bianca, calm down," nahihirapang sabi ni Liam na nagpapanic naman kay Cassie.
"Liam sabihin mo sa akin kung nasaan si Cathy. Nasaan si Cathy?" nagsisimula ng maghysterical si Cassie na mariing hinawakan ang braso ng binata.
"Bianca, Cathy didn't make it. Wala na si Cathy, Bianca. Wala na siya," mariing sabi ng binata sa dalagang napapailing-iling, nagsimulang tumulo ang mga luha sa mga mata nito.
"No. Hindi totoo yan. Mababaw lang ang binagsakan niya kanina. Dinala siya nina 3D sa hospital diba? Hindi siya patay. Hindi patay si Cathy. Hindi siya pwedeng mamatay Liam. Pupuntahan ko siya. Pupuntahan ko si Cathy, Liam," umiiyak na sabi ni Cassie na pilit bumababa sa kama nito. Napahiga ulit ito sa kama ng maramdaman ang sakit sa isang binti nito.
"Bianca tama na. May sugat ka hindi ka pa pwedeng kumilos," sabi ni Liam na pilit na hinahawakan si Cassie.
"Pupuntahan ko si Cathy. Please Liam dalhin mo ako sa kanya. Kailangan ko siyang makita, Liam," sabi ni Cassie na hinila-hila ang kamay ng binata. Wala ng nagawa si Liam kundi yakapin ng mahigpit ang dalaga habang inaabot ng isang kamay nito ang button para sa nurse station.
Ilang minuto lang ay pumasok ang dalawang nurse at ang doktor. Kasunod ng mga ito sina Sam at Lester na agad lumapit sa kama ng dalaga na patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Liam, anong nangyari? Cassie, tama na ang pag-iyak," nag-aalalang sabi ni Sam ng makalapit sa dalaga. Lumayo sandali ang binata sa dalaga para bigyang daan si Sam pero nanatili lang sa gilid ng kama.
"Ate Sam, dalhin mo ako kay Cathy. Kailangan kong makita si Cathy. Ate please," nagmamakaawang sabi ni Cassie kay Sam.
"Cassie wala na si Cathy. Please kumalma ka," sabi ni Sam kay Cassie at hinawakan ang magkabilang balikat nito at pina-upo. "Ginawa mo na ang lahat para mailigtas siya. Hindi mo naman siya pinabayaan eh kaya tama na bunso."
"Hindi, hindi pa patay si Cathy. Nagsisinungaling kayong lahat. Hindi!!!" sigaw ni Cassie.
Agad itong nilapitan ng doktor at pinigilan naman ng dalawang nurse ang mga kamay nito saka may itinurok ang doktor sa dextrose nito.
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
AçãoSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
